Hindi malaman ni Althea kung bakit ganoon na lamang siya kaapektdo sa nakitang larawan sa loob ng wallet ni Luan. Kahit ano'ng pilit na pagsusumiksik sa isipan na hindi siya nagseselos pero dumarating siya sa puntong kinukompara ang sarili sa babae. "Mas maganda naman ako sa kanya," bulalas pa niya habang nakatitig sa salamin at tinutuyo na ang basa pang buhok. Tila na-conscious tuloy siya at gusto niyang magpaganda sa paningin ng lalaki. Sa naisip na iyon ay napasabunot pa siya sa sarili dahil para pang gusto niyang makipagkompetensiya sa atensyon nito. 'Huwag mong sabihing ikaw ang unang mahuhulog sa kanya?' tila sumbat ng isipan sa kanya. "No way!" mabilis na bulalas nang mapagtanto ang kanyang mga iniisip. Mataman pa rin siyang nakaharap sa salamin nang may kumatok sa kanyang pin