Tuluyang lumatag ang liwanag ng araw ay hindi na nakabalik sa pagtulog si Luan sa kakaisip kay Althea. May pagtingin din kaya ito sa kanya kahit konti? Kung anu-ano tuloy ang napasok sa kanyang isipan, naisip pa kung ano ang mangyayari kung ipagpilitan ng magulang nitong maging sila, papayag kaya ito? Hindi tuloy maiwasang mapabuntong-hininga na lamang si Luan sa mga napasok sa kanyang isipan. "Tulog na kaya siya?" tanong pa sa kawalan tukoy kay Althea. Ilang beses niyang sinubok na bumalik sa pagtulog pero hindi niya napagtagumpayan, mabuti na lamang at Sabado bukas kaya wala siyang pasok sa unibersidad. Nasilip na ang liwanag sa maliit na bintana sa mini office na iyon ni Mr. Robles ngunit dilat pa rin ang kanyang mga mata kaya minabuti niyang tumayo na. Gusto na sana niyang umuwi pe