Chapter 9

1528 Words
DALAWANG warning knock ang ginawa ko bago binuksan ang pinto ng opisina ni Daddy. Nakita ko siyang nakaupo at nakatingin sa may pinto- halatang naghihintay. Pumasok na ako at dumiretso sa harapan ng mesa niya. "You wanna talk to me?" "Sit down, Juan Lucas." I met his glare. Matigas nga ang tono ni Dad. Another problem I guess. At mukhang alam ko na kung bakit. Umupo ako gaya ng utos niya. Instead of asking him, I just waited for him to say his thing. "Ano itong itinawag sa akin ni Mr. Chua?" Ang kasalukuyang presidente ng Josefa Aragon-Urbano University ang tinutukoy ni Dad. "Totoo ba na aalis ka ng university?" Nagbuga ulit ako ng hangin bago tumango. "That's true." "And why so?! Ikaw ang biggest asset ng eskwelahang itinayo pa ng Lola mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na ikaw mismo, lalayasan ang universidad na pag-aari ng pamilya." "Do I have to worry about what people would think? Isa pa, tatapusin ko naman ang semestre. Hindi ako basta aalis. Nakapag-inquire na rin ako sa university na lilipatan ko sa Manila. My grades will be credited. Tatapusin ko lang do'n ang kurso ko because after that I am planning to go abroad for another degree." "Oh, really? At nakapagplano ka na pala? Bakit ka nagpaplano nang hindi ko alam?" Hindi ako sumagot. I kept my eyes on him at kitang-kita ko ang pagpipigil ni Dad. Mataas na ang kaniyang boses, pero alam kong hindi pa ito ang lebel ng galit na nakarehistro mismo sa mukha niya. "You tell me, Lucas! Anong dahilan at bigla kang nagpasyang umalis? Dahil ba sa tinderang iyon? Ginugulo ka niya? Ineeskandalo ka? She would deal with me if she won't stop!" "Dad, lubayan mo siya, okay?" mahinahon, pero matigas na sabi ko. "Hindi gano'n 'yon. And you can't use your position to destroy someone. Nag-aaral nang matino ang tao. Iniingatan niya ang scholarship na bigay ng university sa kaniya. H'wag mo siyang sisihin sa problema mo sa'kin." "Siya ang dahilan kaya tayo nagkakaproblema. Everything was smooth then until you took that woman to our farmhouse. " "Here you go again, Dad. Tapos na tayo riyan. Sinunod ko ang utos mong layuan siya." "Pero nagpapaapekto ka!" sigaw niya sabay hampas sa mesa at tayo sa swivel chair. At least kabisado ko na si Dad kaya hindi na ako nagugulat ni natatakot man sa klase ng galit na ipinapakita niya. Ganito na siya mula pa noong bata ako. Iyon nga raw ang dahilan kaya sobrang tigas ng ulo ko, madalas kong marinig kay Mommy. Pero hindi nakinig si Dad ni minsan. "Bakit ka aalis, ha? Hayaan mo siyang masiraan sa kahahabol, pero tandaan mo, oras na eskandaluhin ka niya, mawawalan siya ng oportunidad na makapag-aral!" "Hindi siya naghahabol, Dad. Hindi mo ba naisip na nakokonsensiya ako kaya mas gusto kong umalis na lang? That's one of the reasons. Pinaasa ko ang tao, pero ganito ang nangyari. Nakasakit ako ng iba." "Hayaan mo siya! Kung nasaktan man ang babaeng iyon, kasalanan din niya dahil nangarap siya ng lalakeng imposible. Matalino ka, Lucas, pero binigo mo ako dahil lang sa isang walang kwentang babae! Kung hindi pa nagsumbong ang caretaker, hindi ko malalaman ang tungkol sa kalokohan mo at hindi ko agad malalaman na nag-aakyat ka ng problema sa pamilya. Hindi pa nga namamatay ang masamang kwento tungkol sa'yo ng mga tao at pagkatapos ay ganito naman?" "It's not my fault, Dad! Bakit ba ako ang sinisisi mo tungkol sa bagay na 'yan? Am I the one who cheated on his wife? Kasalanan ko rin ba na baliw ang anak mo at ipinalaglag ang sanggol ng babaeng nabuntis ng asawa niya? Ako rin ba ang dahilan kaya lumabas ang tungkol diyan?" "Hindi nga. Pero h'wag mong kalilimutan na nawalan ng kakayahang magdalang-tao si Katarina nang dahil sa'yo! She saved your life. Dahil sa katigasan ng ulo mo, nasira ang katawan ng kapatid mo at kaya nagloko si Markus! May kinalaman ka pa rin sa gulong nangyari sa kanilang mag-asawa. Kaya tama lang din na ikaw ang isipin ng mga taong nakabuntis sa babaeng 'yon at ipinalaglag ang sanggol." I shook my head in disappointment. "That's why this family's so unfair. Kailangang may isang magtakip sa dumi ng iba. Ako ang anak n'yo, pero mas ginusto n'yong pangalan ko ang masira at pag-usapan ng mga tao kesa sa manugang n'yo." "I don't care if you think I'm unfair. Panganay ko si Katarina at mas hindi ako papayag na masira siya at ang pamilyang binubuo niya. Mas malaki ang mawawala sa atin kapag sumingaw ang buong katotohanan. At ganito ka dapat mag-isip, Lucas. Pamilya muna bago ang ibang tao. Kami muna ang dapat na isipin mo. Ang kapakanan namin lalo na ang pangalan natin. Dahil ikaw rin ang makikinabang ng lahat ng 'yan pagdating ng araw." My heart was heavy as I left Dad's office. Hindi ko alam, pero mukhang habangbuhay ko nang pagbabayaran ang nangyari noon kay Katarina. Sinisi ko rin naman ang sarili ko noon. Ilang beses din akong humingi ng tawad. Apparently, it's not enough. Hindi sapat na nagsisi ako at nagbago mula sa pagiging batang matigas ang ulo. Sa tuwing nagkakaproblema si Katarina, nadadamay pa rin ako. Nahahalungkat ang mga ginawa ko kaya pakiramdam ko, nawala na sa'kin ang kontrol sa sarili kong buhay. Naging obligasyon ko na ang makinig lagi sa kanila dahil malaki ang kasalanang nagawa ko. "Lucas." Patamad kong nilingon ang brother-in-law ko na si Markus na lumalakad ngayon palapit sa'kin. Paalis sana ulit ako nang makita kong dumating ang sasakyan niya. I pretended not to see him, pero binusinahan niya ako bago huminto sa gilid ng drive way. Sasakay na sana ko ng kotse nang tawagin naman niya. I stopped there. Wala akong pagpipilian kundi ang harapin si Markus. He was smiling as he walked towards me. Matagal na naming kakilala ni Katarina si Markus Samaniego. Magkaibigan ang mga tatay namin. I suspected the two of them started dating after Katarina came back from the US for her therapy. At nang magtapat ang dalawa na may relasyon sila ay walang naging problema sa parehong pamilya. Noon pa naman ay boto na si Daddy sa anak ng kumpare niya. "How are you, bro? Madalang na tayong magkita ngayon." "Yeah. I guess we're both busy that's why," matabang na sagot ko at nilinga ang kotse nito. "Si Katarina? Hindi mo ba kasama?" "No. Umalis siya kanina dahil may meeting sa abogado niya." I frowned. "Abogado? Bakit? Is she divorcing you?" Natigilan sandali si Markus bago marahang napatawa. "'Yan ba talaga ang una mong naisip? Na maghihiwalay na kami?" Hindi ako sumagot. I actually don't care if they would decide to separate. Naitanong ko lang naman. "Siya nga pala, bro. I heard that you wanted to quit from university." "You heard? Kanino? Don't tell me sinabi sa'yo ni Dad?" Hindi naman ako nagtataka. Noon pa ay mas kampante nang magsabi si Daddy sa manugang niya kesa sa akin na sariling anak. "Oh, no, not Dad. I just happened to be at the same party last night with one of the officials. Usap-usapan daw sa admin ng university na aalis ka. Bakit, bro? May nangyari ba na hindi ko alam?" I shrugged. "Wala naman. Just a small change of plans. Nag-usap na rin kami ni Daddy tungkol diyan." "I see. What's his reaction anyway? Kadadala mo lang ng karangalan sa university tapos aalis ka naman. I bet Dad's upset. " "Yeah. So what? Lagi naman siyang ganiyan kapag may hindi siya gusto sa mga ginagawa ko." "At mukhang sanay ka na, tama?" Hindi na lang ako sumagot. I turned my back and opened the car door, signaling my departure. "Lucas." Napahinto ako sa pagsakay. Nilingon ko ulit si Markus. "If you need someone to talk to, I'm here. Alam kong hindi madaling ibalik ang dati sa lahat dahil nagkasala ako sa ate mo, pero maniwala ka, maaasahan mo pa rin ako bilang kaibigan at kuya." Sandali kong pinagmasdan si Markus. I believe him though. Sa kabila ng mga nangyaring gulo sa kanila ni Katarina, hindi nagbago ang suporta at paniniwala niya sa akin. Mabuting tao si Markus at hindi nang-apak ng iba. He cheated on his wife after he found out that Katarina fooled her. Itinago pala ng kapatid ko ang kalagayan nito na inakala namin na napag-usapan na nila bago sila nagpakasal. Markus said he just wanted to have a child of his own. Nabaliw nga lang si Katarina nang malamang nakabuntis ng iba ang asawa. She threatened the woman and the whole family. She had her unborn child aborted and paid them fat amount of money. Doon nagsimula ang alamat. Mga kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taga-San Miguel na dinagdagan ng mga taong galit sa aming pamilya. "Be a good man, Lucas. H'wag mong gayahin ang pagkakamaling nagawa ko. If you love, love unconditionally. Tanggapin mo at panindigan nang buong-buo." Sinundot ako ng konsensiya sa mga sinabi ni Markus. Isang tao ang agad na pumasok sa isip ko. It's been almost two months. "Nasa office niya si Dad," wika ko nang walang maisip na isasagot. Tumango naman si Markus. "Thanks."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD