Hindi ako pumayag na tumira kasama ni Reed. Not that I don't want the idea, but I'm still considering his offer. Reed is a good man, a trusted friend. Kahit hindi niya ako lubusang kilala ay mainit ang pagtanggap niya sa akin dito sa Tierra. Sa halos mag-iisang buwan kong nakatira rito ay siya ang halos na kasama ko sa araw-araw.
Ngunit ngayong araw ay kinakailangan kong bumalik sa Maynila, mayroon akong kailangan na puntahan. It was the wedding of Pierre. Isa sa mga kaibigan namin ni Hendrix, kahit nandito ako sa Tierra ay pinadalhan niya ako ng imbitasyon may kasama pang pangungulit na videocall iyon. Ayaw ko sanag dumalo dahil isa sa mga abay nila si Hendrix. I don't want to see him. Pero nakiusap sa akin si Cara, iyong mapapangasawa ni Pierre.
Bumuntong-hininga ako bago bumusina sa malaking kulay gintong gate nila Reed. Agad kong nakita si Pietro na naroon. Kumaway siya kaagad saka bumukas ang gate.
"Magandang Umaga, Binibini." Masiglang bati niya.
"Si Reed?" Tanong ko.
"Nasa taniman siya ngayon ng sibuyas, Madame. Pero pupuwede ko naman siyang tawagan at sabihin na nandito ka,"
Tumango ako sa kanya.
"Tumuloy na muna kayo, Madame. Naroon naman ang Manang pihadong sasalubungin niya kayo,"
Bumusina ako saka binaybay ang kahabaan na daan patungo sa mismong bahay nila Reed. Tama nga si Pietro dahil nasa labas na ng bahay si Manang. Itinigil ko ang kotse sa gilid saka bumaba. Agad naman akong sinalubong ni Manang.
"Ganda, hanap mo ba si Reed?" bati niya sa akin.
"Opo, sabi ni Pietro nasa taniman raw po siya."
"I'm here." Isang boses ang nagmula sa aming likuran. Sabay kaming lumingon ni Manang.
Katulad ng dati, nakasuot si Reed ng rugged jeans at kulay itim na sando. Nakapusod ang kanyang buhok at medyo pawisan rin siya marahil ay dahil sa init. Siniko siya ni Manang na para bang nang-aasar.
"Maiwan ko muna kayo, ha? Magluluto lamang ako ng pananghalian. Puwedeng dito ka na kumain, Ganda," aya niya sa akin. I smiled.
"Sige po, Manang."
Nang makaalis si Manang ay lumapit sa akin si Reed.
"What brought you here, mi bella?"
Ngumuso ako saka inilagay ang mga kamay sa likod ko. Paano ko ba sasabihin na gusto kong samahan niya ako sa Maynila? Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng pawis niya. He looks smoking hot. I wonder if he's working out? His toned muscles and those six packed abs was to die for. Kaya siguro patay na patay sa kanya si Winona. Guwapo naman kasi talaga si Reed and he's also a gentleman. Bonus pa iyong maganda niyang katawan.
"Jean?" Tawag niya sa akin. Nahimasmasan ako. Natulala pala ako.
"Ano kase..." I paused a bit. I bit my lower lip, "Puwede mo ba akong samahan sa Maynila?"
Reed smirk.
"And why would I?" Halatang nang-aasar niyang sabi.
Ngumuso ako saka siya inirapan. "It's okay if you don't want kaya ko naman mag-drive,"
Tumawa siya ng malakas na para bang isang joke ang sinabi ko.
"I was just kidding. Of course I will. Bakit naman kita papabayaan na lumuwas mag-isa?"
I smiled pero tumalikod ako para hindi niya iyon makita. Nagkunwari akong nagtatampo. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Reed patalikod.
"Anong oras po ba tayo aalis kamahalan?"
My heart skipped a beat. Hindi ako makagalaw. Ni hindi ako makapagsalita sa ginawa niya. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Palakas ng palakas ang t***k ng puso ko.
Agad akong kumalas sa yakap niya. Mukhang nagulat naman siya. Kinamot ni Reed ang batok niya.
"I'm sorry."
"O-Okay lang. Nagulat lang ako." I said..
Naglakad ako patungo sa kanilang pool. Sumunod naman siya.
"Aalis tayo mamaya medyo matagal kasi ang byahe kung bukas pa tayo aalis. Tapos doon na lang muna tayo mag-stay sa bahay ko," sabi ko. Inulublob ko ang paa ko sa pool. Sumunod naman si Reed at ginaya ang ginawa ko.
Nabasa ang kanyang suot na pantalon.
"What are we gonna do in Manila?" usisa niya.
"Aattend tayo ng wedding. Hendrix is there also,"
"Oh that bastard." he gritted his teeth.
Hinubad ni Reed ang kanyang sando saka lumusong sa pool. Napasigaw ako ng hilahin niya ang paa ko. Nahulog ako sa pool pero hinawakan niya ang likod ko upang hindi ako makainom ng tubig.
"Wala akong dalang damit!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya ng tumawa.
"We will just buy later. Let's swim!" aniya saka lumubog upang lumangoy.
Hindi kalamigan ang tubig sa pool, sakto lang sa init sa panahon. Nagpaunahan kami ni Reed sa paglangoy. Sinasabuyan niya ako ng tubig. Dahil matangkad si Reed ay hanggang baywang niya lang dibdib niya lang ang tubig samantalang ako ay pilit pinapalutang ang sarili ko. Hindi ko na kasi matapakan ang ilalim. Hinila ako ni Reed pailalim. He was eyeing on me. Hinapit niya ang leeg ko saka ako hinalikan sa noo habang nasa ilalim ng tubig saka kami sabay na umahon.
"Your spark will return, and you will shine like you were meant to. So please, continue smiling like that. You deserve the world, you deserve to be happy, mi bella."