Pabagsak na bumalik sa pagkakahiga sa kama si Althea nang tuluyan siyang pinagtulungan ng daddy at mommy niya sa pagma-match kay Luan. "Mahal, ayos lang ba si Luan roon? Sinabi mo bang lumipat siya sa guest room?" gagad na tanong ng kanyang mommy sa ama. "Ayaw naman lumipat, mahal, sabi niya ay ayos na siya roon," sagot naman ng kanyang daddy. "Daddy naman kasi, bakit niyo naman kasi nilasing iyong tao," busangot na turan sa ama. Tumawa ang ama sa kanyang sinabi. "Gusto ko lang naman mas lalong makilala siya, anak," giit ng ama. "Pero daddy—" putol na turan nang mabilis na sumabad ang ama. "Mukha namang marami akong nalaman sa kanya, kung hindi ko pa nilasing ay hindi pa namin malalaman ng mommy mo ang ginawa mong kabalbalan sa kanya," tila pasitang wika ng kanyang daddy. "It's his