"READY na ba ang games para sa team building?" Nakangiting tumango ako sa tanong ni Vivian. "Great! Sobrang excited na ako! Parang ang tagal na kasi since the last time na nakasama ako sa ganyan." "I'm sure hindi lang tiyan natin ang mabubusog at hindi lang puso natin ang nasisiyahan kasi syempre kasama natin ang dalawa nating bosses. Siguradong busog na busog din ang mga mata natin sa kagwapuhan nila!" "Hoy, Marla grabe ka, ha! 'Yan ba ang rason kaya sobrang excited ka sa team building? Siguro pinagpapantasiyahan mo si Sir Markus, ano?" "Actually, si Sir Markus dati ang crush ko. Pero nagbago na kasi ngayon si Sir Lucas na ang laman ng fantasies ko!" "Tumigil na nga kayo diyan! Mamaya niyan may makarinig sa inyo, isumbong kayo sa mga boss natin. Don't forget na napaka- chismosa ng