NATANAW ko si Lucas habang pababa ako ng hagdan. Katatapos lang ng lesson namin ni Elias at sa katunayan ay ako pa ang naghatid dito sa yaya nito para igayak sa pupuntahan nila ng tinatawag na 'Uncle'. I managed to walk down casually, pretending there's no one in the living room watching me. Gustuhin ko mang lumihis ng daan ay imposible dahil sa sala talaga ako bababa. Besides, there's no sense in avoiding him now dahil kanina pa naman kaming dalawa na naroon sa bahay ni Mr. Samaniego. Sa lunch ay ilang beses kaming nagkatinginan. At dalawa o tatlong beses din niya akong kinausap ng tungkol sa mga walang saysay na bagay. My feet landed on the granite floor then I automatically turned to the right, deliberately making my way to the kitchen. Plano ko talagang humingi ng tubig sa kasambah