Ngumiti si Luan nang mapansing nakatingin na sa kanya si Althea, batid niyang sa pagkakataong iyon ay nakuha na niya ang atensiyon nito.
"If he do that, you will lost Althea. Look at yourself, college nga 'di mo matapos tapos. Do you think your dad gonna trust you if you gonna do what you want?" anito na kinabigla niya. Wala naman siyang pakialam sa opinyon nito pero para kasi siyang tinamaan sa sinabi nito. Totoo naman kasi 'yon, college nga ay hindi niya matapos-tapos kaya mas lalong nanggagalaiti ang ama sa kanya. Ngunit naalala niyang asar nga pala siya sa lalaki kaya kahit alam na may punto ito ay ayaw niyang tanggapin.
Sino ba ito upang pagsabihan siya kung ano ang gagawin niya o hindi. Binayaran ba ito ng ama para kausapin siya at ipaintindi ang lahat sa kaniya dahilan upang mapabusangot siya sa ideyang pumasok sa isipan.
Humalikipkip siya saka bumaling sa labas upang kalmahin ang sarili at baka mahalata ng lalaking badtrip siya.
"Unless you gonna find a future husband to be who will manage your dads company while you, doing what you wanna do. I guess, Tito Melencio just want somebody to take over his company as he retire soon," ani Luan na masusing ineksplika kay Althea ang maaaring choices nito para makalaya sa paghihigpit ng ama nito.
Natahimik naman si Althea sa narinig na sinabing iyon ni Luan. Mas lalong dumilim ang pagmumukha niya sa suwesyon nito. Ano naman ang kinalaman ng pag-aasawa niya sa bagay na nais ipagawa sa kanya ng ama.
'Unless you gonna find a future husband,' umiksik sa isipan ang sinabing iyon ng lalaki. Pasimpleng sinulyapan ito. "Future husband pala, ah," bulong saka simpleng tiningman ang lalaki saka ngumiti.
Pagkarating nila sa bahay nila ay agad silang sinalubong ng magulang niya dahilan upang dambahin ng kaba ang dibdib. Napatigin siya kay Luan na noon ay agad na nakipagkamay sa daddy niya.
"Good to see you here, hijo. Oh, siya pumasok na muna tayo," yakag ng ama na nagpakunot ng noo ni Althea.
'Himala, hindi nakaangil sa 'kin?' aniya sa isipan ng makita ang masayant reaksyon ng ama.
"Hello po tita," bati pa ni Luan sa ina sabay beso. Habang siya ay alumpihit na humalik sa ina saka tumingin sa ama na noon ay nakatingin din pala sa kanya. Hinintay niya kung may sasabihin ito pero mukhang wala ito sa mood na sermunan siya. Ganoon ba kaimportante si Luan dito upang makalimutan nitong gawin ang bagay na matagal na ginagawa sa kanya, ng semunan siya sa bawat pagkakamali man o hindi na nagawa.
"Good to see you, hijo. Mabuti naman at sinama mo na itong si Althea baka mamaya ay kung saan na naman nagpupupunta," hirit ng ina.
"'Ma," mabilis niyang saway rito.
Tumawa lamang ang ina.
"O, siya, magbihis ka na muna anak, bumaba ka agad at may pag-uusapan tayo," tila seryosong wika ng ina na nagpakunot ng kanyang noo.
Nang hindi pa rin siya tumatalima ay muling nagsalita ang ina.
"Narinig mo ba ako, anak?" untag nito.
"Okay po, mommy," saad saka pumasok na.
Pagkarating sa silid ay nakahinga siya ng maluwag. "Kakainis," bulalas niya sa inis dahil sa nakikitang pagkagiliw sa mukha ng ama sa pagdating ni Luan. Mabilis na binaba ang libro at bag niya saka pabagsak na nahiga sa kam
"Future husband," saad sa hangin habang pinaglalaruan sa isip ang guwapong mukha ni Luan. 'Architect Luan Jacobo Richards, why not!' aniya sa isipan saka ngumisi nang may ideyang pumasok sa kanyang isipan.
Mabilis na tinungo ang banyo para makapag-imis na. She just need to freshen' up saka tinungo ang closet at sinuot ang isang bestida. Black and white strip iyon na hanggang itaas kunti ng tuhod niya. Tube iyon na may maliliit na strap sa magkabilaang balikat. Lumitaw tuloy ang kaputihan niya. Simpleng pamabahay niyang bestida iyon, masyado naman kung tudo dress siya eh sa bahay lang naman. She want it look so natural kaya hindi na niya inayos ang buhok. Hindi rin siya nag-make up o nagpulbos man lang. Mabilis siyang bumaba at nakitang nasa salas silang lahat.
Naalala niya ang sinabi ng ina na may pag-uusapan daw sila. Medyo kinabahan siya dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan nila base sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito.
Sa may hagdan pa lamang ay tanaw na ni Luan si Althea. Batid niyang hindi siya pwedeng mahulog rito ngunit hindi na yata niya mapigilang humanga sa ganda nito. Noong una pa lang itong makita ay may kung ano nang kumudlit sa kanyang puso ngunit pilit iyong iwinawaglit dahil bawal na bawal ang student-teacher relationship sa unibersidad na pinapasukan nila.
Hindi man kanais-nais ang ginawa nito sa unang pagkikita nila, akalain bang pati timba na walang malay at walang ginagawa rito ay nagawa nitong pagbalingan ng galit pero hindi niya mabatid sa sarili kung bakit hindi magawang magalit sa kabila ng kamalditahan nito.
"O, halika rito anak," tawag ng daddy niya.
Agad siyang umupo sa tapat ni Luan. "Luan explain us already what really happen sa eskuwelahan niyo. Pero pag-usapan natin kung bakit kayo dumating sa puntong iyon," saad ng ama na nakapagpanginig sa kaniya. Hindi kaya sinumbong siya ng lalaki sa kanyang ginawa rito.
Mabilis siyang tumitig kay Luan na noon pala ay nakatingin din sa kaniya. Nagtama ang mga paningin nila, kapwa walang nakapagbawi hanggang sa narinih na lamang ng tinig ng ama.
"I am so happy that you already starting to open up your heart darling," saad ng ama na kinataas ng kilay niya.
'Ano naman kaya pinagsasabi ng lalaking ito,' aniya sa isipan pero masaya na rin siya dahil mukhang maganda ang mood ng ama.
"Luan told me that you help him to get out from that chair. At least now, I know na pwede ka pang magbago. Akala namin ng mommy mo na mali kami ng pagpapalaki sa 'yo dahil binigay namin ang lahat the fact na wala ka nang pakialam sa paligid mo. Helping Luan is a good sign," tuwang-tuwang saad ng ama na tila nagpakabayani siya sa pagtulong sa lalaki ngayon ay nakatitig sa kanyang magiging reaksyon.
Nakamaang siyang nilipat ang tingin kay Luan. Seryoso ito na nakatingin din pala sa kaya. Napalunok siya at tila natuyuan ang lalamunan. Buti na lamang at may tubig sa lamesita kaya nagsalin at uminom.
"That's why we offered him to be your personal tutor," dagdag na wika ng ama.
Imbes na malunok ang tubig na ininom ay naibuga iyon dahil sa gulat.
"What?" bulalas niya ngunit halos matampal ang bibig nang makitang sa saktong mukha ng daddy niya iyon sumirit. "Sorry, daddy," mabilis na hingi ng paumanhin saka nah-inarteng umubo-ubo. Hinaplos siya ng likuran ng ina habang ang ama ay nagpupunas na. Buti na lamang at maliit lang iyon kaya hindi naman ito gaanong nabasa. Paglingon kay Luan ay nakangiti na ito, malamang ay natatawa sa hitsura nilang dalawa.
"Okay ka lang ba anak?" concern na tanong ng ina sa kaniya nang mahimasmasan siya.
"Yes, mommy," aniya saka lumapit sa daddy niya. "Dad, are you serious? Hindi ko naman na kailangan ng—" putol na saad niya nang sumabad ang ama.
"He already agreed. I want you to graduate as soon as possible," putol ng ama sa kaniyang paglalambing dito. Akala niya kasi ay makukuha niya ito sa ganoon pero mukhang matigas na ang ama. Bumalik ang tingin kay Luan at inirapan ito na kinangiti lamang naman nito. Hanggang sa nagbawi siya ng tingin rito. Pasimple lang din siyang ngumiti. Well, kung ipagpipilitan ng ama, gagawin niya iyong advantage sa kaniya.
'Matira matibay,' bulong niya sa sarili. Binubuo na niya ang plano niyang akitin ito at kapag nahulog ito sa ganda niya ay nangangahuluhang talo ito.
"Okay, fine," inis-inisang bumalik sa kinauupuan.
"Ma'am, sir, ayos na po ang komedor," tawag ng kanilang mayordomang si Aling Pasing.
"O, siya, kumain na muna tayo. Mabuti naman at tinanggap mo itong offer ng asawa ko, hijo. Wala naman kaming hangad dito sa anak namin na sana ay makatapos na siya. Tumatanda na rin kaming mag-asawa at gusto naming maalagahan niya ang kompanyang tinayo nitong si Melencio galing sa dugo at pawis niya. Lalo pa at nag-iisa namin siyang anak," malumanay na turan ng ina kay Luan habang papunta sa komedor.
She gets her parents concern pero wala naman kasi sa archetictural firm ang gusto. She wants to be a fashion designer. She wants to go to Paris, may nag-o-offer sa kaniya ng scholarship sa isang malaking unibersidad doon. She'll be working for the biggest name in fashion industry gaya ng mga naglalakihang fashion brands.
Mabilis na umupo sa upuang laan sa kaniya. Katapat ng ina habang ang ama ay nasa kabisera ng mesa. Si Luan ay umupo sa tabi niya. Mabilis itong hinila ang upuan niya upang makaupo siya. Imbes na magpasalamat ay umirap lang siya rito, ngunit natawa lamang si Luan na noon ay nakangising nakatingin kay Althea.
"Alam mo hijo, gustong-gusto ko magkaroon ng anak na lalaki. Kaya lang sa dami nang pinagdaanan namin nitong asawa kong si Helena ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon," anito saka tumigil. "Pag-asa ko na lamang ay kapag nag-asawa na itong si Althea pero papaano mag-aasawa, eh, ni ipasa nga ang Algebra niya ay 'di magawa. Hindi mo rin makitang hawakan man lang ang kawali," dagdag panglalalaglag ng ama sa kanya sa lalaki.
"Dad?" angil niya sa ama.
"Totoo naman, ah, anak, ginagawa mamin ito para sa 'yo, paano ka na lamang kung wala na kami ng mama mo," bulalas ng ama na nagpatahimik kay Althea.