CHAPTER NINETEEN “Where are we going?” Tanong ko kay Felix, hindi ko siya binigyan ng sulyap man lang bagkus ay nakatingin lang ako sa labas ng bentana ng kotse niya. “At ano din pala 'tong malaking box?” Inalis ko ang tingin sa labas tas tiningnan ang box na nasa lap ko. Kaninang umaga ay pinamadali niya akong mag-almusal at magbihis ng damit dahil may pupuntahan daw kami tas binigyan pa niya ako ng gift. Anong meron? Hindi ko naman birthday ngayon dahil ngayon september pa 'yon eh. Nangangati na ang kamay ko para buksan 'yon pero hindi ko na lang binuksan 'yon baka isipin niya na ata much ako. Na-realize ko din kahapon na hindi parin nawawala 'yong naramdaman ko para sa kanya na matagal ko na ibinaon sa puso ko. I still love him at susugal ako para doon. Bakit ko ito sinasabi ngayon?