Chapter Eleven Nakahanda na ang lahat doon sa mesa, ay nakakatakam na kainin ang mga pagkain na nasa mesa lalo na iyong beef stroganoff! kung hindi pa baba si Felix dito ay uunahan ko na siya. Mabuti na lang at napakadaldal ng matanda kaya nadistract siya sa mga pagkain. Sa dami niyang sinabi ay iyong huli lang ang kanyang naalala. “Mabuti na lang at ikaw ang piniling pakasalan ni Sir kesa doon kay Ma’am Daisy.” “Hindi po ba girlfriend niya iyon?” “Naku! Hindi 'no! sa pagkaalam ko matagal na silang hiwalay. Iyong babae lang naman ang habol ng habol kay sir, kahit na hiwalay na sila ay parati parin pumupunta dito.” Pero bakit parati niya kasama ang babaeng iyon? He seems doesn’t mind na bumubuntot ito eh. Gusto niya sabihin iyon pero dumating na kasi si Felix. “Mukhang magkasundo kayo n