Chapter 6+7

3687 Words
Chapter Six  “Aiza, pakidala na lang sa bahay ko ang lahat ng mga papeles na kailangan ng perma ko. Ibigay mo sa katulong ko. At kung hinahanap ako ni Mr. Avison ay sabihin mo na nag-out of town.” Pagkatapos naming mag-usap ng  secretary ko ay pinatay ko na 'yong phone at binalik sa bulsa. “Hindi ko alam na kasal ka na pala, Ice.” Anang ni Dr. Torres, bumaling ako sa kanya.   Naisipan ko kasi na mag-pacheck up na dahil tatlong buwan na akong buntis at gusto kong malaman kung anong condition ng baby ko, kasi naman tatlong buwan palang akong buntis ay malaki na 'yong tiyan ko kung ikompara sa ibang buntis kanina na nadaanan ko ay mas maliit pa ang kanilang tiyan. May kinalaman kaya 'yon sa kinakain ko nagdaang araw kaya malaki? Anyway, siya si Graciella Torres, kaibigan ng magulang ko ang magulang niya at maliban kina Max at Joe ay kaibigan ko din siya. Kaya nga naman kahit malayo ang ospital na ito ay dito talaga ako nagpacheck-up, mahirap na at baka may makakilala sa akin. Malungkot na tiningnan ko siya. “Uhm…Hindi ako kasal, Graciella.” Nahihiyang pagtatapat ko sa kanya. Nakunot ang noo niya. “Oh, hindi pa kayo kasal ng boyfr—“ Umiling ako. “Wala akong boyfriend. Ang totoo niyan ay aksidente lang na may nangyari sa amin ni…er…nang ama ng baby ko.” “Sorry.” Mukhang naguilty siya. “Alam ba ng magulang mo? Alam mo na madisappoint sila kapag nalaman nila ito.” Ha, alam ko na iyon 'no. “Iyon na nga eh. Natatakot ako sabihin sa kanila. At sana huwag mong sabihin kahit kanino man ang  tungkol dito.” Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil. “Don’t worry, your secret is safe with me.” “Thanks.” Dahil na rin siguro sa respeto niya sa akin ay hindi siya nagtanong tungkol doon. “Oh siya, huminga ka diyan.” Tumalima naman ako. Tinaas ko iyong laylayan ng damit ko at na-expose 'yong tiyan ko. May inalagay siyang jell sa tiyan ko. Ilang minuto na din ng magsimula ang proseso. Sinulyapan ko si Grace na nakatitig sa screen na nakakunot. “Oh my…” Kinabahan ako sa reaction niya, di ko kasi matukoy kung masama ba iyong reaction niya o hindi. Oh my Goodness! “A-ano? May problema po ba sa baby ko?” “Pasensiya na pero mukhang hindi ka magkakaroon ng baby lang.” Mahinang sabi niya sa akin na ikinagulat ko. “What? Wag mong sabihin na sira iyong pregnancy kit at hindi talaga ako buntis.” “Listen carefully, Baby is not the exact word kundi BABIES. Congratulation Ichinandra, you’re having babies. Triplet ang anak mo.” It takes time na mag-sink in iyong announce niya sa utak ko. Hindi baby kundi babies! Not just two but three! Oh my god! Magkakaroon ako nang triplets.  “Y-your kidding right?” Hay naku, para akong eng-eng pero mas mabuti na iyon baka kasi nabingi lang ako 'no. “Hindi ako nagbibiro, Ice. Magkakaroon ka ng triplets. Heto ang ebedinsya.” Pinakita niya sa akin iyong monitor, may tatlo nga akong nakita doon. I bit my lower lips. I’m going to have a babies! Lutang parin ang isipan ko nang makaalis na ako sa naturang gusali. Hindi parin ako makapaniwala na tatlo ang magiging anak ko, akala ko kanina ay may problema talaga ako dahil napakalaki ng tiyan ko. Iyon pala ay triplets. Unconciously, hinihimas ko ang tiyan ko. Bago pa ako umuwi sa bahay ay pumunta muna ako sa mall para bumili ng maternity clothes. Hindi naman pwede parati na lang ako magsusuot ng jeans at t-shirt na lang dahil sumisikip na ang pants ko. Ilang oras na din nakalipas n’ong nakabili ako nang damit ay naisipan ko na bumili siya ng ice cream at habang naglalakad ay nilantakan niya iyon. Sinamsam ko pa iyong sarap ng ice cream nang biglang tumunog iyong cellphone.  “Hello?” “Ice, saan ka ngayon?” Boses iyon ni Joe. “Nasa opisina. Bakit?” pagsisinungaling ko. “Am…wala lang.  Hindi ka na kasi nagparamdaman sa amin ni Max nitong nagdaang buwan. Iyon lang.” “Busy lang ako sa work.” “Oh okay. Ah…sige bye na, may lakad pa kami ng asawa ko.” I stare at my phone, confusely. Anong problema niya? Nagkibit balikat na lang ako. Ilang oras din ako namamasiyal at ng napagod na ako ay napadecision ko na umuwi na. Alas siyete na din gabi at mukhang umuwi na sa sariling bahay iyong maid ko. Hinihimas ko uli ang tiyan ko. “Ano kaya gender nila? Hmm…sana lalaki. Pero huwag niyong gayahin ang daddy niyo ha?” Mas maganda daw a kausapin paminsan-minsan ang anak ko kahit na nasa sinapupunan. Pagbukas ko nang pintuan ay bigla na lang umilaw ang buong paligid. “Sabihin mo nga sa amin, Ice, bakit mo inililihim na buntis ka?” Salubong ni Max sa akin, kasama niya si Joe. Namimilog ang mata ko. Patay! Bumuka ang bibig ko para magpaliwanag pero inunahan ako ni Joe. “Huwag mong itanggi, Ichinandra, dahil nakita ka ni Max na lumabas sa hospital, Narinig ka din namin kanina na kinakausap mo ang tiyan mo. Buntis ka ba?” Napadako ang mata ni joe sa tiyan ko. “I wasn’t going to deny it.” Suko ko sa kanila. Sa lahat ba naman ma mangyari ay ito pa talaga? s**t! Bakit ba ang tanga mo Ice! Agh!  Nilagpasan ko silang dalawa at dumeretsong umupo sa sofa. Bumuntong hininga ako. Umupo din naman sila pero malayo sa kinauupuan ko. Masama siguro ang kanilang loob dahil hindi ko sinabi sa kanila. Sino naman hindi, we’d been friend for years tas nagsisinungaling pa ako sa kanila. “Pano mo nagawa itong ilihim sa amin, Ice? Kaya ba hindi ka nagparamdaman sa amin dahil buntis ka.” Hindi siya makatingin sa akin. Sabi na nga ba eh… Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan ko na maiyak. “What do you want me to say, huh? Na ‘Hi MAX at JOE, gusto ko malaman ninyo ang buntis ako. Na isa akong disgrasiyada.” Mapaklang sabi ko. “Natatakot ako.” Parang may kung anong bumikig sa lalamunan ko. I was on the verge to cry but I suppress my feeling to do so. I need to stay strong. “N-natatakot ako, kung anong iisipin niyo sa akin. What if pandirihan niyo ako dahil buntis ako.” Garagal ang boses na sabi ko sa kanilang alawa. Nagkatinginan silang dalawa sa isa’t isa. “Hindi naman kami ganoon klaseng tao, Ice, best friend mo kaming dalawa since birth di ba? Kahit anong mangyari ay hindi magbabago ang tingin namin sa'yo, ang nakakasakit lang ay wala kang tiwala sa amin. You should have told us about your situation, if you did we would have help you in a time like this. Hindi ka naman namin itataboy dahil lang sa nangyari sa'yo. Tatapatin kita, Ice, nagulat talaga ako sa nalaman ko ngayon dahil buntis ka.” Wika ni Joe sa akin. “Nagtataka nga rin kami kung pano nangyari iyan sa'yo, to think na conservative kang tao.” Sabi naman ni Max. “I was drunk at that night pagkatapos ng kasal ni Joe. Remember? Iyong pilit ninyo akong pinainom ng alak…kaya hayun…heto na. Wala akong balak na ipa-abort ang nasa sinapupunan ko dahil hindi ko kaya, kaya inilihim ko na lang ito.” Narinig ko na napasinghap sila. “Huwag kayong mag-alala hindi ko naman kayo sinisisi eh. Meron din naman akong kasalanan, kung hindi ko kinunsinti iyong gusto ninyo ay hindi sana ito mangyari. But it’s in the past now. We cannot change the past kahit anong gawin natin.” Ilang minuto ang nakalipas ay nagsilat uli silang dalawa. “Sinong ama?” “Alam ba niya na buntis ka?” Panabay nilang dalawang tanong. Umiling ako. There’s no way in hell na sasabihin ko kay Felix na buntis ako. Isa pa, baka hindi niya tanggapin ang anak namin. “So, sino siya?” Tanong uli ni Max, na mukhang kakatay na ng baboy dahil hindi ko sinagot iyong tanong niya kanina. Nanatili parin akong tahimik. “Kilala ba namin?” Hindi parin ako sila sinagot kaya hayun in-assume na nilang dalawa na kilala nga nila. “Ichinandra naman eh, sarap mo talagang ibitin patiwarik sa building! Agh! Kung hindi ka magsasalita ay huhulaan ko na lang kung sino. Since, noong gabi naman matapos iyong kasal…”  Kumalma ka lang, Ichinandra, huwag mo ipahalata sa kanila… “Si Jojo ba?” Namilog ang mata ni Max. Binatukan naman siya ni Joe. “Tange! Babae si Jojo at pinsan niya iyon!” “Ah okay. Si…ah! Alam ko na! si FELIX 'no?!” Sabay pitik ni Max sa kanyang dalawang daliri. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang banggitin niya ang pangalan ni Felix. At dahil nakita nila ang reaksyon ko ay natumpakan niya ang sariling hula.  “Syet! I can’t believe it! Noong high school palang tayo ay ayaw na ayaw mo sa lalaking iyon tas…ngayon ay siya pa ang naging ama ng anak mo?! Ohmygod!” Napapailing si Joe habang inalabas ang cellphone niya. “Sinong tatawagan mo?” Napatayo ako sa kinauupuan. Parang may kung anong bumundol sa dibdib ko. “Ano pa? Tatawagan ko siya at para naman panagutan niya ang nangyari sa inyo! Aba, sinuswerte siya ang lalaking iyon ah. Anong akala niya gano’n na lang iyon? Nasa pilipinas siya kaya kailangan ka niyang panagutan! Kapag ayaw naman niya ay kukunin ko iyong baril ni Byron sa secret compartment ng kotse niya at itutok ko iyon sa ‘best buddy’ niya para hindi na iyon tatayo.” Nataranta na inagaw ko 'yong phone niya. “You can’t!” I said sternly. “Ang alin iyong mawala ang ‘best buddy’ niya?” Dinaan na lang sa biro ni Max 'yong tanong niya imbes na magseryoso upang mawala ang tension. Ngayon tuloy gusto ko magsisi kung bakit inilihim ko pa sa kanila ang sekreto ko. Kung tutuusin 'yong inaalala ko noon na itatakwil nila akong bilang kaibigan ay isa palang kabaliktaran. Ang swerte ko dahil may kaibigan ako na kagaya nila na napaka-understanding at parating dumamay sa kahit anong problema meron ako. Ngayon ang problema na lang niya ay ano ang sasabihin niya sa kanyang magulang… “No!” Namumula ang pisngi na sagot ko, dahil doon hindi ko maiwasan na maalala iyong nangyari sa amin. Oo, last month ko lang malinaw na naalala iyong nangyari but how I wish na hindi ko na naalala 'yong nangyari sa amin. “Ayoko!” “Ayaw mo mawala iyong buddy niya?” Nang-aasar na tanong ni Max sa akin. Hayan tuloy, hindi na ako makasagot ng tama, asar. “Ibig kong sabihin ay huwag na ninyong pagkaabalahan na tawagin siya. Pananagutan naman niya ako pero ako iyong tumanggi but at that time, I didn’t know na buntis pala ako.” “ANO?!” They said in churos. “BAKIT?!” Humalukipkip ako. “Dahil napipilitan lang siya at ayoko niyon. Ngayon alam na ninyo ang lahat pwede bang huwag niyo muna sabihin ito sa magulang ko? At ang sabi ng doctor ay bawal daw ma-stress ako dahil nakakasama sa bata. Nagugutom na ako kaya ipagluto niyo ako.” “Seryoso ka talaga sa sinabi mo na tinanggihan mo siya?” Tumango ako. “Geez, ikaw na ata ang pinakatangang babae na nakilala ko, Ice. 3-in 1 na nga iyon eh.” Napapailing na lang si Max sa akin. “Anong 3 in 1?” parang kape lang ang peg? “Mayaman, Gwapo at Mabait.” Napaingos ako sa huling sinabi niya. Hindi na lang ako nagkomento sa sinabi niya dahil baka hahaba pa ang usapan nila. “Mamaya na muna tayo magkwentuhan ba’t hindi mo ako samahan, Max, na magluto. Hayaan mo na natin na magpahinga si Ice.” Sabay ni joe. Chapter Seven  “Mas maganda ang pink na damit para sa baby.” Kinuha ni Max sa rack iyong damit na para sa baby. Nandito kami sa mall para bumili ng mga gamit sa babies, sa totoo lang  kung ako ang pipiliin ay hindi talaga ako pupunta dito dahil tinatamad akong bumili pero sila lang naman ni Joe ang mapilit kaya sumama ako. “Ew pink talaga? Hindi ka ba nagsasawa sa pink, Max? Mas gusto ko iyong green!” Tinaas pa ni Joe iyong damit na kulay green. “Ang panget kaya ng kulay green.” Hay, bakit ba sumama pa ako? wala pa talaga sa plano ko na bumili ng damit para sa babies ko dahil three months palang naman akong buntis. Leche. Pinapasakit nila ang ulo ko dahil lang hindi sila magkasundo sa kulay, kaya napagdesisyon ako na lumapit sa kanilang dalawa at pinatong ang kamay sa balikat nilang dalawa. Umaliwalas ang kanilang mukha na makita ako at tinapat sa akin iyong napiling damit. “Ice, sabihin mo nga sa amin kung anong mas magandang kulay?” They said in unison. “Both.” Sagot ko sa kanilang dalawa. “Hindi pwede iyan, isa lang ang pwede mong piliin kung anong mas babagay para sa baby mo.” Asar. Sarap pag-untugin ng mga ulo. Mas maganda pala na inilihim ko na lang na buntis ako, ayan tuloy, na-stress na ako sa kanila. Pero siyempre biro lang iyon, nakakagaan din naman sa loob ko na sabihin iyon sa kanilang dalawa. Tinatamad na inasiwas ko ang kamay ko. “Kung gusto niyo talaga iyan, kayong bahala na bilhin iyan. Pwede na sigurong suotin nila iyan kapag nanganak na ako.” Tinakpan ko ang bibig ko para humikab. “Nila?” nakakunot ang noo nila na tiningnan ako. “Hindi ko ba sinabi sa inyo kahapon na triplets iyong magiging anak ko?” Tinaasan ko sila ng kilay. Napanganga silang dalawa. Hinawakan ni Max iyong magkabilang balikat ko tas niyugyog ako. “Loka! Bakit hindi mo sinabi sa amin?! Syet!” “Maximilliana, matatamaan na talaga kita kapag hindi ka tumigil sa kayugyog sa akin. Nahihilo ako.” Angil ko sa kanya. “Ay sorry. Pero triplets talaga?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango na lang ako. “Sa tingin mo nagbibiro ako?” “Um…hindi.” “Good. Kung gusto ninyo iyang damit na iyan ay bilhin ninyo. Kayo ang pumilit na pumunta rito kaya kayo ang bumili diyan.” “Tsk. Kuripot! Pero kaming dalawa ang ninang ha?” Kahit na hindi pa niya itanong iyon sa akin ay gagawin ko naman talaga siyang ninang para anak ko. Pagkatapos namin bumili gamit para sa babies ko ay pumunta kami sa isang Japanese restaurant para kumain at pagkatapos niyon ay pumunta na kami sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ko. “Ako na ang mag-drive.” Presenta ni Joe. “Magpahinga ka na lang sa backseat.” “Ayoko.” Masamang tiningnan ko silang dalawa. This is what I hate the most, they treating me like as if I’m a kid. I really appreciate na nag-alala sila sa akin pero sobra na kasi eh.  “Ako na ang mag-drive dahil baka kung saan lupalop niyo na naman ako dalhin.” Binuksan ko na iyong kotse ko at pumasok na. Sumakay na din silang dalawa. Pinaandar ko na iyong kotse. Hindi pa nga kami nakalayo sa mall ay nakita ko sa pavements si Felix na may kasama na naman babae. Mahigpit na hinawakan ko 'yong manibela habang nakatitig sa direksyon niya. Hindi talaga siya nauubusan ng bimbo talaga 'no? humanda ka sa akin. Napaka-unfair talaga dahil nagpakasaya lang siya kapiling iyong mga babaeng walang utak tas habang ako dito kailangan pa na makaranas masama ang pakiramdam tuwing umaga at hindi maka-concentrate sa trabaho. Binagalan ko ang pagmaneho habang palapit na ang kotse ko sa kanilang dalawa. Kaya bumusina ako ng ikatlong beses na ikinagulat nang babae. “Syet. Ginulat mo ako do’n ah! Hindi naman tayo nagmamadali ba’t pinindot mo iyong horn?” Sabi ni Joe sa likod. Hindi ko siya sinagot. Inalis ko ang tingin sa dalawa na nasa labas, paandarin ko na sana 'yong kotse ko ng bigla nalang may kumatok sa pinto ng kotse ko kaya nilingon ko. Iyong babae pala na kasama ni Felix iyon. Umuusok na ata ang ilong dahil sa galit. Kampante na binuksan ko ang bintana. “Yes?” “Don’t yes me, b***h! Alam mo ba kung anong—“ Tumigil ako pag-drive ng mabagal tas sinara ko ang bintana at maya’t  maya ay binuksan ko uli. Wala nang modo kung gano’n pero wala akong pakialam lalo na ganito kainit ang ulo ko sa bimbo babaeng kagaya niya. Now that I look at her, siya iyong kasama ni Felix noon. Ano nga uli ang pangalan niya? Daid…er..Daliah? ahm…ah! Daisy! Iyon pala iyong pangalan niya. “Pasensiya na hindi ko kasi narinig iyong sinabi mo pwede pakiulit?” Nang aasar na sabi ko sa kanya. FELIX’s POV “Mabuti naman at pumayag ka na makipag-date sa akin. Siguradong matutuwa si daddy nito.” Masayang sabi ni Daisy sa akin. Tsk. Bakit naman matutuwa ang daddy niya dahil lang niyaya ko siya ng isang date? Tsk! Pinagbibigyan ko lang siya dahil naawa lang ako sa kanya dahil ilang ulit na siyang nangungulit na makipag date ako sa kanya. Tsaka kailangan ko din na maganda ang trato ko sa kanya para naman mapapayag ko si Mr. Atillo sa business proposal ko sa kanya.  “Gusto mo bang kumain muna tayo bago manood ng movie?” “Sige. Kanina pa ako nagugutom. 'di ba mahilig ka sa spaghetti—“ “Hindi ako kumakain ng spaghetti, hun.” She wrap her arms around my waist. Sinadya niya na idikit iyong dibdib niya sa akin. Syet. “Nakalimutan mo na ba na I’m on diet? Ayokong tumaba.” Women. Napapailing na lang ako. “Pero…kung gusto mo p—AGH!” BEEP! BEEP! BEEP! Humiwalay sa akin si daisy tas walang tigil sa pagmumura, parang dudugo na ang tenga ko sa pagmumura niya. “Peste talaga ang driver na ito! Humanda siya sa akin.” Hinawakan ko ang braso niya. “Nagmamadali lang siguro iyan.” “Anong nagmamadali? Tingnan mo nga iyan! Ang bagal niyang magpatakbo! Ah hindi! Pupuntahan ko iyan.” Nagmartsa na lumapit siya sa kotse at kinatok iyon.  Sinundan ko naman siya dahil baka lumikha na naman siya ng malaking eskandalo dito. Kahit na mahina ang pagpatakbo niyon ay hindi parin tumigil sa pagpatakbo iyong driver. Binuksan pa ng driver iyong bintana pero hindi ko nakita ang mukha dahil natatakpan ng likod ni Daisy. “Yes?” Natigilan ako. Familiar sa akin ang boses na iyon. “Don’t yes me, b***h! Alam mo ba kung anong—“ Hindi natuloy ang sasabihin ni Daisy dahil pinagsarhan siya ng driver. Sa wakas ay tumigil sa pagpatakbo ng kotse at bumukas uli ang bintana. Nakakapagod din kaya maglakad na susundan mo lang iyong kotse. “Pasensiya na hindi ko kasi narinig iyong sinabi mo pwede pakiulit?” “Inaasar mo ba talaga ako? ah, now that I look at you, ikaw iyong kasama ni Felix noon. Anong problema mo ha?” Kasama ko? Lumapit ako sa kanila tas ng makita ko ang nasa loob ng kotse ay si Ice pala iyon. Base na din sa expression niya ay sigurado ako na naasar na siya kay Daisy. Naningkit ang asul na mata niya. Cute. Lumabas siya sa kanyang kotse at lumabas din doon ang dalawang kaibigan niya.  Ako lang ba ang nakapansin o parang nadagdagan ata ang timbang niya? Well, hindi naman siya mataba pero mas payat kasi siya noon eh. Ewan, ang suot din niya ay oversize shirt at jeans. “Wala akong problema sa'yo pero sa lalaking kasama mo meron.” Bumaling siya sa akin. Sinulyapan ko ang dalawang kaibigan niya na masama din na makatingin sa akin. What the ef? Wala naman akong ginawang masama…except. Ah hindi, hindi naman siguro niya sinabi sa kanilang dalawa, di ba? Iniwan ni Ice si Daisy tas lumapit sa akin. Akala ko kung sisinghalan niya ako pero laking gulat ko na lang na tinapik niya ang kanyang kamay sa balikat ko at ilang sandali ay hinila ang kwelyo ko palapit sa mukha niya. Pagkatapos ay ngitian niya ako ng kay tamis. I was stun of what she did. Somehow, I find her seductive. “Ang ayoko sa lahat ay iyong malanding lalaki na kagaya mo na walang ginawa kundi mag-aliw sa kahit na sinong babae. Napaka-unfair naman na ikaw lang ang pwedeng magsaya dito, kaya naman sisirain ko ang masasayang araw mo.” Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko a bumulong sa akin. “Daddy~” Makahulugan na sabi niya. Biglang nanayo iyong balahibo sa batok ko, sa isang salita lang ay hindi na ako mapakali. Anong ibig niyang sabihin? Bago ko pa itanong sa kanya kung ano iyon ay itinulak niya akong mahina tas naglakad pabalik sa kotse. Hahabulin ko na sana si Ice ngunit bigla naman nanguyapit sa braso ko si Daisy. Asar, talaga. “Let the b***h go, Felix, may sayad ata sa utak 'yata iyan. Tara na nga!” Wala rin naman akong magawa kundi pakisamahan ang babaeng 'to. Isa pa, nakaalis na din naman is Ice.  Sinulyapan ko uli iyong papalayong kotse tsaka nagkibit balikat. Kahit na nakaalis na ang sasakyan na lulan si Ice ay hindi parin maialis sa utak ko ang sinabi niya. Daddy daw. Hindi naman ganoon umakto si Ice kapag nakikita niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD