CHAPTER SEVENTEEN ICE’S POV “Pfft. Wahahaha! Laughtrip! Mabuti na lang at hindi ko siya lolo kung hindi ay ewan ko lang kung anong mangyayari kay c—I mean sa magiging boyfriend ko!” Grabe din naman si Max, kung makatawa talaga ay wagas talaga. Kinwento ko kasi 'yong nangyari three days ago. Nandito nga pala kami secret place namin na tanging nakakaalam lang ay ang pamilya namin tatlo at isang landscaper. Kahit na ilang buwan na ako hindi nakapunta dito ay maganda parin parang nasa paraiso parin ako, ang secret place namin ay tinatawag na Trenfo Paradise, napapalibutan ito nang malaking puno at kahit saan ka pupunta ay may mga iba’t ibang bulaklak na tumutubo. Kaya nae-maintain din namin ang ganda nito ay dahil may ini-hire kaming landscaper at siya lang ata ang pinayagan namin na makap