CHAPTER EIGHTEEN FELIX XAVIER’s POV Balak ko lang sana ay biruin siya at kung anong reaction niya. Bakit? Wala lang. trip lang. Hindi naman baril 'yong dinutdot ko sa likod ni Ice kundi isang isang stick na napulot ko dito sa bakuran niya. Pigil ako sa pagtawa kasi naman ang stiff na stiff siya no’ng dinutdot ko uli itong stick sa likod niya. Okaay~ dapat na siguro ako tumigil dito dahil baka kung ano pa man kaya inalis ko na 'yong stick sa pagdutdot ng stick sa kanya tas tumawa ng malakas. “Pfft! Hahaha! Joke lang.” natatawang sabi ko sa kanya. Bigla akong natigilan ng humarap siya sa akin, umiiyak siya. Nagbibiro lang naman ako, hindi ko naman inaasahan na maiiyak siya dahil lang do’n. Feel ko ang samang-sama kong tao dahil pinaiyak ko siya. Damn. Pakiramdam ko para akong sinuntok d