Chapter 2

1537 Words
Chapter Two “Ba’t hindi mo subukan na mag-bakasyon kasama ang kaibigan mo na si Max, Ice?” suhesyon ni dad sa akin. I didn’t bother to look at him, mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga paper works na nasa kamay ko.  “Dad, wala akong oras para diyan. I have a lots of thing to do than leisuring especially now bumababa ang sales ngayon buwan.” Narinig ko siyang bumuntong hininga. “Ako na ang bahala niyan tsaka hindi ka naman namin pinipressure nang mommy mo sa trabaho. Why don’t you be like your friends? May asawa na si Joe at si Max naman ay may social life while you in the other hand ay puro trabaho ang inatupag.”  “I love my work, dad. And stop comparing me to my friends. Iba sila kaysa sa akin.” Binaba ko ang paper work ko at sa wakas ay nilingon ko na din. “tsaka matanda naman iyon sa akin kaya wala akong problema kung maunahan man nila ako o hindi.” Isang buwan na ang nakalipas ng maikasal ang best friend kong si Joe at isang buwan na din ng may nangyari sa amin ni Felix. At so far, successful ang pag-iwas ko sa kanya. Anyway, noong nakabalik na din ang mag-asawa galing sa honeymoon nila ay parati ako nila iniimbita na magdinner sa kanilang bahay ngunit parati ko silang tinatanggihan para hindi magkrus ang landas namin ng lalaking iyon. Naka-move on na din ako sa nangyari. Ang pinapasalamat ko na lang ay hindi ako nabuntis ng lalaking iyon. Kahit na lasing naman siya hindi naman siguro makakalimutan na maglagay ng protection hindi ba? Matiim na tiningnan ng ako ni daddy, mukhang hindi siya nasiyahan sa sagot ko. “Ano ba ang dapat kong gawin sa'yo bata ka? Hala, hindi ako makakapayag na magburo ka dito sa office! Wether you like it or not ay kailangan mo magbakasyon. Huwag kang mag-alala dahil habang wala ka ay ako ang mamahala pansamantala ngayon.” “B-but—“ Usually, I would just refuse, however, kapag seryoso na ang hitsura nang papa ko ay 'din a ako makatanggi sa gusto niya.  “No buts, young lady, you’re already twenty four and still single. Hindi naman kita pinipilit na magkaroon ng boyfriend o asawa pero at least ay bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Aba, hindi na kita nakikita na naglalaro ng mga psp o online games.” I rolled my eyes. “I’m not young anymore tsaka high school pa ako niyon no’ng naglaro ako ng games. Oh siya, para naman hindi mo na ako kukulitin mag-file na ako ng leave bukas.” Sukat ng sabihin ko iyon ay umaliwalas ang mukha niya at hindi na rin siya nagtagal sa office ko at umalis na. Nang makaalis na si Daddy ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Joermiana. “Hey bessy!” “O?” “Siguro naman hindi ka na busy…” Napapailing na lang ako sa kanya dahil alam ko kung saan hahantong ang usapan namin. Matagal na niyang inuungot na mag-dinner ako sa kanilang bahay. “Nope, hindi na ako busy.” “Hay salamat naman! Iimbitahin kita na mag-dinner dito sa bahay namin at huwag kang magpalusot dahil—“ “Pupunta ako pero siguraduhin mo lang na wala ang mga asungot.” “Asungot?” Nagtatakang tanong niya. “Alam mo na kung sino ang tinutukoy ko. Si Bandana-boy.” Kung maari lang ay gusto ko makaiwas kay Felix. “Ah… hindi nga rin ako sigurado na pupunta sila dito eh. Inimbitahan nga sila ni Byron pero ang sagot nila ay susubukan nila. Busy daw sa work eh.” “Good.” Hopefully, hindi siya makasama sa dinner. I’d been avoiding him since then and it would be all waste of effort kung nandoon si Felis sa bahay nina Joe at Byron. “May problema ba kung makakasama natin sila, Ice?” “Alam mo naman ang ginawa nila sa amin ni Max, hindi ba? Anong oras ba 'yong dinner?” “Seven-thirty nang gabi. Yahoo! Maghahanda na ako dito.” Pagkatapos ko in-off ang cellphone ay ibinalik ko iyon sa bulsa ko at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Hay, mas gusto ko talagang madaming ginagawa. Kainis naman si dad eh! Kung hindi lang niya ako pinilit na magbakasiyon simula bukas ay hindi ko talaga gagawin eh! Napatigil ako sa binabasa kong report ng may napansin akong isang pegura nang lalaki sa labas. Kinakausap niya ang secretary ko na si Aiza. Kumunot ang noo ko kasi familiar sa akin ang lalaki, at nang ma-realize ko kung sino iyan ay hindi ko namalayan na bigla ko palang nabitiwan ang mga reports na hawak ko. Si Felix! Madali ko lang siya makita dito dahil gawa sa glass iyong dingding. Anong ginagawa niya dito?! f**k! (sorry sa bad words, ganito ako ‘pag frustrated) Daling-dali pinulot ko ang nahulog na papeles at ipinilig ang ulo ko upang kalmahin ang sarili ko. Kahit na hindi ko alam kung anong dahilan sa pagpunta niya  dito ay kailangan kumalma ako! Act like nothing happened! Kitang-kita ko ang secretary ko na tumayo at kinikilig pa na sulyapan si Felix. Ang landi talaga ng secretary ko! Umayos ako sa pagkaupo nang pumasok si Aiza sa loob ng opisina ko. “Ma’am, may naghahanap po sa inyo.” “Sino?” I act as if na hindi ko alam kung sino ang naghahanap sa akin. “He said his name’s Felix Xavier Avison and he wants to meet with you. Should I let him in?” Hay, kailangan ko na ata palitan ang secretary ko. Napapansin ko kasi na sa tuwing may bisita akong gwapong lalaki ay malagkit na titingnan niya sila. Kahit ayaw ko sa kanya ay pasalamat na magaling siya sa kanyang trabaho. Hindi naman ako ganoon ka heartless kaya hinihintay ko na lang na magkamali siya sa kanyang trabaho para—bye bye Ms. Aiza na ako! Pinagkrus ko ang legs ko at tiningnan siya ng seryoso. “let him in.” Bumaling si Aiza kay Felix at sumenyas na pwede na siyang pumasok. Kahit ayaw kong sabihin ay naiinis akong makita ang sarili kong secretary na nilalandi ang bisita ko. Kahit na tingin lang iyon! Pumasok naman ang lalaking pinakakaayaw kong makita. Bago pumasok sa opisina ko si Felix ay  kinindatan pa niya si Aiza. Sinenyasan ko ang malanding secretary ko na lumabas, naalibadbaran talaga ako sa kalandian niya. At kung hindi lang niya ako boss ay baka inirapan na niya ako. Kuh, subukan lang niya dahil itaktak ko siya sa trabaho niya! “May kailangan ka ba sa akin, Mr. Avison?” Sinalubong ko ang kanyang mata na ngayon ay nakatitig sa akin. “I believe you already know what I came here for.” His voice sent a shiver all over my body. I can’t believe it na mayroon parin epekto sa akin ang boses at titig na iyon! Subalit pinatibay ko ang loob ko na hindi maapektuhan.                                                                                                                                          “I’m afraid not. Uh, bago mo simulan magsalita ay umupo ka muna.” Turo ko sa upuan na sa harap ng mesa ko, ayokong maging rude sa kanya kaya naman in-offer ko na maupo siya. “Ayoko sana ulitin ito pero anong kailangan mo sa akin?” “It’s about what happened last month. Nang gabing iyon. Kahit na lasing ako I know na ikaw ang babaeng iyon.” Seryosong sabi niya bago umupo sa upuan. Nahigit ang hininga ko sa narinig. Kung hindi lang mahigpit ang hawak ko sa arm rest ay baka nahulog na ako sa kinuupuan ko. So natatandaan niya! Eh bakit ngayon palang niya ako nilapitan at sabihin na naalala pala niya iyon?! But then again I remember na iniiwasan ko pala siya. Tsk. I cleared my throat before I speak. “Eh ano naman kung ako ang babaeng iyon? Huwag mong sabihin sa akin, Mr. Avison, na nakalipas na buwan ay hindi mo makalimutan iyon?” I bit my inner cheek. s**t! Bakit ko ba iyon sinabi? “If you’re thinking that I’m going to sue you for what happened that night. Wala ka dapat na ikabahala dahil wala sa plano ko na ipakulong ka. Lasing tayo niyon kaya may kasalanan din ako tsaka matagal na iyon ah.” I continued in a calm voice.   “Mr. Avison? Hindi ba bandana-boy ang parati mo itawag sa akin noon?” Siguro nagtataka kayo 'no kung bakit bandana boy ang tawag ko sa kanya. Kasi naman parati siya nakasuot ng bandana noong high school pa ako at hanggang ngayon. Sa ilang taon na nakalipas ay mas lalong tumikas ang pangangatawan niya at tumangkad at mas mukhang matured tingnan. He was a jerk before and even now. Hindi ko binigyan komento ang sinabi niya. Tahimik ko lang siya tiningnan. Narinig ko na bumuntong hininga siya at seryoso na tiningnan ako. I gulp. Pangalawang beses ko na makita siya na naging seryoso at iyong una ay matagal na nangyari. Kilala ko si Felix na walang seneseryosong bagay kahit na sa babae. “Pananagutan ko ang nangyari sa atin.”  Ano daw, pananagutan niya ako? No freaking way! Ang isang kagaya niya ay pananagutan ako, he must be joking right? Subalit kahit na biro lang siguro iyon ay matinding epekto iyon sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman kong nanginginig ang binti ko. Kung nakatayo lang ako ngayon ay baka ma-collapse na ako. s**t. All my strength left was all drain now. “W-what k-kind of a… a sick joke is this, Felix?” Nauutal na tanong ko sa kanya. Inayos ko ang salamin ko at naging malikot ang mata ko. Anak ng tokwa talaga! Ayoko ng ganitong joke dahil hindi naman nakakatuwa! “Hindi ako nagbibiro, Ice. Pananagutan ko 'yong nangyari sa atin. Kahit na wala akong seneseryosong babae ay hindi naman ako kagaya ng ibang lalaki na hindi pananagutan ang isang babae.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD