Pilit siyang umiwas sa mapanuksong tingin at ngiti ng ina ngunit sinundan siya nito sa loob ng silid at nang mapansing hindi ito naalis ay wala siyang nagawa kundi ang tingnan ito. "Mom, stop smiling at me?" bulalas niyang turan sa ina nang hindi mawala sa labi nito ang mapanudyo nitong ngiti. "Aba'y may masama ba kung ngumiti ako, anak? Anak, it's okay to have crushes. Well, dalaga ka na, what we want you to do now is to finish your degree and then you can do what ever you want," ani ng ina. Umalingawngaw sa isipan ang huling sinabi nito. 'Do what ever you want,' ilit niya sa isipan. "Talaga mommy, if I will finish my degree, puwede ko nang gawin ang gusto ko. As in, pwede na akong mag-aral ng fashion designing?" masiglang turan sa ina na halos mapalapit pa siya rito. "A, e, oo nama