Chapter Nine ICE’s POV Humalukipkip ako at tiningnan siya at pinagkrus ang braso ko sa dibdib. “Kailangan ko pa talaga sabihin sa'yo?” Ewan, imbes na palakasin ko ang boses ko ay humina iyon. Damn! “Inisip ko na baka hindi mo ito matatanggap. So, bakit ko pa pagkaabalahan na sabihin sa'yo? Isa kang playboy at hindi ka nakontento sa iisang babae lang at higit sa LAHAT, I don’t like you.” Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya hindi ko nakita ang ekspresyon niya. Marahas na bumuntong hininga siya. “Hindi porque playboy ako ay wala na akong karapatan na malaman iyon. Hindi ako ganoon ka walang puso na hindi tanggapin.” Sinulyapan ko siya at nakita ko dumilim iyong mukha niya. Napaatras ako but I won’t back down. “Ayaw mo ba niyon? Wala kang poproblemahin.” Mabuti na lang at hindi ako nagkada