Chapter Four
Gimbal na nakatitig ako sa dalawang linya na lumitaw sa pregnancy test. Nanginginig ang kamay ko kaya nabitiwan ko iyon. Hindi maari ito! Baka sira lang ito! Parang gustong mag-sink-in sa utak ko ang nadiskubre ko.
Buntis ako!
Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko sa pisngi at napatuptop ako sa bibig. Isang beses lang naman iyon eh… it’s so unfair! Bakit ba ang malas ko? Anong iisipin ng parents at kaibigan ko? Lalo na si Max, napaka-conservative din kagaya ko. Kahit na hindi halata dahil napaka-kikay niyang tao. Baka putulin niya ang pagkakaibigan namin. Agh! Lalo na din siguro 'yong parents ko baka itakwil nila ako. and even worst is, I am not yet ready na ipagtapat sa kanila tungkol dito lalo na din sa ama ng magiging anak ko! Ang ipinagpasalamat ko ay ako lang ang nakatira dito sa two storey house na binili ko pa three years ago dahil gusto ko maging independent sa magulang ko.
Bumuntong hininga ako habang inilagay na ang dalawang pregnancy kit sa ibabaw ng lababo. Lumabas na ako sa banyo at iniwan iyon doon. Wala na akong magagawa nandito na eh, wala rin naman akong planong ipalaglag ito. Lumapit ako sa wardrobe at inilabas ang kinakailangan kong mga damit. Kailangan ko maghanda dahil pupunta kami sa isang resort ni Max. Si Max na ang bahala sa reservation namin. Pagkatapos kong mag-empake ay inihanda ko na iyong maleta, malapit sa pinto ng bahay. Hihintayin ko na lang ang tawag niya. Sabi kasi niya kanina na mas maganda na ngayon na rin kami bumyahe para daw hindi magbago ang isipan ko.
Humiga ako sa kama at tinitigan ang puting kisame.
Bumuntong hininga ako. “Anong gagawin ko?” Pabaling-baling ako sa higaan at pinikit ang mata ko. Laman parin ng isipan ko ang tungkol sa problema ko ngayon, hangang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. At nawala sa isipan ko na may hinihintay pa pala akong tawag.
Mahimbing na natutulog na sana ako no’ng may marinig akong katok sa kwarto ko. Bumangon ako sa kinahihigaan at nagtataka na tiningnan ang pinto. Sino kaya iyon? Sa pagka-alala ko ay ang taning binigyan ko ng duplicate ay ang parents, joer at si max lang.
Nang mapagbuksan ko iyon ay bumulagta sa paningin ko si Max na nakasimangot.
“Hoy! Bruha! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko ha?”
Tinaasan ko siya ng kilay. Tawag? Napakamot na lang ako sa ulo habang naglalakad pabalik sa kama at bumalik sa tulog. “Bwisit naman oh! Nakita mo na mahimbing natutulog tas nambubulahaw ka!”
“Gee! Gabi na kaya tas bakit babalik ka pa sa tulog?” Lumapit siya sa akin at pilit niya akong pinapaalis sa kama.
Umungol ako. “Leave me alone. Gusto ko pang matulog…”
“Pano na iyong reservations ko sa resort na pupuntahan natin bukas? Huwag mong sabihin na matutulog ka lang buong magdamag? Agh! Hoy! Babae! Gusto ko mag-swimming sa dagat!” Niyugyog niya ang balikat ko, ah letse! nahihilo na ako sa pagkayugyog niya kaya pumiksi ako at binaon ang mukha ko sa unan. Iwinasiwas ko ang kamay ko.
“Ikaw na lang mag-isa na pumunta roon.”
“Ayoko! Hindi masaya kapag wala akong kasama! Wah! Basta sasama ka sa akin. Nandon na sa baba iyong maleta mo. Ano bang nangyari sa'yo at nagbago na naman iyang isipan mo, ha?” Nameywang siya sa harap ko.
“Inaantok lang.” Tinatamad na sagot ko.
“Ay iyon lang naman pala eh. Pwede ka naman matulog sa kotse ko. Hala bangon na diyan at magbihis. Ay, teka bakit ba hinahayaan mo nakabukas iyang banyo mo?”
Bigla ako napabalikwas at naging alerto. s**t! Iyong pregnancy test! Nandon pa sa lababo! Baka makita niya. Mabilis pa sa alas-kwatro ay pinigilan ko siya na makalapit sa banyo. “A-ako na ang b-bahala. Sige na bumaba ka na dito at hintayin mo nalang ako doon. Sasama na ako.”
She eyed me suspiciously. “Sabihin mo nga sa akin, Ichinandra.” Uh-oh, tinatawag lang niya ako sa buo kong pangalan kapag seryoso siya. “May tinatago ka ba sa akin?”
Tug
Tug
“T-tinatago? Ano…n-naman iyong tinatago k-ko?” Nagkadautal na maang ko sa kanya.
Ilang minuto lang naging seryoso ang expression niya tas isang iglap ay naglaho at sa 'di ko malaman ay ngumisi siya sa akin at dinuro ako na parang nagnakaw ng ice cream. “May boylet ka siguro tinatago sa banyo 'no? Siguro nasa likod siya ng bathtub 'no?”
Akmang lalagpasan niya ako pero humarang ako sa dinaraanan niya. Sorry Max. Hindi ko siya hinayaan na makapasok sa loob ng banyo sa dahilan baka makita niya ang pregnancy kit. Hindi pa ako handa na ipagtapat sa kanya ang tungkol sa pagdadalantao ko.
“Wala akong lalaki! Hala bumaba ka na at hintayin mo ako sa sala.” I place my hand over her shoulder, iniikot siya patalikod sa akin at tinulak palabas ng kwarto ko.
“Sus! Meron ka sigurong boylet talaga dahil ayaw mo akong papasokin sa banyo! Arte!” Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang lumabas ay agad ko sinara iyong banyo at ni-lock. Mamaya ko na itatapon iyon. Nagmadali na bumihis ako at bumaba na.
“Gosh! Ang daming gwapo dito, Ice! Nakikita mo iyong mga lalaki sa pool? Ang hot nila!” Napahilamos ko sa mukha ang aking palad. Lihim na pinagtatawanan kaming dalawa ng matanda na nasa likod namin. Nandito kami sa loob ng elevator, papunta sa sarili namin room ng panay daldal ni Max sa mga lalaki doon sa pool na nag-swimming. Bakit ko ba siya naging kaibigan kung lalaki naman ang bukang bibig niya? Grr.
It was strange though, kahit na sikat siya sa buong pinas ay walang nakakakilala sa kanya. Eh Sunglass at bullcap lang naman ang gamit niyang pan-disguise.
“Max, kung maari lang lagyan mo ng glue iyang bibig mo para naman tumahimik ka na. Wala akong pakialam sa mga lalaki. Ang rason kaya pumunta ako dito ay mag-bakasyon, hindi dahil sa mga lalaki. Gee, gusto ko ng matulog ngayon, sa malambot na kama at mag-relax dito.”
“Ang killjoy mo talaga.” Sabay irap sa akin.
Umismid na lang ako. Nang makarating na kami sa room namin ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto doon tas lumabas uli sa kwarto para maghapunan. Magkatabi lang naman ang room namin ni Max eh kaya sabay na din kaming bumaba para kumain. Pagkatapos namin mag-dinner ay nagpumilit na pumunta kami sa bar. I was going to refuse her but she already drag me into the bar. Nang pumasok na kami sa bar ay tanging laman lang ng isipan ko ay umalis na kami doon dahil pakiramdam ko ay parang may mangyayari eh. Agh! Ayoko talaga na rito!
Dim light lang at tanging disco light ang sumalubong sa amin sa loob at umaalingawngaw ang malakas na rock song. Ah, I hate rock song. Masakit sa tainga eh. Hinila ako ni Max sa bakanteng mesa. I scrunch my nose nang maamoy ko ang magkahalong alak, pawis at iba pa. Para akong masusuka.
“Max, umalis na tayo dito!” Sabi ko nang hindi ako makatiis.
“Ay huwag ka ngang killjoy! Magsasayaw lang naman tayo. Huwag kang maging manang.”
Matalim na tiningnan ko siya. Hindi iyon napansin ni Max dahil mabilis na iniwan niya ako dito sa mesa at pumunta sa dance floor at nakipagsayawan. Grabe talaga, wala talaga akong hilig sa disco o sumayaw at dahil 'di ko na matiis ang amoy at ingay sa loob ng bar ay tumayo na ako at tumakbo patungo sa exit. Sa dami ng tao ay kailangan ko pang makipag siksikan, at sa hindi ko inaasahan ay may sumiko sa tiyan ko.
Napasinghap ako. “Damn it!” Hindi naman gaano kalakas iyon pero hindi ko maiwasan na mag-alala dahil baka baka kung ano na ang mangyari sa anak ko. Sinikap ko na makalabas doon na hindi masasanggaan iyong tiyan ko. Kasalanan ito ni Max eh. Naku!Sasapakin ko mamaya si Max pagbalik niya sa hotel. Nang makalabas na ako ay naglakad na ako patungo sa resort, malayo-layo din iyon dito. Nadaanan ko lang ay ang dagat at mga coconut tree.
“Punta na tayo doon sa bar, pare. Ang…hik… ang daming chicks doon.”
Nag-angat ako ng ulo para tingnan kung sino iyon. May dalawang lalaki na mukhang lasing na naglalakad patungo sa direksiyon ko. Pasuray-suray pa silang dalawa at natigilan ng makita niya ako.
“Oh meron…hik… na palang…hik…chicks dito eh. Porener ata hik! Uy misshhh! Gusto hik mo ba shumama sha amin?”
“Bobo ka talaga, Freddy! Hik! Hindish iyansh nakakaintindi ng tagalog!”
Kalma ka lang, Ice. Kung hindi mo sila papansinin ay baka titigilan kanila. Lumingon ako sa paligid ko. Mangilan lang ang mga tao nandito, unfortunately, malayo sila sa bahaging ito kaya mahihirapan ata akong humingi ng saklolo kung sakali.
“Pasensiya na pero kailangan ko ng umalis.” Mahinang sabi ko sa kanila.
“Ikaw pala ang bobo, jun eh! nakakaintindi hik naman iyan ng tagalog eh!”
Tinalikuran ko na sila at akmang tatakbo ako pero hinablot ng isang lalaki ang braso ko. “Bitiwan mo ako!”
“Palaban pare o”
Nagpapumiglas ako pero ang higpit talaga ng pagkahawak niya sa braso ko.
“Sumama ka na lang sha men mish.”
“Ayoko! Tulong!” Bigla ako sinampal ng isang lalaki nang kay lakas.
“Tumahimik ka!” Singhal ng lasing na lalaki sa akin. Namilog ang mata ko. Help!
Hindi parin ako nakinig kaya ang huling ginawa ko ay tinuhod ko ang playground niya. At pumulot ako ng bato sa lupa at binato sa isa pang lalaki na akmang lalapit siya sa akin. Tinulak ko din iyong tinuhod kong lalaki para matumba.
Tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta makatakas lang ako sa kanilang dalawa.
“'tang ina! Nakawala! Agh! Magbabayad ka sa amin!”
“Help!!!” Kahit na nanghihina na ako ay nilakasan ko ang boses ko upang may makarinig sa akin. Tumakbo ako patungo doon sa dalawang tao na mukhang magkasintahan ata. Nakahiga sa buhanginan ang lalaki at nakatakip iyong mukha niya sa libro at nakaupo lang sa tabi niya ang babae.
Narinig naman ako ng dalawa kaya ang babae ay napalingon sa akin at ang lalaki naman nakahiga kanina ay bumalikwas kaya iyong nakatakip na libro sa mukha ay deretsong nahulog sa hita niya.
“Hel—Ikaw!”
Nakakunot ang noo niya at naguguluhan sa nangyayari pero bago pa ako makapagsalita uli ay nawalan ako ng malay.