"My God, Althea, bente-uno ka na pero second year ka pa rin! Kung hindi lang siguro isa ako sa pinakamalaking share holder sa eskuwelahang 'yon ay matagal ka nang kick out!" dumadagundong na wika ng kanyang papa.
Napatirik na lamang ng mata si Althea at mabilis na sinakmal ang hotdog na nasa plato. As usual ay sangkatutak na sermon na naman ang inabot niya, hindi pa man niya nalulunok ang sinubong pagkain ay muli na namang bumirada ang bunganga ng kanyang papa. Wala na itong ginawa kundi ang sermonan siya, kung hindi lang nito ipinilit na pag-aralin siya ng engineering 'di sana ay tapos na siya noon pa.
"I heard what you did to Mr. Macario. What the hell are you doing? Hindi ko na alam kong saan kami nagkulang ng Mama mo para ipahiya mo kami ng ganito? We did everything for you pero ano ang ginagawa mo?!" galit pa ring wika ng ama.
Wala naman siyang magawa kundi ang hayaan itong ngumawa at pakinggan na lamang ito sa kabilang tainga at ilabas sa kabila.
"Melencio, calm down, ang BP mo. Hayaan mo at ako na ang kakausap kay Althea," awat ng ina sa kanyang papa.
"Hayan ka na naman, Trining, kaya lumalaki ang ulo ng anak mo dahil palagi mo siyang kinakampihan. Lumalaking suwail at matigas ang ulo dahil alam na nand'yan ka! My God, at her age ay tumutulong na dapat siya sa kompanya natin. Kaya nga pinag-aaral ko siya para matutunan niyang pamahalaan ang negosyo natin?" baling ng kanyang papa sa mama niya.
Ramdam ang prustrasyon sa tinig ng ama, sa isip ay kasalanan din nito kung bakit hindi pa rin siya tapos sa pag-aaral. Doon ay hindi na napigilan pa ni Althea ang mainis kaya kahit hindi pa niya ubos ang pagkain ay tumayo na siya.
"You're not going anywhere, kinakausap pa kita!" bulaslas ng ama.
"I'm late, papa," malamig na turan dito saka bumaling sa ina. "Bye, mama," paalam sa ina sabay halik sa noo nito. Hindi na niya nagawang humalik pa sa ama dahil sa inis at tinapunan niya lamang ito ng tingin.
Nakabusangot siyang pumasok sa kotse kung saan nag-aabang ang driver nilang si Mang Lando.
"Oh, hija, mukhang nag-away na naman kayo ni Sir, ah," puna nito habang binabagtas nila ang daan patungo sa unibersidad na pinapasukan.
"Sinabi mo pa, Mang Lando. Alam mo namang laging high blood si Papa pagdating sa akin," busangot na wika.
Nakitang natawa pa ang may katandaan na ring driver.
Nang makarating sa unibersidad ay mabilis siyang nagpaalam sa driver at umibis ng sasakyan. Dahil sa sermon ng ama ay hindi pa rin mawaglit ang inis kaya kahit ang timbang nakahambalang sa hallway ng eskuwelahan ay walang lusot sa kanya.
"Peste! Sinong herodes naman ang nag-iiwan ng balde rito!" inis niya saka sinipa iyon dahilan upang matumba at matapon ang lamang tubig.
Unang araw iyon ni Joe na magturo sa unibersidad na iyon. Kababalik niya lang galing sa Manila, napagod na rin siya sa buhay sa siyudad at wala naman ang dahilan kung bakit siya lumipat sa Manila. Sakto namang nangailangan ng bagong instructor dahil biglaan ang pagre-resign ng Algebra instructor at wala silang makuhang iba kaya agad siyang tinawagan ng tiyahin nang malamang nakabalik na siya sa probensiya nila.
Doon siya dati ng aral ng kolehiyo kasama ang kaibigang sina Zeus at Xian. Minsan na rin siyang nagturo noon doon gawa ng pinilit siya ng tiyahin upang humalili rito habang naka-leave sa panganganak nito.
Maaga siyang pumasok bitbit ang kanyang baon nang makita ang matandang may bitbit na balde. Agad siyang napangiti ng makilala ang matanda. Hanggang ngayon pala ay janitor pa rin doon si Mang Rudy. Tinuring na nila itong ama-amahan dahil sa kabaitan nito sa kanila noong nag-aaral pa siya roon.
"Tay!" masayang tawag niya rito.
Agad naman lumingin ang matanda sa kanyang direksiyon at napakunot-noo pa nang makita siyang kumakaway na tila ba kinikilala siya nito.
"Tay, si Joe po 'to," aniya upang makilala siya nito at hindi naman siya nabigo dahil doon ay nagliwanag ang mukha nito.
"Ay naku, lumaki na katawan mo. 'Di na kita nakilala," tawang wika nito.
"Naku, heto po, kain muna kayo," aniya sa matanda at inakay ito sa tabi.
Atubili nitong iniwan ang hawak na balde, ayaw pa sana nitong sumama sa kanya pero pinilit ito.
Matapos ibigay ang dalang pagkain dito ay iniwan muna ang matanda ngunit pagbalik niya sa pinag-iwanan nito ng balde ay nakita ang isang magandang babae. Napalunok pa siya nang makita ang maganda at maamo nitong mukha, ngayon lang ulit siya napukaw ang kanyang pansin ng isang babas. Ngunit laking dismaya niya nang biglang sipain ng babae ang balde. Hawak pa naman niya ang basahan at map upang siya na muna ang gagawa sa ginagawa ni Mang Rudy habang kinakain ang ibinigay na almusal nito. Alam niyang iyon ang iniisip ng matanda kaya hindi mapirmi kanina habang inaakay ito. Kailangan kasi nitong matapos linisin ang buong pasilyo bago magdatingan ang mga estudyante.
"What do you think you're doing?" maigting na wika ni Joe nang makabawi buhat sa pagkatigagal sa ganda ng babaeng o mas magandang sabihing estudyanteng sumipa sa balde. Para kasing wala itong pakialam kahit pa natapon ang laman ng balde.
Nabigla si Althea nang biglang may sumita sa kanya. "None of your business!" matigas na tugon at hindi nililingon ang may-ari ng tinig na iyon.
Napangisi si Joe, base sa suot ng babae ay estudyante ito. "It's my business, Miss. Walang ginagawa sa 'yo ang timba ngunit nagawa mong sipain. And look what you done?" mariing tinig na ni Joe.
Doon naman ay naningkit ang mata ni Althea sabay harap sa lalaking kausap at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang isang guwapo, matikas at matipunong lalaki.
Natigilan si Joe nang makita ng buo ang magandang mukha ng babaeng kaharap ngunit sa kabila ng maganda nitong mukha ay nagtatago ang pangit nitong ugali, kaya napalis agad ang paghanga sa kagandahan nito.
'Guwapo nga, janitor naman,' kutya ni Althea sa lalaking kaharap. Hawak niya kasi ang isang mop at basahan para mapagkamalan itong janitor.
Nakitang lumapit ang lalaki sa kanya at inabot ang mop.
Mas lalong naningkit ang mga mata sa ginawa nito sabay taas ng kilay.
"What are you looking at? Take it and clean your mess, " utos ni Joe sa babae.
"What?!" bulalas nito sa kanyang sinabi.
"You heard it right?" pasarkastikong turan.
"Look, it's your work!" giit naman ni Althea sabay padarag na ibinalik ang mop na binigay nito.
"Clean or I will ask the admin to sent your parent a disciplinary letter?" mabilis na banta ni Joe sa babae. Alam niyang may-kaya ito sa buhay kaya ganoon ito umasta pero hindi uubra sa kanya ang ganoong pag-uugali.
Doon ay muli natigilan si Althea. Alam niyang mas lalo lamang iinit ang ulo ng ama kaya labag man sa loob ay inabot na lamang niya ang mop mula sa lalaki, akmang kukunin na ang mop nang bigla iyong bawiin ng lalaki bagkus ay ang basahan ang inabot sa kanya.
Mas lalong nagngitngit ang loob at umirap na tumingin sa lalaking nakamata lamang sa kanya at nakangisi. Nagngangalit ang bagang sa inis pero wala siyang magawa kundi ang magtimpi para hindi na naman masermonan ng kanyang ama.
"May angal ba?" untag ni Joe nang mapansing natitigilan ang babaeng nakatitig sa hawak na basahan.
Napangiti siya nang makitang tila tupang sumunod ang babae sa kanya. 'Marunong ka rin naman palang sumunod, eh,' aniya sa kanyang isipan. Sa ayos at kilos ay galing ito sa may-kayang pamilya, ngunit hindi excuse 'yon para gawin ang ginawa nito.
Pagyuko ni Althea upang punasan ang basang nilikha ng natapong tubig mula sa balde na kanyang sinipa kanina nang aksidenteng napadapo ang tingin sa paanan ng lalaking nakatayo sa harap.
Agad na napakunot ng noo ni Althea nang makita ang suot nitong sapatos. Nanlaki ang mata niya nang makita ang brand ng sapatos nito, isang Hugo Boss. 'Wow! Janitor na naka-Hugo Boss,' aniya sa sarili na hindi malaman kung matatawa o hindi.
Nagsisimula na siyang punasan ang basang sahig nang biglang may tumili sa 'di kalayuan at doon ay nakita ang kanyang barkada. Mas lalo pang naningkit ang mga mata niya sa pagpapahiyang dinanas sa mga ito. Tumindi lalo ang inis nang makita ang paghanga sa mukha ng mga kaibigan sa lalaking nakatayo sa harap, ang lalaking dahilan ng kanyang kahihiyaan at paghihirap.
'Peste! May araw ka rin!' ngitngit niya sa sarili saka mabilis na piniga ang basahan sa balde. "Ewww!" maarteng bulalas nang tumalsik pa ang maduming tubig sa kanyang mukha.
Natutuwa na lamang na nakatayo si Joe sa babae lalo na nang makita ang reaksiyon ng mukha nito nang matalsikan ng tubig mula sa piniga. Maarte pero imbes na mainis siya ay natutuwa siya rito.