"Mr. Richards, pinapatawag po kayo ng head of dean sa office," tawag ng sekretarya ng head ng dean nila. Tumingin sa kaniya si Miss Ventura, mukhang ngayon niya lang napagtanto ang consecquence ng ginawa nito.
Agad na tinungo ni Luan ang opisina ng head ng unibersidad. Nakitang naroroon na rin si Althea habang sa labas ng opisina ay ang lalaking batid niyang may gusto sa babae. Nakita niyang tumiim ang titig nito sa kaniya nang magtapat sila pero hindi pinansin iyon at pumasok na.
"Mr. Richards, kilala na kita at pangalawang balik mo na ito sa amin. I don't know how good you are but listening to this audio is very undeniable," turan ni Mrs. Sanchez. "You also Miss Robles, you're dad was one of the major stockholder but this case. I don't think, I will save you. This might be going to the division and CHED will be investigating about this matter," seryoso nitong turan.
"Mrs. Sanchez, this is just a mistake. I am sorry but it wasn't like what people thinking. I was glued in my chair. I asked Miss Robles help and she help me. If you want, asked Mang Rudy. I barrowed his pants and I will present to you the chair when I left some part of my pants. I am very sorry for the embarrassment that I've cause." kalmadong saad ni Luan kay Mrs. Sanchez na noon ay nakakunot-noo.
Tumingin siya kay Althea, banaag ang pag-aalala sa mukha nito. Alam ni Luan na inaalala nitong magagalit na naman ang daddy nito.
"I am willing to undergo any physical test. We're not doing anything and I can prove that I'm still virgin. If ever I prove that we've done nothing scandalous. Then, I want Miss Ventura out of this school!" mariing turan naman ni Althea, p********e, reputasyon at kahihiyan ang nakataya sa kanya.
Nakita niyang bumaling si Luan sa kaniya pero decided na siya. "What do you mean, Miss Robles?" tanong ni Mrs. Sanchez.
"She's the one who spread this embarrassing audio. My reputation was stake of what she did," nagsisimulang gumaralgal ang boses niya.
Sumenyas ito sa sekretarya nito, pinatawag nito si Miss Ventura. Mga sampung minuto ay naroroon na ang babae.
"Miss Ventura, is it true na ikaw ang nagpakalat ng audio recording?" deretsahang tanong ng head.
Umiling ito.
Ngumisi si Althea saka bumaling rito. "Ikaw lang ang nasa pintuhan ng sandaling iyon. Besides, we traces where it came from?" aniya rito na kita na ang panginginig nito. Magaling sa computer si Vincent dahil bago pumasok sa architecture ay nag-IT muna ito. Kaya nga nang mapatunayan niya talagang galing dito at nang pinatawag siya ng head of dean ay may bala na siya.
"Ahemmm!" tikhim pa ni Miss Ventura. "Sabihin na po nating sa akin galing pero it's not intended para siraan sila," mahinang saad nito.
"Not intended! But you did! And look at the result, Miss Ventura. You ruin the reputation of the unibersity by your false thought," ani ni Mrs. Sanchez na noon ay tila na-high blood sa narinig na reasoning ni Miss Ventura.
Sa narinig ni Althea ay napangiti siya. 'Well, ginawa mo kaya magdusa ka!' turan sa isipan. She don't hates anyone, medyo mainit man ang dugo nito sa kaniya. Pero okay lang naman as long as wala itong ginagawang masama. Too bad, dahil gumawa nga ng masama, eh 'di pa ginalingan.
"I think, we will leave the case to the CHED. And see what sanction they will give you, Miss Ventura," pagdi-dismiss ng head nila sa kanila.
Paglabas niya ay agad siyang sinalubong ni Vince. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Yeah, thanks," aniya rito saka ngumiti. Ngiti na hindi nakaligtas kay Luan.
"Ahem!" agad na tikhim ni Luan nang makitang nagiging sweet pa si Althea sa lalaki. "Mabuti sigurong bumalik na kayo sa klase niyo," turan niya sa mga ito.
Hindi sumagot o tingnan man lang siya ni Althea pero tumalima ang mga ito. Hindi naikaila ang paghawak ng lalaki sa braso ni Althea dahilan para maghimagsik ang damdamin niya. Ganoon pa man ay napangiti siya. Lalo na nang maalala ang depensa nito sa sarili. 'I will prove that I'm still a virgin!' alala sa isipan ang sinabing iyon ni Althea.
Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Althea hindi dahil sa inaalalayan siya ni Vince kundi dahil baka sa mukha ni Luan ang hindi mawari kung inis o selos. Lalo pa at nakaganti na siya kay Miss Ventura. The heck of that woman, mukhang tinamaan ito sa bagong co-instructor nito at nagawa pa siyang idawit sa pagkagusto nito.
"Thank you, Vince," pasalamat niya rito. Nakulo ang dugo sa lalaki dahil sa tahasan nitong pagpaparamdam ng pagkagusto sa kaniya bagay na kinaiinisan niya pero sa pagkakataong iyon ay nagsilbing anghel dela guwardiya niya.
"You're welcome, buti nga hindi nausok na naman ilong mo sa akin," ani Vince sabay kamot sa batok.
Hindi tuloy maiwasang tumawa si Althea sa nakitang reaksyon ni Vincent.
"Well, you're fault," sisi niya sa lalaki.
Maang na napatingin si Vincent sa kanya. "My fault?" anito na matiim na napatingin sa kanya. "My fault bang umiibig ako sa 'yo?" dagdag pa nito.
"Don't start Vince, we're better off as a friend. Hanggang doon na lang iyon," aniya saka nagpatiuna nang maglakad. Maya-maya ay agad siyang sinalubong nina Danica at Beatriz.
"Ano'ng nangyari?" alalang tanong ng mga ito sa kanya.
Ngumisi siya, ngisi na hindi nakawala sa tingin ng dalawa.
"O—M—G! Ano'ng ginawa mo girl?" nanlalaki ang mga mata ni Danica na usisa sa kanya.
"I just told them the truth, the truth but nothing but the truth," aniya saka ngumiti. "Expect not to see, Miss Ventura in the campus soon," aniya saka kinuha ang bag na hawak ni Beatriz.
"Oh my God, two in a row Althea. After Mr. Macario ay si Miss Ventura naman," gagad naman nito.
"Well, you know me, Danica. Maldita, impakta at spoil brat man ako kung tawagin nila, I will not fight back kung 'di nila ako kinanti. Totoo namang siya ang nagpakalat ng scandalous audio na iyon," katuwiran sa mga ito dahil kahit hindi tahasang umamin si Miss Ventura kanina ay batid niyang walang bias ang patuturo dito.
"Sabagay," sabayang turan naman nina Danica at Beatriz. Well, kilala siya ng mga ito, hindi naman siguro siya matatagalan ng dalawang kaibigan lalo na si Beatriz kung wala siyang magandang katangian gaya ng sinasabi ng iba.
Ngumiti siya sa mga kaibigan saka sila pumasok sa kanilang klase. Buti na lamang at wala silang klase kay Arch. Luan sa araw na iyon kaya kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag.
Kahit pinagtitinginan pa rin siya ng ilang estudyante ay wala siyang pakialam pa sa mga ito. Katatapos noon ang last subject nila kaya nagpunta si Beatriz sa library para sa reseach nito habang si Danica naman ay mabilis na umiskapo dahil may family dinner daw ang mga ito sa bahay ng kaniyang mga grandparent kaya siya na lang ang naiwan. Palabas na siya sa main gate ng campus nang may humarang na sasakyan.
Napataas kilay pa siya dahil sa mismong tapat niya iyon huminto. Nainis tuloy siya, lalampasan na sana ito nang lumabas ang driver nito at tinawag siya.
"Althea," baritonong tinig. Pamilyar sa kaniya ang boses kaya lumingon siya, si Luan iyon.
"Yes, you?" anito nang makitang natigilan siya sabay turo sa sarili. "Pupunta ako sa inyo, sabi ng daddy mo na isabay na kita," pormal na saad nito.
"What? Don't tell me sa amin ka na naman makikikain?" bulalas ni Althea sa lalaki.
Nabigla si Luan sa sinabing iyon ng Althea ngunit imbes na mainis ay natawa pa siya.
"I mean magdi-dinner?" pagtatama ni Althea dahil mukhang napahiya ito sa kanyang sinabi.
Ngumiti si Luan. "Nalaman kasi ng magulang mo tungkol sa eskandalong kinasangkutan natin. Alam kong ayaw mong mapagalitan ng daddy mo. So, I volunteer na samahan kang mag-eksplika sa kanila. Well, parang ganoon na nga, doon ulit ako makikikain," anito na kinatawang bahagya na kinalabas ng dimple nito, nagmukhang Tom Rodriguez tuloy ito.
Bahagya siyang natigilan nang makitang ngumiti ito ng bahagya. Doon niya lang din napagtanto ang sinasabi ng mga kaibigan. Tama ang mga ito, their new instructor is charming.
"Let's go," untag nito na nakapagpabalik sa kaniyang pagkatulala.
'Gosh baka napansin niya akong nakatitig sa kaniya,' naghuhumiyaw ng isipan.
Wala na siyang nagawa kundi ang lapitan ito at buksan ang backside ng sasakyan nito.
"I'm not your driver, seat in front," maawtoridad na wika nito.
Doon ay napataas-kilay siya. Napansin iyon ni Luan pero hindi siya nagpasindak rito. "Lilipat ka ng kusa o pupunta ako diyan at bubuhatin para mailipat ka?" banta niya kay Althea.
Mas lalong tumaas ang kilay ni Althea. Who is this guy para papiliin siya sa choices na wala siyang gusto. Nang makita ni Luan ang reaksyon nang babae ay akma na siyang bababa sa sasakyan.
"Okay, fine. I will, hindi mo na ako kailangang buhatin!" padabog na lumabas si Althea saka lumipat sa harapan katabi niya.
"Thank you, akala ko kasi gusto mo pang buhatin kita, very much willing pa naman ako?" anito saka simpatikong ngumiti sa kaniya.
'The nerve!' buwisit na hiyaw ng isipan pero tumahimik na lamang siya. Matapos noon ay nakakabinging katahimikan na. Napansin ang panaka-naka nitong pagsulyap pero binaling na lang ang mukha sa labas at pinapanood ang bawat nakikita.
"Baka mabaling ang leeg mo niyan. Say something at least," basag ni Luan sa katahimikan nila ni Althea na hindi mapakali sa kinauupuan nito.
"Wala akong masasabi?" pbalang na turan.
Ngumisi si Luan.
"Baka gusto mong kumanta," biro niya rito pero mas lalong nangunot ang mukha nito. Tila badtrip na naman ito kaya naisip niyang ganito ba talaga ka-maldita ang babaeng noon ay nakikitang sweet sa ama nito. "You're dad loves you so much, isn't he?" segundang turan.
Nagsalubong na ang kilay ni Althea sa narinig buhat sa lalaki.
"Imagine, he just let you stay in college for how long—" anito sabay tigil na tila nag-iisip. "Five. . .six . . .seve years, just for your to get your degree and manage his own company," dagdag pa nito. Hindi malaman ni Althea kung compliment ba iyon o pang-uuyam.
'Pakialam mo!' banas na bulong sa sarili sa sobrang inis sa lalaki.
"If he loves me, he let me do what I want to do!" inis na baling rito. 'Simpleng pakialamero,' aniya pa sa sarili sa buwisit sa katabi. 'Guwapo naman,' hirit pa ng kabilang isip dahilan upang mapangiwi.