Chapter 17:

1389 Words

Mabilis na umalis si Althea nang makahanap ng pagkakataon bago muli siyang usisahin ng mga magulang. Lumapit kasi ang mga ito sa kinaroroonan ni Luan lalo na at tila magiging ang lalaki sa kanilang presensiya. Halos takbuhin niya ang hagdan papasok sa kanyang silid, mabilis na sinapo ang kaniyang dibdib sa lakas ng pagbayo nito. "Nakakainis! Nangako pa naman siyang hindi nito sasabihin kina mommy at daddy ang tungkol doon," inis na turan niya sa kawalan habang nakapamaywang. Muli niyang sinipat ang orasan at pasado alas-una na iyon ng madaling-araw. Pilit niyang kinalma ang sarili dahil kahit ano pa naman ang gawin niya ay hindi na niya maibabalik pa, nasabi na nito sa kanyang ama. Nang maalala ang ama ay hindi niya maiwasang mapakunot-noo dahil sa naging reaksyon nito. Sa bagay, kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD