Chapter Ten ICE’s POV Nginangatngat ko ang gummy worm habang pinapanood ang dalawang tao na pinapasiyal nila ang kanilang mga alagang aso dito sa plaza. Mag-isa lang ako na pumunta dito, hindi naman pwede hingin ko parati ang oras ng mga kaibigan ko, may sarili silang buhay and I should do the same. Parati ako namamasiyal dito kapag gusto ko mag-isip. Iniisip ko kung tatanggapin ko kung tama ba na hayaan ko pumasok si Felix sa buhay ko. Pinalaki ako ng magulang ko na conservative at kung tama ang hinala ko, gusto ata niya tumira ako sa bahay niya para maalagaan kami ng anak—no scratch that, ng kanyang anak. Hindi ako kasali sa plano niya, he just want to save his own butt from this mess. Ay ewan, ang gulo. Tumigil ako sa pagnguya ng napansin ko iyong limang taon gulang na babae na tumak