Continuation...
ICE's POV
Pabaling-baling ang ulo ko. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, kaya naman ay iminulat ko ang mata ko at sa pag-gising ko ay hindi ko maiwasan na mangamba dahil hindi sa akin ang silid na ito. Ang tanging naalala ko lang ay tumakbo ako para takasan iyong dalawang lasing na lalaki at humingi ng saklolo sa dalawang tao...and then...
Oh s**t!
Bumalikwas ako sa kama at inilibot ang tingin sa paligid at tumigil ang mata ko sa isang particular na lalaki. Walang iba kundi si Felix na prente na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Napansin ata niya na gising ako ay ibinaba niya ang tasa ng kape at ngitian ako ng kay tamis.
"How's your sleep, babe?" He ask me.
Uminit ang ulo ko ng bigla ginamitan niya ako nang endearment. Matalim na tiningnan ko siya. "Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya na imbes na sagotin ang kanyang tanong.
"Look, wala akong ginawang masama sa'yo, okay? Dapat pa nga pasalamatan mo ako dahil iniligtas kita sa dalawang lasing na iyon. Hindi ko alam ang room mo kaya dito na lang kita dinala."
"Pwede mo naman tanong ang receptionist kung saan ang room ko.”
“Oo nga 'no? bakit hindi ko ginawa iyon?” Asar talaga ang kolokoy na ito! I crawl off the bed at tumayo ng maayos. Naglakad na ako patungo sa pinto ng naramdaman ko na parang pinagbaliktad ang sikmura ko sa sama ng pakiramdam ko. And I felt as if I’m going to throw up, tinakpan ko ang aking bibig at tumakbo papasok sa banyo. Sinara ko iyon ng maayos tas sumuka sa lababo. Ayoko ng ganitong pakiramdam.
Narinig ko ang pagkatok ni Felix sa pinto. “Hey, are you alright?”
Hindi muna ako sumagot, nagmadali ako na linisin 'yong sinuka at namumog ako tas ng makasiguro na walang trace na ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Nang pinagbuksan ko siya ay kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Pinagpapawisan tuloy ako kahit na malamig naman dito sa loob ng suite niya.
“I’m fine.”
“Namumutla ka ata, gusto mo bang ipadala na kita sa ospital?” nag-alala ng tanong niya sa akin.
Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa pinakita niyang concern sa akin. Maliban doon ay napakagwapo din niya tila anghel na bumaba sa langit, para bang hindi ka sasaktan but knowing him in such a long time, alam ko na kabaliktaran lang iyon. Ginagamit lang niya iyon kagwapuhan niya para makapang-akit ng mga babae.
Tinitigan ko siya na tila nababaguhan sa ugali. Marunong din palang mag-alala ang mokong na 'to?
“I said I’m fine. Thanks for saving my life. Now if you’ll excuse me, I better to go now baka kasi hinahanap na ako ni Max eh.” Pilit na pinatatag ang tinig ko. Umakto naman siya na para bang nasaktan sa treatment ko.
“Ouch naman, Ice baby, bagay na bagay talaga ang nickname mo. Kasing lamig ka talaga ng yelo.” Umakto pa siya na parang nasaktan. Ha! Ako pa ang malamig?! Eh sa ayaw ko mapalapit sa kanya! I was just protecting myself against him! “After all I did to you, ganito pa ang trato mo sa akin.” Hinihimas pa niya ang kanyang panga na napansin ko na may pasa siya. Nakuha ba niya ang pasang iyon dahil sa pagligtas sa akin? Nakonsensiya tuloy ako. Bumuntong hininga na lang ako, kapag may gusto talaga siyang makuha ay gagawan niya iyon nang paraan upang makuha niya ang gusto niya. Bastard! “Sumabay na lang kaya tayong mag-breakfast?” Patuloy niya. “Reward mo na lang 'yon sa akin dahil iniligtas kita sa dalawang matsing.”
“Look. I’m really thankful that you save my life pero busog pa ako at lalong ayokong magkaroon ng kaugnayan sa'yo. Siguro naman alam mo kung bakit hindi ba?” Ilang segundo lang ay nakita ko na tumiim iyong titig niya pero agad din naman ito pinilig. Magsasalita pa sana ako pero inunahan na ako ng traydor kong tiyan. Lumikha kasi iyon ng ingay. Damn you traitor!
I blush furiously, for sure kapag titingnan ko ang sarili sa salamin ay siguradong pulang pula ang mukha na parang kamatis dahil sa hiya. I glare at him when I heard him chuckled.
“Siguro ikaw ay busog pa pero iyong alaga mo sa tiyan ay hindi kaya nagreklamo na. Let’s go. Libre ko naman eh.”
Sumikdo ang dibdib ko. Unconciouly, hinawakan ko ang dibdib ko. May sakit ba ako? s**t! Baka naman ay napaparanoid na ako. Pagbibigyan ko na nga lang para wala nang hassle, isa pa kahit paano ay makakasama ng anak ko kahit sandali ang ama nila.
“Fine, pero babalik muna ako sa room ko para magbihis. Sa nakikita mo mukhang aswang ang kasama mo ngayon, if you know what I mean.”
Tumawa lang siya ng mahina.
“Hindi ka parin ba nakapili?”
Matalim na sinulyapan ko si Felix at iyong waiter ay kahit na maaliwalas ang mukha ay alam kong naiinip na siya sa akin. Sino naman hindi? Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi ako makapili ng makakain. Marahas na binaba ko ang menu sa mesa, wala talaga akong mapili! Ayoko sa mga pagkain nila, may gusto akong kainin ngayon pero pano ko sasabihin na gusto gusto kong kumain ng hilaw na manga at bagoong? Agh! Isipin ko palang ang manga na sinawsaw sa bagoong ay naglalaway na ako.
“Pareho na lang sa kanya ang order ko. Iyon lang.” Walang choice eh. Baka pagtawanan pa ako ng lalaking ito eh.
Nang iwan na kami nang waiter ay bigla akong nakaramdaman ng nerbyos. Malakas ang loob ko noon kapag kaharap ko siya pero n’ong may nangyari sa amin. I don’t know! Parati na lang ako kinakabahan.
“Ice.” Tawag niya sa akin.
“What?”
“Sinabi ko ba sa'yo na mas lalo kang gumaganda?” Heto na naman po. Walang kakupas ang pagiging bolero!
“Felix.” Panggagaya ko sa kanya.
“What?”
“Hindi ba pwedeng isang araw lang ay tumigil ka sa pambobola kapag gutom kasi ako ay nangangagat talaga ako, take note may rabies ako.” Natauhan na siguro ang mokong na ito kaya tumahimik na. Good.
Dumating na 'yong order namin at dahil gutom ako ay nauna na akong kumain. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina. Hay, kung hindi lang talaga playboy ay papatulan ko talaga siya eh tsk!
“What the hell!” Bigla na lang tumalsik 'yong toasted bread na nasa plato ko ng may isang babae na humampas sa mesa namin. Mabuti na lang at kami lang ang kumakain doon sa Café kung hindi ay naku! Baka pinagtitinginan na kami. Except nga lang sa mga empleyado dito. “Felix! Sabi mo busy ka ngayon ba’t kasama mo ang babaeng iyan?!” Dinuro pa niya ako and I didn’t like it. I hate someone pointing a finger on me. Natandaan ko ang babaeng ito, siya iyong kasama ni Felix kagabi sa dalampasigan. Girlfriend ba ni Felix ito? Isipin palang niyon ay biglang kumulo ang dugo ko, epekto ba 'yon sa pagbubuntis? Siguro.
Binaba ko ang tasa ng kape, napilitan na nga lang akong sumabay kumain ng breakfast tas ngayon ay sumama pa ang mood ko sa nangyari. Walang modo kasi, nakita nga niya na may kumakain tas nagwawala? Hindi ba pwedeng daanin sa mahinahon paraan? Nakakawalang gana kumain.
“Daisy, will you please low down your voice?” Sabi ni Felix. “Nakakahiya.”
“No I won’t! You lied to me!” Wow, ang bobo naman nang babaeng ito. Ang drama talaga niya. Para naman may ginawa kaming masama. Eh kumain lang naman kami nang almusal dito sa café.
“Huwag ka nga’ng mag-eskandalo, miss.” Hindi ako makatiis na sumabat sa kanila. Nakatanggap tuloy ako ng matalim na tingin sa bruhang nagngangalan na DAISY. “Wala kaming ginawang masama ni Mr. Avison.” Kalmadong sabi ko sa kanya. “I mean what’s wrong kung sumabay kaming kumain? It’s not like as if we’re dating or something. Am I right, Mr. Avison?”
“Yeah.” Felix’s agree. Subalit hindi naman naniniwala si Daisy. Ang bobo talaga!
“Yeah right! As if naman maniniwala ako, sabihin mo nilalandi mo ang boyfriend ko.” She snorted. I was right.
“Daisy!” Nagbabantang tono ni Felix. “Mag-usap nga tayo ng sandali.”
Akmang tatayo na siya pero inunahan ko na, wala na talaga ako sa mood na kumain. Mas mabuti pang umalis na ako para walang gulo. “Wala akong ganang kumain kaya dito na lang kayo mag-usap ng masinsinan, asikasuhin mo muna ang girlfriend mo. Nakakahiya sa mga tao dito, nag-eeskandalo na walang dahilan. Isipin pang walang pinag-aralan.”
“Aba’t!” Pinigilan siya ni Felix. Napapailing na lang ako na lumabas sa naturang establishment.