Chapter Three
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako makapaniwala na ang isang babaero at walang siniseryosong kahit sino man ay nag-propose sa akin napakasalan at pananagutan niya ako.
“Why? Kung napapansin mo isang buwan na iyon at sa mga araw na iyon ay hindi kita hinabol para panagutan ako. So anong motibo mo kaya mo ako gusto pakasalan.”
“Dahil virgin ka nong may mangyari sa atin?” Ah, so gano’n pala? Don’t tell me kapag may virgin kang nagalaw ay ‘yayain mo na? peste! Gusto ko iyon ibulyaw sa kanya pero hindi ko na lang ginawa. Was that mean it was his first time to devirginize a woman?
Naramdaman ko na uminit 'yong magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Oo, virgin ako noon pero dahil sa kanya ay nawala iyon! Pero hindi naman dapat na…agh!!! “Shut up! Kung gusto mo lang naman ako pakasalan dahil na-guilty ka! Pwes 'wag mong asahan na pakakasalan kita! Aba, akala mo ba hindi ko alam na kahit na noong may nangyari sa atin ay hindi ka parin tumigil sa pagiging babaero? Ha! Hindi ako magpapakasal sa isang babaero na kagaya mo!”
Nagbaliktanaw ako sa nangyari kaninang umaga. Oo, tinanggihan ko siya dahil hindi ko masikmura na magpakasal sa lalaki na guilty lang sa nangyari at lalo na at hindi naman ako mahal. Nang sinabi ko iyon sa kanya ay walang sabi na umalis siya sa office ko. Ewan, pero kung inaakala niya na hahabulin ko siya at sabihin na nagbago ang isipan ko pwes hindi. Kung noon ay minsan nangarap din ako na papakasalan niya ako pwes ngayon ay hindi na. Ayokong masaktan.
Isa kasi akong tanga/gaga noon eh. Noong una nagkita kami noong high school pa ako at siya naman ay nasa college na, ay wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Parati niya ako inaasar at tinatawag na nerd at ano pa. At kilala siya sa pagiging playboy kaya iniiwasan ko siya noon pero kahit anong iwas ko sa kanya noon ay parati niya ako nilalapitan para asarin. At kahit ayaw kong sabihin ay nagkaroon ako ng crush sa kanya noon hanggang sa nainlove na ako sa kanya. Minsan umaasa ako na baka magustuhan niya ako pero hindi eh. Kaya hindi na lang akong umasa dahil wala naman siyang sineseryosong babae at lalong hindi niya type ang nerd na kagaya ko noon.
“Oi Ice.” Untag sa akin ni Joermiana.
Nandito nga pala kami sa bahay niya at tinutulungan na maghanda ng makakain. Hindi nakarating si Max dahil may pictorial siya ngayon.
“May sinabi ka?”
Itinirik niya ang kanyang mata. “Kanina pa po ako nagsasalita dito tas mukha kang nasa ‘lala land’ eh. Hindi ka nakikinig.”
“Iniisip ko lang kung anong gagawin ko bukas. Nangungulit kasi si dad na mag-bakasiyon ako. Ah nga pala ano bang lulutuin mo?” Tanong ko sa kanya. Kanina ko pa nahiwa iyong patatas pero wala parin akong idea kung anong lulutuin. Lol.
“Afritada. Paborito ni Hubby ko iyon at hindi ba paborito mo rin iyon?”
Sa hindi ko ay marinig ko lang ang pangalan ng pagkain na iyon ay parang pinagbaliktad iyong sikmura ko. Tumango ako sa kanya, pero hindi ko maiwasan na ngumiwi. Paborito ko iyon pero sa oras na iyon ay parang gusto kong tumakbo.
“Bakit? Ayaw mo ba ni…” Bigla ako napatuptop sa bibig at tumakbo sa lababo.
“Ice! Okay ka lang ba???” Hinihimas ni Joe 'yong likod ko habang nagsusuka ako. Nang hindi na ako nakaramdam ng pagsusuka ay inayos ko ang sarili ko.
“I’m fine. Masama lang siguro ang pakiramdam ko baka may nakain lang ako kanina.” Dumistansiya ako ng kunti sa kanya.
Nag-alala na tiningnan niya ako. “Magpahinga ka kaya muna doon sa guest room? Ikaw kasi eh napaka-workaholic mo kung hindi lang kita kilala ay baka isipin ko na preggy ka.”
“Preggy?”
“Hay, ang slow mo! Pregnant. Buntis. Juntis. May bulati sa tiyan hihihi! Joke.” Tumawa siya matapos niyang sagutin ang tanong ko.
Imbes na sumabay sa tawa ay para akong mahimatay sa sinabi niya. ‘Kung hindi kita kilala ay baka isipin ko na preggy ka.’ Imposible naman iyon hindi ba? I mean siguro nga possible pero gumamit naman ng protection ang lalaking iyon, hindi ba? Kaya impossible!
Wala sa sarili na hinawakan ang sariling kong tiyan. Now that I think about it, hindi rin ako dinadatnan. Ah, hindi! Impossible! Naging paranoid lang siguro ako! Tama. Baka late lang ako ngayon buwan.
“Ah sige, magpapahinga muna ako. Salamat sa offer mo, Joe.” Iniwan ko muna siya at umakyat na sa taas.
“Alam mo naman siguro kung saan ang guest room hindi ba?” Pahabol niya sa akin.
“Oo. Gisingin mo na lang ako kapag kakain na”
Hay, badtrip talaga o! Ngayon tahimik na ako at hindi ko na inaalala ang gabing 'yon ay tsaka ko naman pinapaalala! Nang nasa harap na ako ng pintuan ay wala na naman sa sarili na napahawak ako sa tiyan ko. P-pano kung b-buntis ako?
Ipinilig ko ang ulo ko tas inalis na sa isipan ang tungkol doon.
Pagpasok ko sa kwarto ay sinira ko ang pinto at dumiretsong humiga sa malambot na kama. At maya’t maya ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
“Kung pumunta kaya tayo sa isang sikat na resort?” Suggest ni Max sa akin. Nandito kami sa isang ice cream shop. Habang naghihintay kami sa in-order namin ay napag-usapan namin dalawa, kung saan kami magbakasiyon.
Kagaya ko ay gusto niyang magbakasyon para kahit paano daw ay makalayo siya sa trabaho na may kinalaman sa showbiz. Nakasuot siya ng simpleng damit at bullcap. At makapal na salamin para walang makakilala sa kanya.
Sikat na artista kasi siya kung hindi niyo pa alam.
“Matagal na akong hindi nakapunta doon.”
“Ah okay! So we are going to have our vacation in plantation bay resort. I always want to go in there pero so dami naman kasi ng paparazzi eh. I don’t want someone kasi makakaalam kung saan ako magbakasiyon.”
“Hoy babae huwag mo akong taglish-in. Nakakarindi pakinggan baka isipin nila bakla ka na nagpag-s*x change.”
“Haha! ikaw lang ata nag-iisip niyon, teh. Sa sexy at ganda kong ito ay iisipin nila iyon? Ew.”
“Hindi lang naman ako ang nag-iisip niyon eh. Pati na si Joermiana.”
Bumuka ang bibig niya subalit hindi niya naituloy ang sasabihin ng dumating na ang order namin. In-order ko ay durian, ube at chocolate flavor. Ang sakanya naman ay mango flavor lang.
“Ang dami naman ng order mo.” Komento niya sa akin.
“Inggit ka lang.”
“Ay ewan ko sa'yo. Nakakadiri ka ba’t nasisikmura mo pagsabayin iyang tatlong flavor ng ice cream?”
“Masarap naman ah. Try it and you’re going to love it.”
She stuck out her tongue. “No thanks! Ayoko nga. Panget ng lasa niya 'no eww… mo Ice!”
“Inggit ka lang.” Inulit ko ang sinabi ko kanina.
“Ang weird ng kinikilos mo ngayon nagdaang araw. Two days ago ay inayawan mo ang paborito mong pagkain tas noong niyaya kita na mag-jogging ay nalaman ko na natutulog ka parin. Para kang mantika kung matulog ngayon. Hindi ka naman ganyan. At ngayon… naman ang dami mong kinakain.”
Natigilan naman ako sa pagsubo ng ice cream. She was right. Ang weird ko ngayon nakalipas na araw. Sa mga araw na iyon ay may bumubuong hinala sa utak ko. Kahit na ayaw ko paniwalaan ay baka nga buntis ako. Hindi parin ako dinadatnan.
Ayan tuloy nawalan ako ng gana na kumain ng ice cream. Binaba ko ang spoon at tumayo at umalis. Sinundan naman ako ni Max. “Hey! Hindi pa tayo tapos kumain ng ice cream.”
“Nawalan na ako ng gana. Ikaw na lang.”
“OA mo naman.”
Hindi ko na siya pinansin.
kung saan-saan na kami namasiyal ni Max. Sinikap ko ang sarili ko na hindi mahalata ni Max ang kakaiba kong kilos ngayon. Nang matapos na kaming mamasiyal ay nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na ako ngunit imbes na dumiretso ako sa bahay ay dumiretso ako sa pharmacy para bumili ng pregnancy test.
Bwisit!
Nakakahiya talaga! Pero kailangan kong gawin para malaman ko kung totoo ang hinala ko.
“Miss..am…er… pabili nga ng dalawang pregnancy…t-test.”
Oh my god! This is soooo humiliating! I want to die right here—right now!
Sigurado ako namumula na ako na parang kamatis sa hiya. Nakangiti naman tiningnan ako ng tindera. Pagkatapos kong bumili ay mabilis na pumasok ako sa kotse at pinaandar. Pag-uwi ko ay dumiretso na agad ako sa banyo.