Hindi namalayan ni Althea na nakaidlip na pala siya sa kakaisip kay Luan, nang maalimpungatan siya ay nakadama siya nang pagkauhaw. Dali-dali siyang tinungo ang mini-fridge sa gilid ng kanyang silid ngunit laking dismaya niya nang wala man lang tubig doon. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang bumaba sa kanilang kusina. Nasa may hagdan na siya nang maaninagang bukas pa ang ilaw sa mini office ng ama kung saan pumasok si Luan at ang ama kanina. Napakunot-noo siya at awtomatikong hinanap ng mga mata ang malaking orasan sa pader nila at nakitang pasado alas dose na iyon ng gabi. Dahan-dahang inihakbang ang mga paa papalapit sa bahagyang nakabukas na pintuan. Tahimik ang buong paligid at walang anumang nakita roon maliban sa lalaking nakayuko sa may mini counter bar ng ama. "Luan," anas niya