Pagkabalik ni Althea sa kanyang silid ay agad siyang nag-dive sa kanyang kama. Hindi malaman kung maiinis o na-excite sa nangyari sa kanila ni Luan lalo na nang muntikan na siya nitong halikan. Napatigil tuloy siya at napahawak sa kanyang labi, naisip kung ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng tulad nito. 'Sus, inis-inisan pero nasasabik naman pala ng halik ni Sir Luan,' tudyo ng isipan. Nang mapagtanto ang kanyang iniisip ay mabilis na binitiwan ang labi at napasimangot. "Hindi ako in love sa kanya, ah," mabilis na depensa sa sarili. "Hindi nga ako in love sa kanya," giit pang turan ba tila ba kinakausap ang sarili. Buwisit na nagtalukbong si Althea ng kumot, kahit kasi anong pilit niyang iwaksi sa isipan ang guwapong mukha ni Luan ay hindi magawa. Naalala niya ang usapan nina Lua