PROLOGUE

1032 Words
PROLOGUE: LOCATION: ANCIENT CENDIL FOREST OVER THOUSAND YEARS AGO "Panginoong Viento Del Gato, sinasalakay na ang army of darkness na nilikha ni Elsen ang ating lupain!" ang wika ng kawal habang pumapasok ito sa bulwagan ng palasyo ng Diyos na si Viento. Nag aapura at halos masindak sa dami ng kalaban sa labas. Si Viento Del Gato ang pinakamataas na hari ng mga unang sibol na Manlikmot sa mundo. Ang mga Manlikmot ay ang taong lobo na nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan. Sila ang mga taga pangalaga ng mga kagubatan at kakahuyahan kapanalig ang mga Engkanto at iba pang elemento ng kalikasan. Ang mga unang lahi ng Manlikmot ay matatagpuan sa Cendil Forest isang lupain sa ibang demensyon na nilikha ni Viento upang protektahan ang kanyang mga kalahi laban sa mga mananakop at mga kaaway. Ilang daang taon rin naging matahimik ang kanilang buhay bago dumating si Elsen na siyang sisira at tatapos ng lahat. "Si Elsen ay aking kaibigan noon, hindi ko akalaing gagamitin niya ang kanyang maitim na kapangyarihan upang pagharian ang mundo. Hindi ako makapaniwala na darating ang oras na kami ay maghaharap harap! Ihanda ang kawal! Ihanda ang mga armas! Lalaban tayo sa hukbo ng kadiliman!" ang sigaw ng hari at tumayo ito sa kanyang trono. Noong gabing iyon ay sumiklab ang labanan sa buong lupain ng Cendil Forest. Ang mga kawal ng palasyo laban sa mga halimaw at mababangis na hukbo ng kadiliman na nilikha ng kalabang si Elsen. "Panginoon, masyadong marami ang mga hukbo! Tiyak na mauubos tayo!" ang wika ng kanyang heneral. "Gaano karami ang hukbo ni Elsen?" tanong ng hari sa kanila. "Hindi po ito mabilang, sa ngayon ay sinasalakay na rin nila ang Lupain ng Apresia ni Panginoong Neptune, ang Ancient Ruins of Healer Altar ni Panginoong Kasiya at ang Blood Sucker Kingdom ni Panginoong Emrys Rajal!" ang wika ng mga heneral. "Kung ganoon ay talaga umabot na si Elsen sa sukdulan ng kanyang kasamaan. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya kaming pagtaksilan. Simple tao lang dati si Elsen, hindi ito naghangad ng labis sa kanyang sarili. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay gusto niyang siya lamang ang kilalaning Diyos ng mga Diyos! Hindi maaaring magkaroon ng isang mataas na Diyos na ang sumasamba ay kadiliman! Hindi maaari ito!" ang wika ng hari habang nakatikom ang mga kamao. Unti unti niyang pinagmamasdan ang pagkasira ng Cendil Palace na kanyang pinaghirapang buuin. Huminga siya ng malalim at lumundag siya sa mataas na bahagi ng kanyang palasyo at habang nasa ere ay nagbago siya ng anyo. Naging isa itong Manlikmot na may sagradong kalasag or armor sa katawan. Nagliliyab ang awra sa kanyang paligid na nagbibigay kasagraduhan sa kanyang anyo. Sumiklab ang di matatarawang labanan sa buong lupain dahilan ng pagkasira ng lahat sa paligid. Noong gabing iyon ay buong lakas na pinuksa ni Viento ang lahat ng mga kalaban sa paligid. Sumiklab ang sagradong liwanag ng pag asa sa buong lupain na nagtaboy sa mga kalaban upang matigil ang kanilang pagpatay, pananalanta at paninira. Bagamat bago tumigil at tumahimik ang buong lupain ay nasira na ito at tiyak na mahihirapan na makabangon. Natagpuan ni Viento ang kanyang sarili na nakatayo sa libo libong bangkay ng kaniyang kawal at mga kalaban. Kumirot ang kanyang puso noong mga sandaling iyon bagamat alam niyang ang tunay na labanan ay magsisimula pa lamang. KINABUKASAN. Kitang kita ang malalang pagkawasak ng Cendil Forest sa kamay ng mga kalaban. Sa kabilang banda ay nakaligtas rin ang lupain ng Apresia, Altar of the Healer at Blood Sucker Kingdom. Ngunit ang lahat ng ito mahihirapan ng makabawi at tiyak na aabutin ng tao upang magawa ang mga pinsala. Sabay sabay silang sinalakay, at ang lahat ay nangyari sa loob ng isang gabi lamang. Ganoon kalakas si Elsen kaya't nagdesisyon ang apat na diyos na pagtulung-tulungan ito kahit pa sila ay dating magkakaibigan. Sina Viento, Neptune, Emrys at Kasiya laban sa Diyos ng kadiliman na si Elsen. Sa sibol ng bagong buwan ay sumiklab ang makasaysayang labanan ng limang pinakamalalakas na Diyos sa mundo. Ang kalangitan ay namula, ang mga kidlat ay matatalim at halos mawasak ang lahat sa salpukan ng kanilang mga kapangyarihan. Ang labanang ito ay itinala bilang pinaka dakila at pinaka mapaminsalang labanan sa kasaysayan. Diyos laban sa kapwa Diyos. Samantala, kahit pinagtulungan si Elsen ay hindi pa rin ito natibag dahil ang kanyang kapangyarihan at lakas ay hindi mapapantayan. Nagawa niyang sirain ang sagrado at makapangyarihang kalasag ni Viento, nawasak niya ang pinakamalakas na sibat ni Neptune at sa huli ay isinakripisyo nina Emrys at Kasiya ang kanilang buhay para ikulong at patayin si Elsen, upang matigil na ang kasamaan nito. Sa huli ng kanilang pakikipaglaban, ang tanging nabuhay lamang ay si Neptune na bumalik sa kanyang karagatan at si Viento na ipinagpatuloy ang pamumuno sa mga Manlikmot. Muling nagliwanag ang kalangitan, ang katawan nina Elsen, Emrys at Kasiya ay parang bulang nawala sa ere. Ang kanilang mga kapangyarihan ay naghalo rin at walang nakakaalam kung saan hahanapin ang mga ito. Makalipas ang ilang mahahabang taon ay naabot ni Viento Del Gato ang kasukdulan ng kanyang buhay. Ngunit bago siya pumanaw ay gumawa siya ng isang espesyal na libingan sa ilalim ng kanyang palasyo. Ito ay babantayan ng libo libong mandirigmang Manlikmot. At dito rin niya inilibing ang kanyang "PUSO" ang makapangyarihang sandata na sagradong kalasag ng Manlikmot. Sa paglipas ng maraming henerasyon ay wala ni isa sa mga sumunod na hari ng Manlikmot ang nagtaglay ng "puso" ni Viento. Walang karapat dapat at walang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan upang makapasok sa portal ng kanyang libingan hanggang ang lahat ay nanatiling kasaysayan na lamang. Sa paglipas ng panahon, ang Cendil Forest na tinayo ng Diyos na si Viento Del Gato ay nawasak at inilisan na ng lahing Manlikmot ang lupaing ito at sila ay nanirahan na lamang sa isang madilim na kakahuyan malapit sa bundok ng Hiraya. Dito ipapanganak ang mga bagong henerasyon at gagawa ng bagong kasaysayan na matatala sa kanilang salin lahi. Ang mga bagong lahing ito ang huhubog magandang kinabukasan ng lahing Manlikmot. At ang kwento ni Viento Del Gato bilang hari, bayani at itinitingalang ninuno ay magpapasalin-salin sa kanilang lipi. END OF PROLOGUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD