Gulat pero hindi maiwasang malugod si Luan sa sinasabi ng ama ni Althea sa kanya. Akalain ba niyang tahasan siya nitong tatanungin kung nagagandahan ba siya sa anak nito. Noong unang sinabi nitong gusto siya nito para sa anak ay inisip na marahil ay nakikita lamang siya nito bilang younger version nito noon kaya nasabi niya iyon. "Hijo, kagaya ng nasabi ko noong nakaraan ay gusto kita para sa anak ko," muling tinig ng daddy ni Althea. Napalunok si Luan dahil mukhang nagiging seryoso ito sa pagrereto sa kanya. Kapag nalaman iyon ng anak ay tiyak niyang maiinis at magagalit na naman ito sa ama. "Tito, kahit naman sabihin na nating gusto mo ako para sa kanya o kaya ay gusto ko siya, may sarili pa rin namang isip at puso ang anak ninyo," sagot niya sa ginoo. Bahagya itong natigilan at mukh