"Dad?!" maktol na putol ni Althea sa ama dahil grabeng pagpapahiya na ang ginagawa nito sa kaniya sa harap ni Luan na noon ay matiim na nakatitig sa kanya. "Diyan, diyan ka magaling, anak, you have to realize na bente-uno ka na. You should learn things, sige sabihin mo, ang isang babae, kung hindi magaling sa kahit anong trabaho, do you think may lalaking tatanggap sa kanila? Hindi mo na maipasa Algebra mo—-" putol na ulit na wika ng ama. 'Gosh, uulitin pa talaga,' tirik na lamang ni Althea ang kanyang mga mata sa paulit-ulit na pandidiin ng ama sa hindi pagpasa-pasa sa Algebra na daig pang sabihin nito kung gaano siya kabobo pagdating sa bagay na 'yon. "Kahit papaano sana ay magaling ka namang magluto," hirit na dugtong ng ama dahilan upang tumahimik na lamang siya dahil kung papatulan