'Makikita mo! Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo!' inis na bulong sa sarili habang nanlilisik ang mga matang nakatingin pa rin sa lalaki.
Hindi pa man niya tapos linisan ang sahig ay dobleng kahihiyan ang natamo niya ang araw na iyon dahil nagdatingan na ang maraming estudyante at ang lahat ay halos nakatutok ang mata sa kanya. Nakitang lumapit din si Miss Ventura isa ring instructor sa unibersidad na tila bumulong pa sa lalaking nakatayo sa harap.
Naiinis siya sa instructor na babaeng iyon dahil noon pa man ay mainit na ang loob dito lalo pang nagatungan iyon dahil tila masamang balita ang binigay nito sa lalaking nakatayo na bakas sa mukha nitong tumingin pala sa kanya dahilan upang magtama ang kanilang mga paningin.
Napataas-kilay si Joe nang marinig ang sinabi ni Miss Ventura sa kanya.
"Siya iyong estudyanteng nagpatanggal kay Mr. Macario na papalitan mo," bulong nito sa kanya.
'Tignan mo nga naman ang pagkakataon. No doubt, kayang-kaya nitong gawin iyon sa katulad ni Mr. Macario na may edad na,' aniya sa isip.
"Papa niya kasi ang may pinakamalaking shares sa school kaya hindi ma-kick out!" dagdag pang bulong ng dalagang instructor.
Nagngitngit ang buong kalooban ni Althea. Ayaw na ayaw niya iyong nasisiraan siya lalo na kapag hindi naman alam ng mga ito ang katotohanan.
Mabilis na tinapos ang ginagawa saka mabilis na tumayo.
"It's done. I think it's your work to do the rest. Excuse me!" inis na wika saka hinawi ang umpukan ng mga estudyanteng nakikiusyuso.
Naiinis siya kaya halos hindi niya maiwasang mapaiyak. "The nerve that man. Makikita mo!" gigil na wika sa kawalan.
"Girl, my God! What's happen?!" tili ng kanyang mga kabarkada.
"What's happen?! What's happen kayo d'yan? Hindi niyo man lang ako tinulungan. What's are friend are for? Nasaan na iyon?" inis na sita sa mga ito.
"Oh, I'm so sorry, Althea. How could we help you, it's so gross! Ewww!" maarteng bungad ng mga ito.
Inirapan niya ang mga ito na siyang kinatawa ng mga kaibigan. "We're just kidding pero infairness ang guwapo ng guy," tili pa ni Danica.
"Guwapo? Saang banda? My god, you need to wear eyeglasses na," maarteng wika rito saka na tuloy sa paglalakad bago pa sila mahuli sa unang asignatura nila.
"Ah! Ah, dapat ikaw ang manalamin, Miss Althea Robles dahil hindi mo nakita ang kaguwapuhan ng lalaking iyon. Grabe!" tili pang dagdag ni Danica nang bulabugin sila ng tumatakbong si Beatriz.
"Oh, my God. Have you seen the substitute instructor natin sa Algebra since nag-resign last week si Mr. Macario?" excited nitong wika.
"So, sino na naman ang susunod na papatalsikin niyong ating best friend?" diga ni Danica.
Napangiti ng matamis si Beatriz. "Iyon ay kung papaalisin niya," nakakalokong wika nito sabay bulong pa kay Danica na nanlalaki ang mga mata.
"Really?" bulalas naman ng huli na eksaherada pang natutop ang bibig sa binulong ng kaibigan nila.
"Yes! Kaya bilisan niyo na kasi we're about to meet our hunk and handsome instructor. At chika pa ay mukhang type daw ni Miss Ventura," anito.
Napakunot-noo si Althea sa sinabi ng kaibigan. "Type ni Miss Ventura?" ulit na natatawa. Mas nauna lang ng isang taon ang instructor na tinutukoy niya. Hindi niya alam kung bakit una pa lang encounter nila ay masama na ang tingin nito sa kanya. Sabi ng dalawang kaibigan ay baka daw insecure ito dahil bukod sa mas maganda siya, eh, talagang mayaman talaga siya.
"Yup! So, bilis na. We're late!" Hila na sa kanya ni Beatriz. Matalino ito, sa kanilang tatlo ito ang tipong matalino at mahinhin ngunit nagiging pilya kapag sila ni Danica ang kasama nito.
Beatriz was an introvert before, she has her own world na tila ba siya lamang ang tao sa mundo. Laging mag-isa, hindi nakikipag-usap at walang kaibigan hanggang sa isang araw noon na nakita niya itong umiiyak. She approach her. Doon ay nalaman niyang nakakapag-aral lang ito dahil sa schoolarship nito at sa kasawiang palad ay may isa itong subject na nabitin. Dahilan upang hindi siya makapasok sa susunod na pasukan para sa schoolarship. Tinulungan niya ito at ginawan ng paraan upang hindi matanggalan ng scholarship at naging simula noon ang pagsama-sama nito sa kanilang grupo.
Yes, for some student and most of her instructor. She's spoil brat, hard headed and naughty but she have the heart to people she thinks deserve her respect too. While Danica is her childhood friend na kagaya niya ay galing din sa alta-sosyedad. Hindi rin siya iniiwan nito dahil pareho lang din silang bumabagsak.
They used to cut their classes, leaving schools to go to the malls. But, when they met Breatriz, they realize things and now they're focus. Beatriz is the youngest but she's the one who'd advising them. She did every homeworks, reportings or projects they have. In return, they buy things for her or even give money for her schooling. Doon nabuo ang kanilang samahang tatlo. Since then, paminsan-minsan ay napapasama na rin ito sa kanilang kalokohan ni Danica.
Maingay at magulo ang kanilang classroom. "Good morning my honeypie," bungad ni Vince sa kanya.
"Ayie! Ang aga-aga naman, baka langgamin na ang bestie namin niyan," parunggit nina Danica at Beatriz.
"Hoy! Vicente, how many times na sinasabi kong I do-n't like you!" matatalas na dilang wika sa lalaki, kung gaano siya katagal sa kolehiyo ay mas matagal pa ang lalaki. Galing ito sa may-kayang pamilya at ewan niya kung bakit lagi itong bagsak kaya tatanda na rin yata ito sa unibersidad na iyon. Kagaya pa ng lagi nitong sinabi na meant to be daw sila dahil pareho na silang paulit-ulit.
"Ouch! Ang harsh naman ng honeypie ko! No worries, iyang I don't like you mo ay magiging I love you. Mark my word," natatawa pang wika nito.
"Mark your face! Badtrip na ako kaya huwag mo nang dagdagan!" inis na wika sa lalaking umupo pa sa tabi niya.
Ang maingay na klase ay biglang tumigil kaya nagtaka si Althea. Napatingin siya sa lahat ng kaklaseng naroroon ay nakitang nakamata sa kanilang pintuhan. Maging ang kaibigang sina Danica at Beatriz. Kaya binaling na rin ang mata sa tinitingnan ng mga ito at ganoon na lamang ang gulat niya ng mapagsino ang lalaking nakatayo buhat roon.
'Siya! Pero bakit? Akala ko ba janitor?' mga pumapasok sa isipan.
Napatigil si Joe nang makitang nakatingin lahat ng kanyang magiging estudyante sa unang pasok niya sa universidad na iyon. Pero mas nakapagpatigil sa kanya ay ang pagdapo ng paningin ng isang pamilyar na mukha.
'Althea Lorraine Robles,' usal sa pangalan ng babae. 'Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Halos ikaw daw ang dahilan ng lahat ng mga gurong nagre-resign,' aniya pa saka naglakad patungo sa harap.
"Good morning everyone, I know that everyone knows what happen to Mr. Macario," panimula ni Joe saka tumingin ng matiim kay Althea bago binigkas ang pangalan ng gurong papalitan nito.
'Bakit ka nakatingin sa akin. FYI, dapat lang sa lalaking m******s ang patalsikin dito,' inis na ngitngit ni Althea.
Nagbawi ng tingin si Joe saka humarap sa white board at sinulat doon ang kaniyang pangalan.
'Arch. Luan Jacobo Richards,' basa sa loob-loob ni Althea sa pangalan ng lalaking nasa harapan.
"I will be your Algebra instructor for the meantime," aniya sabay harap sa estudyante. "Since, it was my first day, mind to introducing yourself first. Start with you, miss," ani ni Joe sabay turo sa dalagang nasa unahan.
Nakita pa niyang tila kinikilig ito nang tingnan niya kasunod ng pagtayo nito at pagpapakilala sa sarili. Private university iyon at batid niyang halos lahat ng estudyante ay may sinasabi sa buhay.
"Grabe, ang arte ng Joanna na iyan, 'di masyadong halata na nagso-swoon kay Sir!" banas na bulong ni Danica sa kanya.
"Hayaan mo na, mukhang humaling na humaling naman siya," aniya tukoy ang bagong instructor.
"What's the problem, Miss Robles!" sita ni Joe nang makitang busy ang babaeng makipagtsismisan sa katabi nito.
Napakunot ng noo ni Althea ng tinawag siya ng instructor sa last name nito. What the used na magpakilala siya kung kilala na pala siya nito.
"I am asking you? Is there something wrong?" dagdag pa ni Joe.
Nang makitang napipian ang babae ay tila gustong matawa ni Joe. Akala niya ay lalaban ang babae, nakita niyang yumuko ito at nagagap ang kamao. "Wait on your turn bago ka magsalita. Understand?" istriktong wika saka bumalik at pinagpatuloy nila ang pagpapakilala sa sarili.
'Nakakadalawa ka na!' nagpupuyos na sa galit na wika niya sa sarili. 'Nakakainis ka! Makikita mo!'
Dahil sa inis at galit sa bagong instructor ay hindi niya namalayang tapos na pala ang kaibigang si Danica at siya na ang susunod na magpapakilala.
"Now, it's your turn, Miss Robles, introduce yourself," tinig ng lalaking nasa mismong harapan na pala.
Inirapan ni Althea ito saka padabog na tumayo. "Why do I need to introduce yourself if you know me already, sir?!" aniya pagdidiin ang huling salitang sinabi.
"For formality, Miss Robles and let say, I wanna know more about you?" nangingiting wika pa ni Joe. The girl looks so furious but yet so beautiful. 'Calm down Luan,' hamig sa sarili.
"I'm Althea Lorraine Robles, second year student, taking up engineering," walang latoy na sabi saka umupo.
"You're not done yet," agap na wika ni Joe.
Muling umirap sa kanya ang babae, ngunit ayaw niyang pasilong dito. "You're age and why you take up engineering, which field?" dagdag pa niya.
"Is it matter, sir?" inis na wika, ayaw niyang maging disrespectful dito pero tila tuwang-tuwa kasi itong inisin siya.
"Hey! Miss Robles, where's your manner?" sita nang makitang muling tumayo ang babae.
"I'm 21 years old, just taking this course because that what's my dad wants me to get, why? Simply, I'm just his only child to run his engineering firm? Do you think its lies my life on that, just because I'm the only child and I will shoulder that responsibility even costs my happiness?" emosyonal niyang sagot sa tanong ng instructor.
Sa narinig buhat sa babae ay napatigil si Joe. In some point ay may bahagi ng isip na nakisimpatya para dito.