Chapter Five
FELIX’s POV
Nang matapos na ang seminar ay nagsilabasan na kami ng kasamahan ko. I was caught off guard nang biglang nanguyapit akin si Daisy ng makalabas ako sa function room. “May gagawin ka pa ba mamaya, Felix?” Bahagya pa niya idinikit ang kanyang dibdib sa akin. s**t. Iyon ang una kong naisip. Kanina pa siya sa function room na nagpapahiwatig sa akin but I didn’t pay attention to her. Kainis lang, she was obviously flirting with me in the middle of our meeting. Sinong hindi mainis do’n?
Nababagot na bumaling ako sa kanya. “Kahit na wala akong gagawin ay hindi ko parin tatanggapin ang alok mo.”
Matagal na ako nagtitiis sa kanya, kahit kasi saan ako pumunta ay parating nakabuntot siya sa akin dahil lang na naging fling ko siya ng dalawang araw. Yes. Naging fling ko siya ng dalawang araw. Dahil lang naman nagagandahan ako sa kanya at sexy at expert din pagdating sa kama. But that was two months ago. Kainis! Maswerte na nga siya at nagtagal siya ng dalawang araw eh.
“Bakit ba ang lamig mo sa akin, ha? Hindi ka naman ganyan ah dati.” Para naman hindi niya alam.
“Daisy! Gusto mo talaga malaman? Gusto lang kita ikama noon kaya naging mabait ako! We both agree na hanggang doon na lang tayo!” Yes, we had an agreement pero hindi ko inakala na maging patay na patay siya sa akin. She act like as if I’m her boyfriend. Noong una okay lang dahil meron naman kaming agreement pero hindi ko inaasahan na maging ganito siya ka-clingy. Kaya nga hiniwalayan ko na eh.
Tinaasan niya ako ng kilay, hindi man lang na-offend sa sinabi ko. Damn! Sa lahat ng babae na nakarelasyon ko ay siya ang pinakamakulit sa lahat! Porque gustong gusto siya ng step-mom ko noon. Our dad were friends in such a long time kaya tinitake advantage niya advantage iyon para makuha ang gusto.
“Pero iyong parents natin ay inaasahan nila na tayo ang magkatuluyan.” Napapailing na lang na inalis ko ang kamay niya sa akin at nilagpasan siya. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod sa akin.
Bumalik muna ako sa room ko at nagpalit ng damit. Napagdecision-an ko na magpahangin muna sa labas. Dinala ko 'yong bagong bili ko na libro at lumabas na sa suite. At doon ako sa dalampasigan na tumambay.
Kapag wala na akong ginagawa at wala ako sa mood na makipagflirt sa mga babae ay mas gugustuhin ko pa magbasa sa tahimik. Sana naman na matauhan si Daisy na wala na siyang mapapala sa akin, hindi ko na binabalikan ang mga fling ko kapag nagsawa na ako. At isa na doon si Daisy.
Umupo ako sa buhanginan at bago ako magsimula magbasa ay ay tinanaw ko muna ang asul na dagat. Ay sumagi sa isipan ko si Ice. Damn. Nagi-guilty talaga ako sa ginawa ko. She was a virgin back then…at lasing. I shouldn’t have take adventage na lasing siya kahit na sabihin na nakainom din ako ng madami.
“Congratulation pare! Pano ba iyan hindi ka na makakasama sa amin ni Cedric na gumimik. ” Sabi ko kay Byron habang tinatapik ang balikat niya.
Natatawa naman si Byron at masasabi ko na siya na ata ang pinakamasayang lalaki. Dahil sa wakas ay kasal na siya ng girlfriend niyang si Joermiana. Nahanap na din ng kaibigan namin ang babae para sa kanya. Pero hindi naman ibig sabihin niyon na isusuko ko ang pagiging buhay binata ko. J
Gusto ko pang maging malaya. Malayo sa mga demanding, possesive at etc na babae. Kaya nga ang in-offer ko sa lahat ng babae na gusto mapalapit sa akin ay fling lang eh. No strings attach. Wala akong paki kung umiyak pa sila sa harap ko at magmakaawa na seryosuhin sila. Kasalanan din naman nila 'no.
“Haha! kaya kung ako sa'yo ay magseryoso ka na.” Sabat ni Cedric. Tahimik na uminom ng red wine siya at nakatitig sa ibang direksyon. Sinundan ko naman iyong direksyon kung saan siya nakatitig. Tinitingnan niya si Maximilliana.
Tsk! Tama nga ang hinala ko noon pa eh! may pagtingin rin siya kay Maximilliana.
Nakangisi na siniko ko siya. “Uyyy… tinitingnan niya si Ma~xy.”
Nilingon niya ako at tiningnan na parang nagsasabi ‘sasakalin-kita-kapag-hindi-ka-tumahimik look.
“Tumigil ka na sa pangtutukso, Felix. Uh, siya nga pala kamusta na kayo ng ama mo?”
Napalis 'yong ngiti ko ng mabanggit ni Byron ang ama ko. Bwisit! “Hindi maganda, pare. Minumulto ako ng kaluluwa ng matandang iyon, Gustong-gusto daw niya talaga na pakasalan ko si Daisy.” Siyempre joke lang iyon, my dad died four years ago dahil sa sakit. I don’t know kung anong klaseng sakit iyon dahil wala naman akong balak na alamin pero base na din sa pagkamatay niya ay sigurado ako malala iyon. Hindi kasi kami malapit sa isa’t isa ng Dad ko, malamig ang pakikitungo niya sa akin. Kaya siguro n’ong namatay siya ay wala akong makapang lungkot sa dibdib ko dahil hindi naman niya akong tinrato na anak.
“Eh 'yong step mother mo?” nang-aasar ba siya? Lusot pa sa ilong ang galit niyon sa akin dahil anak lang ako sa ibang babae ni Dad.
“Huwag mo ngang banggitin ang babaeng iyon.” Mabuti na nga lang nasa ibang bansa ang matandang babae na iyon.
Nagpaalam muna ako para uminom ng tequila. Nakailang-shot na adin ko ng tequila at parang natamaan na ako ng espiritu ng alak.
“Tama na. Ayoko ng uminom eh.” Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang familiar na boses. Nakita ko doon si Ichinandra El’Fuentes. Ang tinaguriang nerd sa campus namin noon. Tingnan mo nga naman? sa kay tagal ng taon ng nakalipas, sino mag-aakala na malaki ang pinagbago niya. Ice was now beautiful woman now, don’t get me wrong hindi naman siya panget noon, hindi lang siya palaayos kaya nga parati ko siyang inaasar dahil madali lang mapikon. No’ng magkita uli kami n’ong nag-proposed si Byron sa girlfriend niya ay hindi ko siya nakilala agad. She was not wearing her brown eye contact lense and fake eye glass kaya hindi ko agad siya nakilala.
“Subukan mong uminom uli, Ice. Sus, para naman may experience mo kung pano malasing!” Pilit ni Joermiana kay Ice. Iwinasiwas ni Ice ang kamay na ibig sabihin ay ayaw niya talaga.
“Tama na iyong dalawa eh. Malasing na ako niyan.”
“Ako na ang bahala sa'yo kung sakali mangyari iyon. May reservation ka naman dito sa hotel kaya huwag ka ng mag-alala.”
“B.I!”
“Hayaan ng maging bad influence kay ssa maging manang forever. Sige na… tatlong shot na lang!” Ungot ni Joermiana sa kanya. Napapailing na lamang ako sa dalawang magkaibigan. I notice that her eyes fixated towards my direction, para akong mahipnotismo sa niyang asul niyang mata. Yes, blue ang mata niya dahil half-austrillian at half-filipino ang kanyang ama. Out of the blue, I suddenly wink at her para asarin pero imbes na kiligin like some other girls would do ay nandidiri na tiningnan niya ako at inirapan tsaka tumangga uli ng alak. Damn! Gano’n na ba talaga ako kadiri? Sa gwapo kong ito, nandidiri siya? Psh!
Natatawa na umalis na lang ako doon at pumunta sa terraces para magpahangin. Inignora ko na lang iyong mga mga babae na pilit na makuha ang attention ko. Hindi naman kagandahan. Tsk!
Ilang oras din ako doon sa terraces at mangilan-ngilan na din nagsialisan. At nakailang bote na din ako ng naisipan ko na bumalik na sa room ko. Dito na ako manatili sa room. Pumasok na ako at dumiretsong humiga sa king size bed. Hays, nakakabagot talaga. Naiinitan ako, hays, tawagan ko kaya ang isa sa fling ko at pumunta dito? Psh…nevermind. Tinatamad na ako para tumawag.
Pinikit ko ang mata ko pero agad din naman akong dumilat ng may narinig akong ‘thud’ sa labas. Bumalikwas ako sa kinahihigaan at napansin na nakaiwang siwang pala ang pintuan. Tinatamad na umalis ako sa kama para sarhan ko ang pinto pero napatigil ako sa pagsara ng pinto nang mapadako ang tingin ko sa labas. There was a familiar woman lying on the ground.
Agad ko naman dinaluhan iyon. “Miss okay ka lang ba?”Ungol lang ang sagot niya, n’ong bahagyang tinapik ko ang balikat niya ay nag-angat siya ng mukha.
“Ice!” Agad ko siyang nakilala.
“Haayaahh… Anong ginagawash mosh sha romsh koh?” Sabay sulyap sa pintuan ng room ko.
“No. This is not your room. It’s mine. Lasing ka na. Ihahatid na kita sa room mo. Anong room number?”
Inalalayan ko siyang makatayo. Bahagya pa siyang natumba, mabuti na lang at nakahawak ako sa balikat niya kaya napigilan kong matumba siya.
“Liar!”Humagikgik siya na parang teenager na nakausap ang crush niya.
Pambihira naman o. “Alam mo—“ Before I finish my sentence, she suddenly smash her lips against mine na ikinabigla ko.
Yeah right. Iyon ang dahilan kaya may nangyari sa amin dalawa. Hindi ko rin kayang kontrolin ang sarili ko dahil madami rin naman akong nainom na alak ng mga oras na iyon. I let out exasperated sigh bago ako humiga sa buhanginan at tinakpan ang aking mukha gamit ang libro. At ilang minuto ay narinig kong yabag papunta sa akin at tumigil iyon malapit sa akin. I had a bad feeling kung sino iyon.
“Tama nga ang hinala ko na nandito ka! Tara na, punta tayo sa bar o kundi kaya…” Kainis talaga itong si Daisy, ang kitid ng utak. Hindi ba niya alam kung anong ibig sabihin ng no?
Bahala nga siya. Hindi ako tuminag sa kinahihigaan ko, bahala siyang maging mukhang tanga diyan. Nagpanggap akong natutulog. Maya’t maya naramdaman ko na bahagya niya pa niyugyog iyong balikat ko. “Ay gusto mo atang tabihan kita eh…”
Hindi parin ako tuminag sa sinabi niya. Alis na! Shoo! Shoo!
“Felix!!!! Gising! Isusumbong kita sa parents mo na tinanggihan mo ang alok ko!” As if mayroon akong magulang. Bahala ka diyan. Hindi na ako papatol sa'yo. Ilang minuto din niya ako kinukulit at hindi tuminag sa kanya pero maya’t maya ay may narinig akong sigaw na babae.
“Help!” Sa boses palang ay kilala ko kung sino iyon. At mukhang kailangan niya ng tulong kaya naman ay bumalikwas ako at lumingon sa direksyon. Hinayaan ko na lang na mahulog ang libro sa mukha ko.
Tumatakbo ang babae papunta sa direksyon ko.
“Hel—ikaw!” Namilog ang mata niya na makita ako. Sino siya? Siya lang naman ang babae na iniisip ko kanina palang. Si Ice. Ang babaeng tumanggi sa alok kong kasal. Ang babaeng nandidiri sa akin kapag kinikindatan ko na para bang may dala akong mikrobyo. Hanggang ngayon ay masakit parin ang ego ko sa ginawa niya. Psh. Tatanongin ko sana siya ngunit hindi ko na nagawa dahil nahimatay na siya. Daling-dali naman na dinaluhan ko siya. Tinawag ako ni daisy pero hindi ko siya pinansin.
Napansin ko na may dalawang lalaki na tumakbo papunta dito at base na sa kilos ng mga ito ay mga addict at lasing.
What the hell?
“Pare! Kung ayaw mo ng gulo ibigay mo na sa amin iyang babae na iyan. May utang iyan sa amin eh.” Niloloko ba nila ako? There’s no way na magkaroon ng utang ang kagaya ni Ice. Wala sa policy niya ang umutang. Ako pa ang niloloko ng mga matsing na ito.
“Gago, at ano naman sa tingin ninyo sa akin, bobo? at ibibigay siya sa mga mukhang addict na kagaya ninyo? I know her at imposible na magkaroon siya ng utang sa inyo.”
“Aba’t!”
Sumugod ang isa niyang kasama pero mabilis akong nakaiwas. Sinipa ko siya nang kay lakas siya tiyan, sapo ang tiyan ng lalaki na napaatras palayo sa akin. Narinig ko naman si Daisy na tumili. “Tatawag ako ng police!” Tumakbo siya palayo dito. Kahit pano ay may naitulong naman ang babaeng iyon. Iniwan ko muna si Ice na nakahandusay sa buhangin at sinugod ko naman iyong dalawa.