Chapter Eight

1011 Words
"Why dont you move in with me?" "What?!" "I mean, masyadong malaki ang bahay ko para tumira akong mag-isa. At saka para naman hindi ka na nagbabayad ng hotel. Yes, right. Para naman hindi ka na magsayang pa ng pera. Malaki naman ang bahay ko," diretsong sabi ni Reed habang sumusubo ng pagkain niya. "Puwede ko bang pag-isipan?" I bit my lower lip. "It's okay if you don't want... Nag-suggest lang naman ako." Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Pagkatapos ay tinawag niya si Winona. Katulad kanina ay halata ang kilig sa mukha nito. At sa tuwing tinitingnan niya ako ay nagro-roll eye siya kaagad. Si Reed ang nagbayad ng kinain namin. Habang palabas kami sa kainan ay kasunod namin si Winona. "Reed, kailan ka ulit babalik?" Nakangiting sabi ni Winona. "Kapag marami na ang extra rice," biro naman nito. Mahinang hinampas ni Winona ang braso ni Reed saka tumawa. "Sa susunod libre na lang ang extra rice mo." Ginulo ni Reed ang bangs ni Winona saka pinitik ang noo nito. "Thank you, Nini." sabi niya pagkuwan. Mukhang nasa alapaap na ang kaluluwa ni Winona sa sobrang kakiligan dahil natulala na ito. Marahil sa ginawang gesture ni Reed. Kumaway si Reed sa kanya pero parang wala siya sa sariling kumaway rin. Sumakay kaming muli sa motor ni Reed. Kahit mainit ay hindi mo gaanong maramdaman dahil sa maaliwalas na hangin. Tumigil kami sa tabing dagat. May ilang mga mangingisda ang naroon. Halos lahat ay binati siya. Mukhang sikat talaga siya sa mga tao rito. O baka ganito lang talaga sa probinsya. Hindi naman kasi kalakihan ang Tierra del Sol, kaya siguro hindu malayong magkakakilala ang mga tao. "You're quite famous here." Sabi ko habang nakatingin sa mga taong bumabati sa amin. "My father used to be a fisherman." Tiningnan ko siya. He was eyeing the sea. "Until he met my mother. Si Mama may kaya sila. Halos walang may lakas ng loob na manligaw kay Mama dahil anak siya ng. . ." tiningnan niya ako, "Anak si Mama ng mga Cervantes." "And who are they?" I asked him in curiosity. Patuloy kaming naglalakad habang pinapanood ko ang ilang mga mangingisdang dumarating. Habang ang ilan naman ay nagbababa na ng kanilang mga huling isda. "They owned the Zabarte and also they are one of the richest clans here in Tierra." No wonder he looks so expensive. Kahit kasi ang suot niya lang ay rugged jeans at saka sando na parang minana niya pa sa Lolo niya ay hindi maipapagkailang malakas ang kanyang s*x appeal. He looks like a younger version of Johhny Depp. Those seductive eyes, his pointed nose and kissable lips. Pupuwede siyang pumasok sa agency namin at kumita ng malaki dahil may ibubuga siya. But I think he doesn't need that because he is rich already. "And then what happened to them?" Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila. Tumakbo kami patungo sa rock formation. Na-amaze ako sa ganda noon. Katamataman lang ang taas nito, mukha itong arko. Nadadaluyan naman ng tubig ang ilalim nito na nagmumukhang maliit na jacuzzi. "Isa ito sa mga dinadayo dito. Itong limestone feature na 'to," "Ang ganda!" parang bata kong sabi. "My mother and father died when I was young," biglang sabi ni Reed. Nawala ang ngiti ko. "W-what?" "They died in a car accident, sa pagtakas nila sa Lola ko. Nabangga ang sinasakyan namin na sasakyan." his voice was very lonely. "I was just nine that time when I lost both of my parents," Umupo kami sa isa sa mga rock formation na naroon. Malakas ang alon ngayon kaya naman medyo mataas ang tubig. "My Lola took care of me, pinag-aral at binihisan niya ako. Isinama niya pa ako sa Spain. I've been there for how many years. Pero hinahanap talaga ang pagkatao ko ang Tierra. I was once like you, I wanted to end my life because of my sufferings. Having no one to confide on when I was young. Wala akong kaibigan. Alam mo bang tulad mo, naisipan ko rin na magpakalunod? Dito mismo," he laughed."I was ten eleven or ten hindi ko matandaan pero may isang batang babae na sumigaw at nakakita sa akin habang nalulunod ako. She was crying so much habang pilit akong hinihila patungo sa pampang." Nanatili lamang akong nakikinig sa kanya. "Sinabi niya na magagalit daw si Lord kapag nagpakalunod ako. I was appaled that time. Because why would a stranger was so concerned about me? But her words hit me, sinabi niyang maraming tao ang humihingi ng isa pang araw para mabuhay samantalang ako sinasayang ko lang. " "You even said that to me, and those words hit me too. Whoever she is she saved both of us." "And that person was you, Jean." Napamaang ako sa sinabi niya. "What? M-me?" naguguluhan kong tanong. He nodded. Kinuha niya ang wallet niya sa kanyang bulsa. May inilabas siyang retrato saka ipinakita sa akin. Kuha iyon dito mismo sa rock formation, mali dito mismo ang inuupuan naming bato ang pwesto noon. Dalawang bata, isang babae at lalaki. Nanlaki ang mata ko. Hindi akala makapaniwalang tiningnan ang babae sa retrato. It was me! Nakasuot pa ako ng yellow dress na hanggang tuhod saka malawak ang ngiti sa camera. May braces pa ako rito. Habang si Reed ay naka-akbay sa akin habang naka-peace sign sa kabilang kamay. Ngunit bakit hindi ko matandaan ang pangyayaring ito? "P-Paano mo nalaman na ako 'to?" "You posted your throwback pictures in i********: last week," "Stalker! Hindi naman kita follower `di ba?" hinampas ko siya. Reed laughed. "I'm sorry, na-curious lang ako sa social media accounts mo. You have tons of followers and then I realized that you are a model," Ngumuso ako. Ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko na nagkita na kami noon. "You saved me back then, now it's my turn to save you... I'm always willing to be your shield Jean," nagtama ang aming mga mata. Pinitik niya ang noo ko. Kaya naman napa-aray ako. "So would you move in with me? Is it a yes or a yes?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD