Chapter 6

1272 Words
Isang linggo ang mabilis na lumipas. Sa loob ng isang linggo na iyon ay si Reed ang kasama ko. Pinuntahan ako ni Aya, nag-stay siya ng dalawang araw ngunit kinailangan niya rin na umalis dahil sa business niyang naiwan sa Maynila. Reed really took care of me. Iginala niya ako sa magagandang mga lugar sa Tierra. Napakaramong magagamdang beach rito. Bukod pa ang Lumaniag Falls. I saw that before sa internet. Maraming mga turista ang napunta roon dahil sa linaw ng tubig. Iginala niya rin ako sa mansion nila. We even went fishing, snorkeling, strawberry picking and apple picking. Iyong kulay ko ay naging tan na dahil sa halos araw araw naming paliligo kundi man sa dagat ay sa Lumaniag. I also gained some friends. Sa sandaling panahon nakaramdam ako ng saglit na ligaya. Hindi ko nararamdaman ang lungkot tuwing gabi dahil sa sobrang pagod sa maghapon na pag-gala. Pag gising ko ay hindi na ako nakakaramdam ng paghahanap dahil umaga pa lamang ay hinihintay na ako ni Reed sa restaurant upang sabay kaming kumain. Pagkatapos ay maglilibot na ulit kami sa Tierra. Ngunit iba ang araw na ito. Hindi si Reed ang naabutan kong naghihintay sa akin sa labas kundi si Hendrix. He was standing infront of me. Hindi lamang siya kasama niya si Faye. "Can we talk?" He said. Tumango naman ako saka naglakad patungo sa restaurant. Sumunod silang dalawa. I ordered my favorite food which is their bacsilog. It was bacon, egg, and sinanggag. Sinamahan ko na rin iyon ng kape. Hindi umorder ang dalawang nasa harapan ko. "What do you want to talk about?" Sa halip na magsalita ay inilapag ni Hendrix ang brown envelope sa lamesa. I gulped. Hindi ko pa man nakikita ang laman ay mukhang alam ko na kung ano iyon. Naglipat ako ng tingin. Nakita ko si Reed na papasok. Naglilibot ang kanyang mata, mukhang may hinahanap. Hanggang sa magtama ang aming mata. He automatically smiled. Naglakad siya patungo sa akin. "Good Morning." Nakangiting bati niya. Tiningnan siya ni Hendrix saka naglipat ng tingin sa akin. Para bang naghahanap siya ng sagot. "Can I join you?" tanong ni Hendrix. Ngunit hindi na niya hinintay na sumagot pa ang dalawa dahil hinila na niya ang upuan saka inilapit sa akin. "You can continue," aniya. Kinuha ko ang envelope saka binuksan. Hindi nga ako nagkamali. Divorce papers. I smiled bitterly. "Magpapakasal na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Walang nagsalita. I faced Hendrix. "I'm asking c'mon I need an answer," mahinahon kong sabi. "Yes." Si Faye ang nagsalita. Tiningnan ko siya saka natawa. Mukha siyang nagtatapang-tapangan lang. "W-What's funny?" She asked. "You." tipid kong sagot. Halatang nainis siya. Hinawakan ni Hendrix ang kamay ni Faye. I arched a brow. Ang kakapal naman talaga ng mga mukha. Inilabas ko ang papel saka nakitang may pirma na si Hendrix. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Iyong ilang araw na naramdaman kong masaya ako na akala ko nakakausad na ako. Akala ko lang pala iyon. Mali ako, hindi ako nakausad. Nagpahinga lang pala ako. Iyong sakit, mas masakit ngayon dahil sinusupalpal ako ng katotohanan na talagang wala na. Akala ko sa oras na lumayo ako, mararamdaman ni Hendrix ang kahalagahan ko sa buhay niya. Ngunit maling-mali ako. Bakit hindi ko naramdaman o nakita man lang na tumigil na pala siyang mahalin ako. Tumayo si Hendrix. "Can we talk alone?" Tumayo ako pero hinawakan ni Reed ang braso ko. I faced him. "I'm gonna be okay." I whispered. Tumango naman siya. Nagtungo kami sa harap ng dagat. Umupo ako sa buhangin. Nanatiling nakatayo si Hendrix. "You really love her?" "Y-Yes." Nanatili akong nakatingin sa kalmadong dagat. Sana katulad ng alon ay tangayin na rin nito ang bawat sakit at pighating nararamdaman ko. "Sayang tayo `no? Alam ko kasalanan ko lahat." "Jean." "I was so hurt when our baby died. I saw how devastated you are. I saw how you mourned. Hendrix, hindi lang ikaw ang nawalan pati rin ako. Iba lang tayo ng pagdadala. You didn't saw me crying because I wanna be strong for the both of us. Hindi pupwedeng parehas tayong mahina. Ina ako, Hendrix. Doble ang sakit sakin dahil ako ang nagdala sa kanya ng ilang buwan. Hendrix, ang pinagkaiba natin ako sumandal ako sa pagmamahal mo pero ikaw naghanap ka ng ibang masasandalan. And I think that's the reason why our Empire lost. Hindi kita sinisisi kung sa iba mo naramdaman ang pagmamahal na dapat ay ako ang nagpupuna." "Ayokong maging unfair. Sa totoo lang sa tuwing kasama kita wala na 'yong dating saya. Wala na akong ibang maramdaman kundi gusto kong makaalis sa relasyong ito." Parang saksak sa dibdib ko ang mga salitang binitiwan niya. "Makakalimutan rin kita, Hendrix. Magiging kasing tapang mo rin ako. Lahat pipilitin kong kalimutan, kung talagang ang pagiging malaya lamang ang dahilan para tuluyan kang maging masaya. Sige, ibibigay ko," ngumiti ako sa kanya. Lumuhod si Hendrix upang magpantay kami. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Thank you." Umiling ako. I was crying. Damn, may iluluha pa pala ako. "Hindi ako nagsisising nakilala kita... Hindi ako kailanman nagsising ikaw ang pinakasalan ko. Hendrix, kung babalik ako sa nakaraan ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong pakasalan. Hindi magbabago `yon. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay humantong tayo sa ganito," Muling tumayo si Hendrix saka tumalikod. "Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Maging masaya ka parati." I sobbed. "Magiging matapang ako. Kakalimutan kita. Kakalimutan ko lahat ng magagandang alaala natin hanggang dumating ang araw na kaya na kitang tingnan sa mga mata mo na walang panghihinayang at walang sakit na nararamdan. I promise you that." I watched him walked away. Umiyak lang ako ng umiyak doon. Umagang-umaga nadurog na naman ang puso kong durog na durog na. Wala akong ibang maisip kung bakit kami humantong sa ganito. Parang bawat hakbang ni Hendrix palayo sa akin ay siyang paglayo niya na rin sa buhay ko maging sa pangako namin sa altar noong ikinasal kami. Dahil simula sa araw na ito ay tapos na ang lahat ng sumpaang iyon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Naramdaman ko na lang ang init ng araw na nanunuot sa balat ko. Mataas na ang araw, ibig sabihin ay tanghali na. Nawala na ang kaninang kumakalam kong sikmura. Ilang mga tao na rin ang kanina pa akong pinagtitinginan. "Are you gonna cry all day?" Tiningnan ko ang nagsalitam si Reed iyon. May dala siyang plastik saka ibinaba sa harapan ko bago umupo siya sa tabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko. "Pugto na mata mo, Miss. Baka puwedeng tumahan ka na," malambing niyang sabi. Hindi ako nagsalita bagkus ay humilig ako sa kanyang balikat. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko alintana ang init ng araw. Gusto ko lang manatili sa ganitong pwesto. Noong mga nakaraang araw akala ko ay paunti-unti ko nang natatanggap ang lahat pero sa isang iglap parang naglaho lahat ng lakas na naipon ko. Sa isang iglap parang bumalik na naman ako sa umpisa. "It's okay to cry, but you should know when to stop. Lalo na kung ang taong iniiyakan mo ay wala namang pakialam sa mga iniluluha mo. Just treat that man as a dead person. Hindi siya karapatdapat iyakan. Iiyakan mo 'yong taong nagsasaya dahil nakalaya na sa 'yo? Hindi ba parang hindi naman worth it?" He said. Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Can you help me?" I faced him. Our eyes met. "Of course. I will help you forget that asshole. I will make you smile again," he kissed my foread after saying those words. "Stop wasting your precious tears, mi bella,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD