I woke up in the middle of the night. Nauuhaw ako kaya naman nagtungo ako sa minid fridge para kumuha ng malamig na tubig. Ilang araw na ba ako rito sa Tierra? Mag-iisang buwan na akong tumitigil dito. Simula nang napunta ako rito hindi ko gaanong hinahawakan ang cellphone ko. Mas madalas ay kasama ko so Reed, iyong vibes ng Tierra ay peaceful, tipong ma-re-relax ka talaga. Nahagip ng paningin ko ang camera ko. Iyon ang ginagamit namin ni Hendrix sa tuwing aalis kami para magbakasyon. Kinuha ko iyon saka binuksan. Bumungad sa'kin ang retrato naming magkayakap habang nakatingin sa dagat at sunset. Naalala ko pa iyon. Ang saya namin noong araw na iyon, it was so happy that I felt It wasn't real. Walang problema, walang iba. Tanging kami lang. Sumunod ay ilang mga stolen shots ko. Hendrix loved to take pictures of me. Siya ang imahe sa likod ng magagandang pictures ko sa aking social media. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak. Sa tuwing naalala ko lahat ng masasayang alaala namin hindi ko mapigilan ang hindi manghinayang.
I cried so hard.
Ang sakit-sakit ng puso ko. Pakiramdam ko ay niloloko ko lamang ang sarili kong ayos na ako. Napapagod na akong umiyak sa gabi at magpanggap na okay lang ako sa umaga. My heart was ripping into pieces. Sa bawat gabing mag-isa akong natutulog sa aking malaking kama ay siyang patunay na wala na talaga kami.
Lumabas ako upang magpahangin. Madilim na ang hallway. Nagtungo ako sa tabing dagat. Dahil madaling araw ay nanunuot sa balat ko ang lamig ng simoy ng hangin. Payapa ang dagat. Nakakita ako ng maliit na kahoy kinuha ko iyon saka nagsulat sa buhangin.
Mahal na mahal kita, Hendrix.
Pagkasulat ay agad iyong nawala dahil sa tubig. Muli akong nagsulat.
Come back home, please.
Muli akong humagulhol. I can't help it. Hindi ko kayang hindi maiyak sa tuwing naalala ko siya.
"Malamig na." Isang boses ang nagmula sa likod ko. Hanggang naramdaman ko na lang na may jacket na sa balikat ko.
Umupo si Reed sa tabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko saka ako mahinang hinila at inihilig sa kanyang dibdib. Naamoy kong amoy alak siya.
"I once loved someone so much that when she decided to leave me I thought It was over. That my life was over. But here I am, still alive, surviving,"
"And what did you do to move on?"
"I f**k other women just to forget. Naglalasing ako, tapos gabi-gabi akong nagmamakaawa sa harapan ng bahay nila. Kahit hindi niya ako nilalabas nandon lang ako sa tabi. Sumisigaw ako. Nagmumukha akong tanga kakahabol sa kanya kahit wala siyang pakialam sa akin. And then one day I woke up feeling fed up. Nagising ako sa katotohanan na kahit anong gawin ko hindi na siya babalik. That I wasn't in her heart the day she left me, na kahit pa lumuhod ako at magmakaawa ng ilang libong beses hindi ko na mababago ang desisyon niya. From that day, I focus on myself. 'Yong mga basag na parte ng puso ko inayos ko. Pati buhay ko. I decided to leave Spain and come back here for good. I tried to manage Empire. Nagdesisyon akong ayusin ang buhay ko. Nahirapan ako dahil bawat araw naalala ko ang masasayang pinagsamahan namin pero Jean, ako lang ang nakatulong sa sarili kong tumayo muli. Kahit mahirap at masakit tinanggap kong hindi na ako,"
Sumiksik ako sa dibdib niya dahil sa lamig na nararamdaman.
"Kung nakaya ko, mas makakaya mo 'yon. Maniwala ka sa' kin. Hindi man sa ngayon pero makakaya mong makaalis sa sitwasyon na 'yan. At darating ang panahon na malalaman ng asawa mo ang sinayang niya habang ikaw nakausad na. Maniwala ka sa akin sa una lang masaya ang bawat pagkakamali. Kaya mas pinipili ng ibang tao ang pangalawa dahil kapag bago nararamdaman nila ang saya, may spark, pero malalaman mong tunay na masaya kapag sa gitna ng libo-libong problema at sa mga araw na pakiramdam ninyo hindi niyo na mahal ang isa't isa pero at the end of the day you still manage to say that person how much you loved him."
"You talked to much now, Reed. Parang hindi ikaw iyong supladong lalaking nakasakay sa kabayo noong una kitang makita," biro ko.
"Mi bella,"
"Hmmm?"
Hindi siya nagsalita kaya naman niyugyog ko siya. Sa halip ay hinawakan niya ang ulo ko saka ako hinila pahiga sa buhangin.
"Whoa!"
Reed laughed so hard. "Sana pala hindi ko na pinrotektahan ang ulo mo so you could have an amnesia and forget all the things that are hurting you," biro niya. Hinampas ko naman siya sa dibdib.
"Mi bella." Muling tawag niya sa akin.
"Ano nga?" kunwari ay iritable kong sagot.
Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib niya.
"I loved how you smile, can you do it often?"
Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa kalangitan. Kaya naman tumingin rin ako doon. Napakaraming bituin sa langit.
"Then make me smile always!" biro ko naman sa kanya.
"Roger that! But for now, you need to go back in your room," tumayo si Reed saka ako inalalayan.
Habang naglalakad ay hinawakan ni Reed ang kamay ko. Hinampas ko naman siya. He laughed.
"Ang lambot ng kamay mo siguro wala kang ginagawa sa bahay ninyo," inisnaban ko siya. But that was true we have our helper to do chores.
Nagkarasan at tulakan kami na parang bata hanggang makarating sa kwarto ko.
"Do you want to have coffee?" alok ko kay Reed.
"Magpahinga ka na, magkita tayo mamaya."
I nodded. Binuksan ko ang pintuan ko saka siya muling hinarap. Reed kissed my forehead. I was shocked. Mabilis siyang tumakbo palayo pagkatapos. Limang minuto rin siguro akong nakatayo doon.
OMG!
Alas onse na ako nagising kinaumagahan. Agad akong dumiretso para mag-shower. Matapos ang labinlimang minuto ay lumabas na ako saka nag-ayos. Pinili kong isuot ang aking high waist short saka crop top. Nagsuot na lang ako ng flat sandals. Nag-blower ako ng buhok ko saka kinulot ang dulo noon. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Reed na nakaupo sa bench sa hindi kalayuan. Agad siyang tumayo nang makita ako.
"Hey!"
"How's your sleep?" He asked.
"Okay naman. Tinanghali na ako ng gising. Ikaw ba? Kanina ka pa ba?"
He shooked his head. "Just five minutes."
Tumango ako saka kami naglakad.
"Gusto mo bang sa labas ng hotel kumain?" he offered.
"May tapsihan ba sa labas?" I asked him. Kumunot ang noo niya.
"May alam ako sa Centro, sikat 'yon dito. Sigurado ka bang iyon ang gusto mong kainin?"
Hindi na ako nagsalita sa halip ay hinila ko ang kamay ni Reed. Nagtungo kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang MT-09. Sumakay kami roon. First time kong sasakay sa motor, sa tuwing gumagala kasi kami ay dala niya ang kanyang Wrangler. Hinawakan ni Reed ang kamay ko saka ipinulupot sa kanyang baywang.
"Ready?"
"Yes."
Pinaandar niya ang sasakyan. Habang nagda-drive ay nilibot ko ang tingin ko sa nadadanan namin. Malalayo ang agwat ng bahay rito. Halos palayan at tubuhan ang makikita mo. Kaya naman napaka-presko ng simoy ng hangin. May malaking lupain doon na sabi niya ay sa mga Fuentabella raw. May ilang mga malalaking building rin naman saka ilang resorts. Marami kasing magagandang beach rito.
Tumigil kami sa tindahan. Mukhang ito na iyong Tapsihan na sinasabi niya. May ilang mga maliliit na kubo at ilang mga kumakain. Nang makababa ay sinundan ko si Reed. Sinalubong agad kami ng isang babaeng sa tantiya ko ay kaedad ko. Hinawi niya ang buhok niya patungo sa kanyang tainga ng makita si Reed.
"Hi Reed!" masiglang bati niya.
"Winona, may bakante ba?" tanong ni Reed saka tumingin sa ilang mga kubo na okupado.
Ngiting-ngiti iyong tinawag niyang Winona na para bang si Reed lang ang nakikita.
"Oo meron! Lagi akong nagtitira ng isang kubo para kapag kakain ka rito ay may mapupuwestuhan ka,"
"Ayos. Saan ba kami puwedeng umupo?" nawala ang ngiti noong Winona. Mukhang noon lang nag-sink in sa isip niya na may kasama si Reed. Ngumiti ako nang tumingin siya sa akin. Ngumiwi naman siya.
"Halikayo sasamahan ko kayo," nawala ang sigla sa boses niya.
Naglakad kami patungo sa kubong sinasabi ni Winona. Kumuha siya ng menu saka inabot sa amin.
"Anong sa 'yo Reed? Lomi ba?" anito.
"Oo na maraming sibuyas." Sabi ni Reed saka ibinaba ang menu. "Ikaw anong sa' yo, mi bella?"
"Isang tapsilog puwede paki-well done ng itlog?"
Inismiran ko ni Winona habang nagsusulat sa maliit niyang papel.
"May gusto ka pa ba, Reed?" muling tanong niya.
"Isang pitcher ng iced tea. You want extra rice?" muling baling naman niya sa akin. I shooked my head.
"That's all, Winona. Pakisamahan na rin ng kaunting bilis ha?" pagkasabi'y kinindatan niya ang dalaga. Mukhang sinisilihang bulati tuloy si Winona.
Tumalikod ito saka bumalik sa pwesto niya. Ibinigay niya ang maliit na papel doon sa maliit na bintana. Siguro naroon ang kanilang kitchen. Kaya pala ito ang pinili niya kasi malapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang lagkit ng titig niya kay Reed.
Maraming kumakain rito siguro ay dahil narin oras ng tanghalian. May ilang mga tao na tumitingin sa amin hanggang may naglakas ng loob na lumapit sa aming kubo. Dalawang lalaki iyon.
"`Di ba ikaw si Jean? 'Yong model sa Maynila?" tanong nito na parang hindi sigurado. Nagkatinginan kami ni Reed. Maging siya ay parang naguguluhan.
"Yes, I am."
"Sabi sa' yo siya nga `yon, eh." Sabi niya sa kasama niya. "Puwede bang magpa-picture kami?"
"O-Okay." I said. Agad naman inilabas noong lalaking nagsalita ang kanyang cellphone saka umakbay sa akin pero agad iyong tinanggal ni Reed kaya naman masamang tiningnan siya ng lalaki.
"KJ mo naman, Reed. Boyfriend ka ba, ha? Magpapa-picture lang naman ako."
"You can just take a f*****g picture without touching her!" mataas na boses niyang sabi. Mukhang natauhan iyong lalaki kaya naman umagwat na siya.
"Next time na nga lang." Sabi nito saka umalis na. I faced Reed.
"What was that?" naguguluhan kong tanong.
Sakto naman na dumating si Winona at dala ang pagkain namin. Habang binababa ay ngiting-ngiti na naman siya kay Reed.
"Kapag may gusto ka pa tawagin mo lang ako, ha?" malanding sabi nito saka hinaplos ang braso ni Reed. Hindi naman nagsalita ang huli.
"Nandyan na ang pagkain. Kumain na muna tayo," baling naman niya sakin.
Marami ang portion ng tapsi, mukhang sa mantika noon iniluto ang fried rice. To be honest masarap siya. Palagi akong nagpapabili nito sa Manager ko dati pero hindi niya ako pinapayagan kasi wala naman silang alam na bilihan sa Maynila. Medyo maselan rin kasi ang tiyan ko kaya palagi akong may dalang sariling tumbler na naglalamannng tubig.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagsalita si Reed.
"Why don't you move in with me?"
Nalaglag ang kutsarang hawak ko at nanlaki ang mata ko.
WHAT?