Part 1: Ang Manlalakbay

3069 Words
Ang Lihim ni Seth AiTenshi Aug 1, 2015 "Malamig ang gabing iyon, patuloy pa rin ang pag takbo niya sa madilim na kakahuyan. Walang ibang tanglaw kundi ang liwanag na nag mumula sa mga kidlat ng kalangitan kaya naman halos hindi nya makita ang kanyang dinaraanan, hindi rin niya iniinda ang dugo at sugat sa kanyang paa dulot ng matatalim na bagay na kanyang inaapakan. Ilang ilog at matatarik na bangin ang kanyang binaybay hanggang sa tuluyan siyang makalayo sa mga mangangasong nais humuli sa kanya. Walang humpay ang kanyang pag takbo hanggang sa marating nya ang isang bahay sa gilid ng kabundukan. Maharan siyang lumapit sa bintana nito at maiging sinilip kung mayroong taong nakatira doon. Bakas na bakas sa kanyang nakaka kilabot na mukha ang labis na pag kagutom habang patuloy sa pag tulo ang pinag halong laway at dugo sa kanyang matatalim na pangil. Ilang minuto rin itong nakatunghay sa bintana hanggang sa matiyak niyang may tao nga sa loob nito at doon ay hindi na siya nag dalawang isip na pumasok dito. Kumakalam ang kanyang sikmura dahil sa matinding pag kagutom kaya naman agad nitong nilapa ang buong mag anak na naninirahan sa loob ng naturang bahay. Kinagat niya ang mga leeg, braso at hita ng mga ito hanggang sa mag kapira piraso at tanging dugo na lamang ang matira. Maigi niyang ninamnam ang bawat pag kagat niya sa lamang loob kanyang mga biktima hanggang sa tuluyang mapunan ang sikmurang walang laman. Matapos ang masaganang hapunan, iniwan niya ang mga duguang katawan ng kanyang biktima at mabilis itong lumabas ng bahay. Muli siyang nag tatakbo patungo sa matarik na burol at doon ay pinakawalan niya ang isang malakas na alulong habang naka tunghay ang bilog na buwan sa kalangitan. Sinasabing ang taong lobong ito ay patuloy pa rin sa pag gala upang mag hanap ng taong bibiktimahin. Kabilang na rito ang mga batang katulad niyo. Mga makukulit at suwail sa mga magulang, kaya't mamayang gabi ay tiyak na dadalaw siya rito upang dukutin ang inyong mga lamang loob at kainin ang inyong mga puso." ang pag kkwento ko sa mga batang kaibigan ng aking kapatid dahilan upang mag papalahaw ng iyak ang mga ito. "Ybes, ano ba yan? Pinaiyak mo nanaman ang mga kaibigan ng kapatid mo. Huwag mong tinatakot ang mga bata dahil baka mag kasakit ang mga iyan." suway naman ni mama habang patuloy ito sa pag hahanda ng pag kain sa kusina. "Ma hindi po, nag kakatuwaan lamang kami. Masaya po sila at nag tatawanan pa nga." tugon ko naman bagamat nag iiyakan naman talaga ang mga bagets. "Ganoon ba? Mukhang hindi naman nag tatawanan ang mga bata e, parang iyak ang naririnig ko." pag tataka naman ni mama "Hindi po ma, nag tatawanan pa nga sila. Hindi ba Buknoy?" ang tanong ko sa aking kapatid na tatlong taong gulang pa lamang. Tumingin naman sa akin si Buknoy at nang gilid ang luha sa mga mata nito sabay sigaw ng "Maaaa, si kuyaaaaa tinatakot kami!!!" ang traydor na pag susumbong nito kaya naman mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at agad nag tatakbo paakyat ng aking silid. Paniguradong lagot ako kay mama nito lalo't exagirated mag sumbong itong si Buknoy na parang kinawawa ko siyang ng isang daang beses. Part 1 Ang Manlalakbay Ako si Ybes 22 taong gulang at graduating student sa kursong Tourism Management. Sa taas kong 5'7 ay isa ako sa nangangarap maging flight attendant sa mga sikat na airlines ng bansa. Hindi naman sa pag mamayabang ngunit nag tataglay naman ako ng kaaya ayang anyo, maraming humaharang sa akin sa daan upang alukin ng mga modeling jobs at commercials ngunit wala ni isa ang aking pinatulan dahil malayo ito sa buhay na nais ko. Sabi nga nila ay kahawig ko raw ang artistang si Jeric Gonzales at mukha kaming pinag biyak na bunga. Minsan nga ay gusto ko na rin maniwala hehe. Maayos naman ang takbo ng aming pamumuhay, si mama ay nasa bahay lamang at abala sa pag aalaga ng aking nakababatang kapatid na si Joey a.k.a "Buknoy" na ipinalayaw ko sa kanya sa hindi malamang kadahilanan. Si papa naman ay nasa probinsya dahil namamahala ito ng hacienda at lupaing ipimana sa kanya ng mga yumaong magulang ni mama. At dahil nga dalawa lamang kaming mag kapatid ay naging maluwag ang takbo ng aming pamumuhay. Hindi naman kami maluho ngunit ibinibigay ng aming mga magulang ang ano mang bagay na aming naisin kaya naman masasabi kong napaka swerte naming mag kapatid. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah, magagalit si mama kapag nakita niyang lumabas ka ng silid mo." tanong ko kay Buknoy na noon ay nakatayo sa gilid ng aking kama habang naka balot ng kumot ang buong katawan na naimo multong lumulutang. "Eh kuyaaa natatakot po ako. Baka pumunta sa kwarto ko yung halimaw. Dito nalang ako matutulog sa tabi mo." ang mangiyak-ngiyak na pakiusap nito. "Hindi naman totoo yung ikinuwento ko sa inyo kanina. Tinatakot ko lang yung mga kaibigan mong rugrats sa kukulit." "Basta kuya, natatakot po ako. Dito na lang ako matutulog." pangungulit nito sabay sampa sa kama ko at nag sumiksik ito sa aking tabi. "May gagawa pa ba ako eh nandito kana sa tabi ko. Sana nag kabit ka ng pampers para hindi mo ako ihian hano." pag mamaktol ko bagamat natutuwa ako dahil napaka cute nya talaga. "May pampers po ako." tugon nito sabay pakita ng diaper na naka kabit sa kanyang katawan at muli itong yumakap sa akin. Kung sabagay, mabuti na ring nandito ang aking kapatid atleast ay panatag akong makakatulog. May mga pangyayari kasi na madalas nagaganap sa aking pag tulog na hindi ko lubos maunawaan. Ang sabi nila ay isa raw itong espesyal na regalo na namana ko sa aking mga ninuno noong sila ay nabubuhay pa at nag papasalin salin ito sa pag daan ng mga henerasyon. Nag simula ang kakaibang pang yayaring ito noong ako ay 16 anyos pa lamang, habang mahimbing akong natutulog ay may kung anong ingay ang gumising sa akin kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang tingnan kung ano ang bagay na iyon. Tumayo ako sa aking higaan at pinag masdan ang madilim na paligid, kakaiba ang lamig na bumabalot sa aking buong katawan na pakiwari ko ay naka todo ang aircon sa aking silid kaya naman muli akong tumalikod upang kuhanin ang aking sweater na naka lagay sa headboard ng aking higaan at doon ay laking gulat ko nang mayroon akong makitang taong nakahiga sa aking kama, nakatihaya ito at mukhang mahimbing pag kakatulog. Mag kahalong kaba at takot ang lumukob sa aking pagkatao habang pinag mamasdang mabuti ang mukhang ng taong nakahiga sa aking kama. Halos ilang sandali rin ako sa ganoong pag kakatitig hanggang sa tuluyan kong maaninag ang mukha nito dahilan upang mapasigaw ako sa takot, umakyat ang kilabot sa aking ulo at doon ay napa saldak ako sa pag kakaupo. Ang taong nakahiga sa kama ay walang iba kundi AKO! "Paanong nangyari ito? Patay na ba ako?" ang takot kong tanong sa aking sarili habang pinag mamasdan ang aking sariling katawan. Ibayong takot ang lumukob sa aking buong pag katao, hindi ko alam kung paano nangyari ito ngunit kinakailangan kong magising at iyon ang pinaka mahalaga, kaya naman pinilit kong ibalik ang aking sariling diwa sa pamamagitan ng pag tawag ng paulit ulit sa aking sariling pangalan hanggang sa muling mag balik ang aking ulirat at maging normal ang lahat. Kinabukasan, wala akong pinag sabihan tungkol sa kakaibang nangyari sa akin. Marahil ay nag kataon lamang ito at isang masamang bangungot lamang ang naganap sa akin kagabi. Muli ko ring ibinalik sa normal ang aking kilos pag iisip at hindi na muling tinanong pa aking sarili tungkol sa kakaibang karanasang iyon. Makalipas ang ilang araw, hindi ko na muling naranasan pa ang bagay na iyon at sa pag aakalang tuloy tuloy na ito ay nag kakamali pala ako dahil isang gabi ay muli nanamang lumabas ang aking diwa sa aking katawan at sa pag kakataong ito ay nagagawa ko nang lumipad at mag tungo sa ibat ibang lugar na hindi kayang marating ng isang normal na tao. Minsan natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa itaas ng burol o kaya naman ay nakatungtong sa isang matayog na tore. Nagagawa ko ring lumipad patungo sa buwan o sa kalawakan ng walang kahirap hirap. Paulit ulit ang aking ganitong karanasan hanggang sa makasanayan ko na rin ang mga ito. At dahil nga sa matinding pag tataka ay nagawa kong dumulog sa mga psychiarist o kaya ay sa mga paranormal expert upang humanap ng kasagutan sa aking mga naka bingbing katanungan. Halos lahat sila ay iisa lamang ang naging pahayag. "Astral projection is the act of separating the astral body from the physical body. Normally this occurs as part of the sleep process, usually at the deepest dream level. It also can occur in a trance state. Pwedeng nagiging malalim ang tulog ng isang tao na nakakalimutan niya na siya ay natutulog at kapag nangyari ito ay mahihirapan siyang magising kaagad. Kung minsan naman ay mahirap malaman kung ang senaryo sa iyong panaginip ay totoo o hindi dahil masayado itong makatotohanan na katulad rin ng ordinaryong araw. When the person is conscious of this separation it is called conscious astral projection. The separation also is called Etheric Projection or Out-of-the-Body Traveling. And during astral projection you remain attached to your physical body by a silver 'umbilical type' cord. You may or may not see the cord. You are aware of things you encounter along the way while out of your body. Nakikita mong lumilipad ang iyong katawan sa ere, nararamdaman mong totoo ang lamig ng hangin, ang patak ng ulan, ang init ng paligid at kung ano ano pa. Sinasabing lumilipad ang iyong kaluluwa at malaya kang nakakapunta sa iba't ibang lugar na hindi nararating ng kahit na sino. Kahit gaano ito kalayo o kahit gaano ito kaimposible." "Maaari ding nakakaranas ka ng depresyon kapag ikaw ay gising kaya't ang isip mo ay nag hahanap ng mga bagay kung saan ito magiging malaya. Minsan ang pananaginip natin ng kung ano anong bagay ay nakapag bibigay sa atin ng babala o isang pahiwatig dahil ang lahat ng iyon ay kanya kanyang kahulugan, katulad na lamang ng pag lipad na ang ibig sabihin ay magiging matagumpay sa iyong hinaharap. O ang pananaginip ng isang higanteng ahas na ang ibig sabihin naman ay mayroong nag tatraydor sayo. Ang lahat ng ito ay may paliwanag kaya't huwag tayong matakot na ipikit ang ating mga mata dahil ang ilan sa magagandang bagay dito sa mundo ay nakikita lamang natin kapag tayo ay naka pikit at iyon ang patunay na walang limitasyon ang ating kakayahan." ito ang ilan lamang sa mga paliwanag ng mga propesyonal na hiningan ko ng payo. Sa kasalukuyan, natutunan ko tanggapin ang ano mang abilidad na mayroon ako. Lalo na noong lumawak ang aking kaalaman tungkol sa astral body projection at lucid dreaming. Marami na rin kasing mga artikulo o blogs sa internet na nag sasaad ng kaparehong karanasan sa akin kaya't alam kong hindi naman ako nag iisa. Ang ilan pa nga sa mga ito ay mas grabe pa kaya naman nag papasalamat na rin ako dahil hindi ganoon kalawak ang aking kakayahan katulad ng iba. Syempre kung mayroon sa internet ay mayroon ding mga pelikula na nag papakita ng pag lalakbay patungo sa dako pa roon. Nariyan ang Insidous series na tungkol sa mag ama na may abilidad na palabasin ang kanilang kaluluwa at lumakad patungo sa kawalan o further. Sa makatuwid, marami na rin ang naitalang kaso ng mga ito kaya naka titiyak ako na bukas na rin ang isipan ng nakararami tungkol sa ganitong uri ng kaganapan. Araw ng Martes, nakatanggap ako ng text message galing kay papa. Nakiki usap ito na kung maaari ay umuwi ako sa probinsya kung saan nandoon ang lupaing iniwan sa kanya ng yumaong mga magulang. Sa makalawa raw kasi ay nakatakda siyang bumalik dito sa siyudad upang asikasuhin naman ang kayang sariling negosyo kaya't nag desisyon ito na kung pwede ay ako muna ang pansamantalang papalit sa kanya doon sa probinsya. Hindi naman ako nakatanggi, wala namang ibang lalaki sa bahay maliban sa akin kay Buknoy na tatlong taong gulang pa lamang kaya't inaasahan niya na akong ang magiging tagapag mana niya sa darating na mga taon. ------------- Makalipas kong isilid ang aking mga gamit sa knapsack, agad akong tumulak patungo sa terminal kung saan nag hihintay ang mga tauhan ni papa na mag hahatid sa akin patungo sa nasabing probinsya. Sila ang mga kasamahan ni papa sa pag papatakbo ng farm at poultry house sa loob ng hacienda. Minsan ko na rin silang nakakasama kapag dumadalaw ako doon noong nabubuhay pa sila lolo at lola kaya't masasabi kong pamilyar na rin ako sa lugar. "Sir, hindi po tayo makaka short cut dahil ginawa ang tulay doon sa kabilang bayan, nagiba kasi ito dulot malakas na pag daloy ng tubig sa dam. Kaya ang tatlong oras na byahe at magiging limang oras." paliwanag ni Mang Fred, siya ang kanang kamay ni papa. Si Mang Fred, siya ang pinaka mabait at pinaka tapat na tao ni papa sa hancienda, sya ang madalas nag hahatid ng mga supply sa iba't ibang lugar at madalas ay siya rin ang may access sa mga komplikadong transaksyon sa negosyo. Simula bata ako ay kasama na siya ni Papa kaya't parang ama na rin ang turing ko sa kanya. Mabait siya at masiyahin, lagi nga nya akong binibiro na idolo daw niya si Randy Santiago dahil kahit na kailan ay lagi itong naka shades. Kirat daw kasi ang isa nyang mata at nakaka bawas sa kanyang kagwapuhan. "Ganoon po ba? Ayos lang naman kung medyo matagalan ang byahe natin, hindi naman nag aapura si papa hindi ba?" tugon ko naman habang nag bubukas ng tubig at kakanin. "Ah opo sir. Hindi naman nag aapura ang papa mo. Ang totoo nga po nun ay may sakit siya ngayon kaya't paniguradong tulog pa iyon." "Sakit? Bakit hindi nya sa amin sinabi na may sakit siya?" "Eh, simple lagnat lang naman po iyon, saka ayaw na niyang mag alala kayo. Tumawag na rin kami ng mang gagamot upang mas mapabilis ang kanyang pag galing." "Mabuti naman po kung ganon. Maraming salamat po sa pag aasikaso kay papa." "Para na kaming mag kapatid ng papa mo kaya't hindi namin ito pinababayaan." ang nakangiting tugon ni mang Fred sabay sulyap sa salamin ng sasakyan. Halos ilang oras na rin ang itinatagal ng aming byahe, pakiwari ko ba ay aalis na ang aking ulo sa tindi ng pag kahilo. Bukod kasi sa kulob ang loob ng sasakyan ay matapang pa ang amoy ng air freshner na siya naman humahalo sa lamig na nag mumula sa aircon kaya yun, wala akong nagawa kundi ang ipahinga ang aking ulo at marahang ipikit ang aking mga mata. Pinilit kong iwaksi ang ano mang bagay na gumugulo sa aking isipan hanggang sa unti unti akong dalawin ng antok. Tahimik.. Mula sa malamig na hanging nag mumula sa aircon ng aming sasakyan, tila unti unti itong napalitan ng ihip ng hanging nag mumula sa kabundukan. Malinaw ko na ring naririnig ang huni ng ibon at lagaslas ng tubig kung saan hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang kakahuyan na ang paligid ay nababalutan ng makapal na hamog na animo usok. Noong mga sandaling iyon, batid kong lumabas na naman ang ako sa aking katawang lupa at ngayon ay napadpad ako kung saan. Inikot ko ang aking paningin sa mga nag tataasang puno sa aking paligid, hindi ko gaanong matanaw ang hangganan ng mga ito dahil sa makapal na hamog na bumbalot dito. Nag pasya akong mag lakad lakad sa dako pa roon upang siyasatin ang naturang kakahuyan, malakas ang tunog ng mga kuliglig at pakiwari ko ay unti unti nang dumidilim ang aking paligid. Gumagabi na agad kaya naman binalot ako ng matinding pag tataka. Biglang tumahimik ang paligid.. Nawala ang kahit na anong tunog na bumabalot dito... Nag patuloy ako sa aking ginagawang pag lalakad hanggang sa marating ko ang hangganan ng kakahuyan kung saan naroroon ang ilog, at sa pag kakataong ito ay mas lalo pang kumapal ang hamog sa paligid. Wala akong ibang maaninag kundi ang imahe ng isang lalaking nakatayo sa gitna ng ilog. Nakahubad ito at naka suot lamang maong na pantalon. Ibayong pag tataka ang lumukob sa aking sarili dahil ngayon lamang ako naka kita ng tao sa aking pag lalakbay kaya naman kusang humakbang palakad ang paa upang lapitan ito at kausapin. "Anong ginagawa mo dito? Sino ka?" ang tanong ko habang marahang binabaybay ang malamig na ilog sa aming pagitan.. "Gusto ko lamang malaman kung nasaan ako?" dadag kong tanong bagamat hindi ko lubusang mabanaag ang kanyang mukha. Maya maya ay sumagot ang misteryosong lalaki na nakatayo sa gilid ng ilog. Malaki ang boses nito at malalim.. "Umalis kana dito.. Delikado sa lugar na ito!! Bilisan mo dahil parating na sila!" ang sigaw nito at doon ay nag liparan ang mga itim na ibon sa aking paligid kasabay nito ang lakas ng mga nakakahilabot na hingal sa gawing ilog.. Tumindig ang balahibo sa aking katawan dahilan para mapako ako sa aking kinatatayuan. "Anong nangyayari?!" ang takot kong tanong habang palakas ng palakas ang ingay na nag mumula kung saan at sinabayan pa ito ng pag yanig ng lupa sa buong kakahuyan. "Umalis kana! Bumabangon na sila mula sa impyerno! Mapapahamak ka dito!!" ang sigaw ng lalaki at doon ay nag tatakbo ito palapit sa akin.. Katawan lamang ang aking naaaninag.. walang mukha bagamat palapit ito ng palapit sa aking kinatatayuan at doon ay itinulak nya ako dahilan para lumipad paatras ang aking katawan palayo sa naturang lugar. Tila isang pelikulang nirewind ang mga eksena hanggang sa mag balik ako sa gitna ng kakahuyan kung saan may mataas na puno kagaya ng eksaktong lugar kung saan ako nag simula. Patuloy pa rin ang nakaka kilabot na ingat sa aking paligid na siyang nag papatindig ng aking balahibo sa katawan. Tahimik ulit.. Nanatili ako sa ganoong pag tayo hanggang sa naramdaman ko na lamang na mayroong humawak sa aking balikat at hinila ako palayo sa aking kinatatayuan.. "Saklolo!!!" ang malakas kong sigaw habang patuloy na binabalot ng matinding takot ang aking buong katawan. itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD