Part 5: Sa Piling Ni Seth

2756 Words
Ang Lihim ni Seth AiTenshi        Part 5 "Sa Piling Ni Seth" Pag dating ko sa bahay, agad kong sinunod bilin ni Seth. Naligo ako at agad na nilabhan ang aking damit. Hindi ko alam kung ano bang lihim ang mayroon ang lugar na ito o ano bang lihim ang mayroon itong si Seth. Bakit kaya nasabi ni Manang Pelly na layuan ko siya dahil hindi ito isang normal na tao. Hay ewan!! Marahil ay kailangan kong alamin kung anong hiwaga ang bumabalot sa kakahuyan upang maging malinaw sa akin ang lahat. Tahimik.. Habang nasa ganoong pag iisip ako ay muli nanamang nahulog ang luma at wirdong kwadro na nakasabit sa dingding ng aking silid. At sa pag kakataong ito ay nakaturo ito sa bintana kung saan humiihip ang malamig na hangin na nag mumula sa kakahuyan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nahulog ang kwadrong ito kaya naman muli ko itong kinuha at isinandal na lamang sa ding ding upang makatiyak na hindi na ito malalaglag pa. Muli ako bumalik sa kama at doon ay ipinahinga ang aking katawan. Napako ang aking tingin sa kulay puting kisame at sa lumang chandelier nito. Halos hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang katagang sinabi ni Manang Pelly tungkol kay Seth na layuan ko ito dahil hindi ito normal na tao. Paano nya nasabi ang bagay na iyon kung gayong kanina pa lamang niya ito nakita? Hanggat maaari ay hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi hangga't hindi ko ito napapatunayan sa aking sarili. At isa pa ay kaibigan ko si Seth at wala itong masamang ginagawa sa akin. Tahimik ulit.. Panandaliang tumigil sa pag iisip ang aking ulo at tila binalot ito ng pag kakalma. Kasabay nito mahinang tawag ng isang lalaki sa labas ng aking bintana. "Tol, nandyan ka ba?" boses ni Seth kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang dungawin ito. "Tol, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah." pag tataka kong tanong bagamat tila nakaramdam ako ng matinding tuwa. "Pinabibigay kasi ni papa itong mga sariwang prutas galing sa aming pananim doon sa paanan ng bundok. Pasasalamat daw dahil iniligtas mo ang aking buhay." sagot naman ni Seth dahilan para mas lalo pa akong matuwa. "Wow, salamat ha. Sandali lang at bababa ako upang puntahan ka." pag papaalam ko. "Tol, huwag na. May akyatan naman oh, dito na lamang ako sa puno aakyat upang makapanhik ako dyan sa silid mo." "Oh sige, ikaw ang bahala. Kapag nalaglag ka ay aabangan na lamang kita doon sa lupa at muling gagamutin." biro ko habang pinagmamasdan itong umakyat sa puno ng mangga sa tabi ng aking bintana. Ewan,nakaka kilig. Parang si Romeo lang na inaakyat ang mataas na pader upang makasama lamang si Juliet, pero hindi ko naman sinasabing gusto kong maging babae ha, inihalintulad ko lamang. "Ayos, nakapanhik din." ang naka ngising wika ni Seth sabay abot sa akin ng isang bag na prutas sa aking mga kamay. "Wow, ang dami.. Salamat tol ha." naka ngiting tugon ko habang yakap yakap ang bag na kanyang iniabot. "Ang laki ng silid mo tol, ikaw lang bang mag isa ang natutulog dito?" tanong ni Seth na iniikot ang paningin sa bawat sulok ng silid. "Oo, ako lamang mag isa dito sa silid,teka bakit mo naitanong?" pag tataka ko naman. "Ayos! Edi pwede akong matulog dito?" natutuwang tanong nito sabay lundag sa ibabaw ng aking kama na parang isang bata. "Ayos! Lambot!!" "Ah e, pwede naman. Basta ba hindi mo ako kakagatin o raraypin eh." biro ko naman at umupo ako sa gilid ng kama kung saan ito nakahiga. "Tado, hindi naman ako masamang tao. Sa gwapo kong to, nag dududa ka pa? Ang gahasain ka ay pwede pa ngunit ang kagatin ka at saktan ay hindi ko magagawa." tugon nito sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. "Gahasain? Ako? Tado!Di tayo talo." pag sakay ko naman sa kanyang kalokohan. "Hmmm, pwede na rin pag nangailangan." pilyong tugon nito kaya naman mahina kong sinuntok ang kanyang bilugang braso. "Kung dito ka matutulog ay mag palit ka ng damit. Masyadong mainit ang suot mong long sleeve at pantalon." wika ko sabay abot dito ng short at puting sando. "Salamat ha, malamig kasi ang hangin sa kakahuyan kaya't ganyan ang aking suot panlaban sa ginaw." salita nito sabay hubad ng kanyang saplot. Muli nanamang tumambad sa aking harapan ang kanyang magandang katawan. Putok ang dibdib, walang kataba taba ang tiyan, bilugan ang braso na tila hinubog sa perpektong hugis. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko ang kanyang kahubadan ngunit hindi ko pa rin maiwasang humanga dito. "Pasensya kana kung dito ako mag papalipas ng gabi, mahirap na kasi ang mag lakad sa gitna ng kakahuyan kapag ganitong oras. Nag kalat ang mga bitag doon gawa ng mga dayuhang mangangaso at ang ilan sa kanila ay walang patawad. Kahit tao ay ginagawa nilang pag laruan katulad na lamang noong natagpuan mo akong sugatan sa gusali ng iyong manukan. Ang totoo nun ay napag tripan ako ng mga adik na mangangaso at walang awa nila akong ipinahabol sa kanilang mga alagang aso. Mabuti na lamang dahil nakalabas ako agad ng kakahuyan kaya't ako ay nakaligtas." pag sasalaysay ni Seth habang isinusuot ang short na aking binigay. "Mabuti na lamang at nakaligtas ka, anyway hindi naman halatang nasugatan ka dahil kahit peklat o kaunting galos ay walang bakas na naiwan sa iyong katawan. Makinis pa rin ito at tila walang nangyari." pang uusisa ko habang pinag mamasdan ang kanyang magandang katawan. "Magaling kasi ang manggamot ko kaya mabilis gumaling at nawala ang aking sugat. Salamat sa iyo tol! Malakas na ulit ako." hirit nito sabay pakita ng kanyang masel sa braso, mas lalo tuloy itong naging mapang akit noong lumabas ang buhok nito sa kanyang kili kili, sinabayan pa ng magandang ngiti na siyang nag papatingkad sa kanyang kagwapuhan. "Teka, paano kaya nasabi ni Manang Pelly na hindi ito normal na tao? Ang kanyang kilos, anyo, pananalita at pananamit ay wala namang pinag kaiba sa akin. Mas gwapo pa nga ito kung tutuusin at tiyak na itataob niya ang mga artista sa telebisyon." bulong ko sa aking isipan habang maiging pinag mamasdan ang pag papa cute nito. "Eyyy tol, kanina pa kita kinakausap, nakatulala ka naman dyan. Baka malusaw ako nyan ha." muling hirit nito dahilan para makaramdam ako ng ibayong pag kahiya. "Ah, ano na nga ba yung sinasabi mo?" tanong ko noong ako ay biglang matauhan. "Ang sabi ko ay salamat sa pag papatuloy mo sa akin dito sa silid mo. Hayaan mo dahil kapag may pag kakataon ay isasama naman kita doon sa aming tahanan upang makilala mo ang aking ina." wika ni Seth na may halong pag mamaktol. "Yun lang pala. Oo ba, game ako dyan. Saka, para makapag pasalamat na rin ako sa mga magulang mo para dito sa mga prutas." naka ngiti kong tugon nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid kaya't halos sabay kaming napalingon ni Seth dito. Tahimik.. Walang taong pumasok.. Kaya naman binawi ko ang tingin ko at muli humarap kay Seth, samantalang siya naman ay tila may nakitang kung ano at tahimik itong sinundan ng tingin patungo sa bintana. "May multo sa silid mo tol." ang seryosong salita nito dahilan para balutin ako ng kilabot sa katawan. "Loko. Wag mo nga akong takutin ng ganyan!" ang pag mamaktol ko sabay sampa sa kama at tumabi sa kanya. "Seryoso ako..." tugon nya. "Tado. Nanakot pa to." patuloy kong pag mamaktol. Tumingin sa akin ng seryoso ito na tila nangungusap ang mga mata, may takot o kaya pangamba kaya naman nawalan ako ng imik at tila mas lalo pang kinilabutan. Natahimik kami habang nakatitig sa mata ng isa't isa at maya maya bigla na lamang itong tumawa ng malakas "haha binibiro lang kita. Wala akong nakita kanina. Kaya bumukas ang pinto mo ay itinutalak ito ng hangin na nag mumula sa malaking bintana doon sa katapat na silid. Matatakutin ka pala tol." natatawang wika nito sabay tapik sa aking balikat. "Heh, ewan ko sayo. Muntik na akong maihi sa takot ah." hirit ko at mabilis kong isinara ang pintuan ng aking silid. "Pero kung mayroong multo rito, malamang sina lolo at lola lamang iyon na nag babantay sa bahay na ito. Silid kasi nila ito, at paminsan minsan ay nag paparamdam sila. Katulad na lamang ng lumang kwadrong iyon. Lagi itong nahuhulog mula sa pag kakasabit kaya minsan naiisip ko na ang may kagagawan noon ay sina lolo at lola nga." dagdag ko pa sabay turo sa lumang kwadro na nakasandal sa dingding. "Ganoon ba, baka ang nais ipahiwatig ng iyong lolo at lola ay ingatan mo ang pag aari nila, marahil ay mahalaga sa kanila ang kwadrong iyan kaya't nais nilang isinop mo ito." tugon ni Seth "Tama ka doon tol, marahil ay iyon nga ang nais nilang ipabatid sa akin." pag sang ayon ko naman. Halos ilang oras din kaming nag kwentuhan ni Seth, habang lumalim ang gabi ay mas higit pa naming nakikilala ang isa't isa. Magaan ang loob ko sa kanya at paki wari ko ba ay matagal ko na siyang kakilala. Syempre ramdam kong ganoon din siya sa akin dahil bakas na bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan habang ikinukwento niya ang kanyang mga karanasan sa kakahuyan kung saan siya lumaki. Noong mga oras na iyon ay tila naka tagpo ako ng bagong kaibigan at kasanggang dikit sa katauhan ni Seth. Misteryoso man ang kanyang pag katao, hindi na ito mahalaga dahil kakaibang saya ang aking nararamdaman kapag siya ay ngumi ngiti at tumititig sa akin. Alas 11:30 noong kami ay mahiga, malaki ang kama kaya pinag hatian namin ang mag kabilang gilid nito. Humiga ako patagilid kay Seth at binalot ng kumot ang aking katawan. Samantalang siya naman ay naka tihaya at ang braso ay nakapatong sa kanyang noo. Ang sexy nyang tingnan sa kanyang posisyon kaya naman tumalikod na lamang ako upang hindi mailang sa kanyang anyo. Ewan ko ba, hindi naman ako bakla ngunit tila naaakit ako sa kanyang katauhan. Ang kanyang ngiti at tingin ay parang isang gayumang gamot na nagiging sanhi upang mapasailalim ko sa kanyang taglay na kakisigan. Makalipas ang ilang minuto, agad akong dinalaw ng antok. Mapayapa ang aking isipan kaya't batid kong magiging maaayos ang aking pag tulog ngayon gabi. Lalo na noong maramdaman ko ang kamay ni Seth na lumingis sa aking bewang pagapang ng aking tiyan. Niyakap ako nito mula sa aking likuran kaya naman nakaramdam ako ng kakaibang tuwa at kilig. Pakiwari ko ay may boltaheng kuryente ang gumuhit sa aking katawan noong sandaling mag dikit ang aming mga balat. Ninamnam ko ang pag kakataong iyon hanggang sa tuluyan na akong maging komportable sa kanyang pag kakayakap. Hindi ko akalain na masarap din palang yumakap ang isang matipunong lalaki, pakiwari ko ay ligtas ako at protektado sa lahat ng oras. Ilang minuto pa ang lumipas, hindi pa rin nag babago ang aming posisyon. Sa pag kakataong ito ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pag kakayakap niya sa akin na humihigpit at mas lalo pang nag iigting. Pahigpit ito ng pahigpit hanggang sa hindi na ako maging komportable sa kanyang pag kaka yakap kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit na niluwagan ang pag kaka kapit nya dito. "Tol, masyadong mahigpit... Hindi ako makahinga." ang bulong ko habang marahang kumakawala sa kanyang pag kakayakap ngunit wala itong paki alam bagkus mas lalo pang humigpit ang kanyang pag yakap sa akin na tila sinasakal ang aking tiyan kaya naman nag pumiglas na ako at pilit na nag kumawala. "Seth! Tama na..masakit naaa." ang sigaw ko sabay siko sa kanyang katawan ngunit sa halip sa bumitiw ito ay naramdaman ko nalang na may sumaksak sa aking tiyan kaya't mas lalo pa akong binalot ng takot. Ibinaba ko ang aking tingin sa kanyang brasong nakalingkis sa akin at doon ay nakita ko ang mabalahibong kamay nito at ang kanyang matulis na kuko na naka saksak sa aking tiyan habang patuloy ang pag durugo nito. Ramdam na ramdam ko ang pag halukay ng kanyang matutulis na kuko sa loob ng aking tiyan. Pakiwari ko ba ay hinihila na niya ang aking mga bituka at ilang lamang loob palabas ng aking tiyan. "SETH! Sethhhhhh!!!! Tamaaa naaa.!!! Paano nangyari ito?! Akala ko ba ay kaibigan mo ako? Bakit mo ito ginagawa? Tama si Manang Pelly...hindi ka tao..kundi isang halimaw....!" ang sigaw ko at doon ay naramdaman ko na lamang ang pag baon ng kanyang matatalim na pangil sa aking leeg kaya naman mistulan akong manok na ginigilitan ng buhay.. Takot at kawalan ng pag asa ang namayani sa aking buong pag katao noong mga sandaling iyon. Wala akong magawa kundi ang sumigaw at mapaluha na lang. Kaunting lakas na lamang ang taglay ng aking katawan at ito ang ginamit ko upang sa huling pag kakataon ay ipag tanggol ko ang aking sarili. Pilit akong nag kumawala sa kanyang pag kaka kagat at doon na ibinuhos ang aking natitirang lakas upang ilayo ang aking duguang katawan sa kanyang mga kamay. "Huwag kang lalapit!.Papatayin kitaaaaa!" ang sigaw ko habang nag wawala at patuloy itong hinahampas palayo sa aking katawan... "Tol! Tama naaaa.. Ano bang nangyayari sayo?!" boses ni Seth at naramdaman ko na lamang na may sumampal sa aking pisngi dahilan para ako ay matauhan at magising. "Ybes, nanaginip ka. Nag wawala ka at nag sisigaw. Binabangungot ka tol." wika ni Seth habang nakayakap sa akin. "Lumayo kaaa sakin!!! Halimawww kaaaa!!!" patuloy kong pag pupumiglas Halos ilang sandali rin ako sa ganoong pag wawala habang si Seth naman ay walang ginawa kundi ikulong ako sa kanyang matipunong mga bisig. Inilock niya ang kanyang dalawang braso sa paligid ng aking katawan upang pigilin ako sa pag wawala. "Huminahon ka tol. Panaginip lamang iyon.." pag pigil nito dahilan para mahimasmasan ako at muling mag balik sa katinuan. Agad kong kinapa ang aking tiyan at leeg kung may sugat ba dito ngunit wala naman. Sa makatuwid, ang lahat ay panaginip lamang. "Heto ang tubig tol. Uminom ka muna upang mahimasmasan ka." "Salamat.. Pasensya na.. Nasaktan ba kita sa aking pag wawala?" "Hindi naman tol. Ano bang nangyari sayo? Bakit takot na takot ka?" tanong nito "Masamang panaginip lamang tol. Inatake daw ako ng isang nakaka kilabot na halimaw. Hind ko matandaan ang itsura nito ngunit binalot pa rin ako ng matinding takot." "Halimaw? Wala namang halimaw dito, tsaka kung mayroon man ay hindi ko hahayaang makalapit iyon sayo." Sagot nito habang patuloy sa pag amo sa akin. "Halika nga dito sa tabi ko. Huwag kang mag alala dahil panaginip lamang iyon. Nandito lang ako at hindi kita pababayaan." ang malambing na wika niya sabay yakap sa akin at doon ay inalalayan nya ako sa pag higa hanggang sa matagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka unan sa kanyang bilugang braso. Ito ang unang pag kakataon na nahiga ako sa braso ng isang lalaki. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ngunit pakiwari ko ay ligtas ako kapag mapalit ako sa kanya bagamat sa aking panaginip, isa siyang mabangis na halimaw, sa totoong buhay naman ay isa siyang magandang lalaki na mapag alaga at maasikaso. Marahil ay isang masamang panaginip lamang talaga ang lahat ng iyon, hindi maaaring mangyari o mag katotoo. Makalipas ang ilang minutong pag titig ko sa kanyang mukha ay muli kong ipinikit ang aking mga mata at doon ay naramdaman ko ang yakap ni Seth sa aking katawan. Ang aking magulong isipan ay napalitan ng kapayapaan, ang aking takot ay unti unting nag laho na parang isang bula. Ang kanyang aura ay tila isang magandang musika na nakapag papahinahon ng puso at isipan, hanggang sa ako ay muling dalawin ng antok at makatulog. Iyon na ang huli kong naalala. Alas 6 ng umaga noong ako ay magising. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga habang yakap ang aking malambot na unan, naka baluktot ang tuhod na animo isang fetus. Habang nasa ganoong pag kakahiga ako noong mapansin kong wala na si Seth sa aking tabi. Mukha yatang umalis na ito at hindi man lang nag paalam sa akin. Bumalik na ba siya roon sa kakahuyan? Malawak at mahiwaga ang lugar na iyon, at bukod pa roon ay hindi ko siya lubusan kilala ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? tahimik Muli, ay binalot nanaman ako ng kakaibang lungkot habang naka tayo sa bintana at pinag mamasdan ang kakahuyan kung saan ito nag tungo. Maituturing kong isang magandang panaginip ang gabing iyon, ang gabi kung saan ko nakapaling si Seth. itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD