Chapter Twelve

1308 Words
Yesterday was fun. Parang nalimutan ko lahat ng gumugulo sa isip ko. Para bang naramdaman kong muli ang maging payapa sa loob ng isang araw. Bumukas ang pintuan at pumasok si Reed. Malawak ang ngiti niya habang may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Umupo siya sa tabi ko saka hinawi ang ilang mga hibla ng buhon na tumatabing sa aking pisngi. "Good morning. How's your sleep? Hang over?" Sunod-sunod na tanong niya. I smiled. Hinawakan ko ang ulo ko. Himalang wala akong hang over sa dami ng nainom namin kahapon. Hindi na ako nakauwi sa hotel at dito na ako inabutan ng antok. Ibinaba ni Reed ang mga plato na naglalaman ng pagkain. Pancake with maple syrup, fresh juice at bacon ang laman noon. Kumalam ang sikmura ko dahil sa mabangong amoy ng pancake. Hiniwa ni Reed iyon saka tinusok ng tinidor. "Say ahh," sabi niya para bang isa akong bata. Ibinuka ko ang bibig ko. "Ahh." Isinubo niya sakin ang piraso ng pancake. Nagkukwentuhan kami habang pinapakain niya ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay tumatawag sa akin si Hendrix. So I excused myself. Lumayo ako ng bahagya kay Reed saka sinagot ang tawag. "Hello?" Hendrix sounds irritated. "Yes?" I said calmly. "Kanina pa ako tumatawag. Bakit ang tagal mong sumagot?" Huminga ako ng malalim saka bumuga ng marahas na hangin. "What do you need?" walang buhay kong tanong. "Kailangan natin pag-usapan ang tungkol sa pagbebenta ng bahay." Hindi ako nakapagsalita. Bakit siya nagdedesisyon ng mag-isa? "At sinong may sabing gusto kong ibenta ang bahay?" tumaas ng kaunti ang boses ko. "Jean, kailangan na nating i-let go ang mga bagay na nag-uugnay sa ating dalawa. Saka kailan ka ba pipirma sa annulment papers, ha? Bakit mo pa ba pinatatagal ang lahat?" Kinuyom ko ang palad ko. "Kailangan nating magkita para ma-settle na natin lahat ng kailangan nating tapusin. 'Yong joint account natin kailangan na natin mapasara--" "Gan'yan ka ka-atat na matapos lahat ng 'to, Hendrix?" Hindi nagsalita si Hendrix. Muli na naman niyang naramdaman ang pagtutubig ng kaniyang mata. Napakaaga pa pero parang nasira na agad ang araw niya. "Magkita tayo mamaya after lunch. Kahit ako na ang magpunta sa Tierra del Sol kung hindi ka makakaluwas rito sa Maynila." Pinahid niya ang luha saka huminga ng malalim. "No, ako ang pupunta diyan." Hindi na nagsalita si Hendrix tanging end tone na lang ang narinig niya sa kabilang linya. Nanginginig ang kaniyang kamay habang nag-uunahang tumulo ang luha niya. She felt a little better yesterday. Totoo nga atang kapag sobrang saya mo, susunod naman ay iiyak ka. Pinahid niya ang luha saka huminga ng malalim. Pagtalikod niya ay nakita niya si Reed na nakapamulsa habang mataman na nakatingin sa kaniya. "R-Reed." "You're going to Manila?" Tumango naman siya saka nag-iwas ng tingin. "Sasamahan kita," "H-Hindi. Kaya ko naman mag-drive." "Gagamitin natin ang private chopper ko. Pakisavi sa ex mo maghanap siya ng restaurant na may helipad," pagkasabi'y tinalikuran niya ako at tahimik na lumabas ng silid. I was left dumbfounded. True to his words. Nakasakay kami sa Eurocopter Mercedes Benz EC145 ni Reed. Ang sabi niya ay binili niya ito kamakailan lamang dahil parati akong bumabalik-balik sa Maynila. Para raw hindi na ako mahirapan mag-drive ng ilang oras. Sa Paprika kami magkikita ni Hendrix dahil doon ay may helipad. Mabilis lamang kaming nakarating. Halos trenta minutos lamang. Paglapag namin sa Paprika ay may ilang staff ang naroon upang salubungin kami. Naunang bumaba si Reed saka niya ako inalalayan. Dumiretso kami sa third floor dahil naroon ang restaurant. Agad kong nakita si Hendrix kasama si Faye na halatang kanina pa naghihintay. Pagkapasok pa lamang namin ay hinawakan na agad ni Reed ang kamay ko. Namataan ko agad si Hendrix kasama si Faye. Nakaupo sila hindi kalayuan sa entrance. Doon kami dinala ng waiter. Ipinaghila ako ni Reed ng upuan. Matalim ang tingin ni Hendrix sa aming dalawa. Sumenyas si Reed sa waiter para sa menu. Agad naman itong lumapit at binigyan kami upang makapamili. "Pesto pasta and mango shake." sabi ko. "Cajun pasta and bring us some wine. Thank you," si Reed naman. Matapos ulitin ang aming order ay umalis na ang waiter. "Mukhang nakakuha ka ng bagong bodyguard, Jean." tila nangungutyang wika ni Hendrix. Mahinang natawa naman si Faye. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman agad rin siyang tumigil. "Same as you. Mukhang nakahanap ka ng mutchacha," pagkasabi'y nginisian ko si Faye. Faye arched her brow. Hinawakan naman ni Reed ang kamay ko saka iyon pinisil. "I need you to sign this papers para sa madaliang pagbebenta ng bahay natin," sabi ni Hendrix saka inilapag ang brown envelope sa harapan ko. Nagsimula kaming mag-usap para sa magiging plano at kung paano ang magiging hatian sa aming mga conjugal properties. The conversation lasted for almost an hour. "Excuse me. Pupunta lang ako sa powder room," paalam ko. Nang makarating sa CR ay agad akong naghugas ng kamay. Nanginginig ang kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay noon ang pagtulo ng luha ko. I'm still hurting. Kahit gaano ko itanggi sa sarili ko, hindi magawang tumanggi ng puso ko na hanggang ngayon... hanggang ngayon umaasa pa rin akong magigising si Hendrix sa lahat ng ito at sa huli ay hihingi siya ng tawad sa akin at maayos namin ang lahat ng ito ng magkasama. Ngunit sinong niloko ko? Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi na niya iyon gagawin. Dahil sa pinakita niya kanina. Walang kurap at pagdadalawang isip niyang gustong makatakas sa akin. Sa anino ng aming nakaraan. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Kung hindi ki lamang narinig ang mga yabag na palapit ay hindi siguro ako titigil sa pag-iyak. Pinunasan ko ang luha ko saka nag-ayos muli ng sarili. "Jean." Lumingon ako sa nagsalita. It was Faye... eyeing me with her apologetic face. I faced her. "Gusto kong mag-sorry." I chuckled. What? "For ruining my marriage?" I said sarcasticaly. "Hendrix told me what happened. Your marriage was on the rocks and---" "And you decided to intefere? Na sa halip na ayusin naming mag-asawa. Nakisawsaw ka at ano? Inagaw mo siya? Ganoon ba iyon, Faye?" "N-No Jean. Ilang beses ka niyang pinili. Ilang beses ka niyang pinili ng paulit-ulit. Saksi ako roon." Lumapit ako sa kaniya saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "At kung ako ang pinili niya bakit ikaw ang kasama niya hindi ako?" Hindi nagsalita si Faye. Tumungo siya. "I'm really sorry." "Are you really sorry?" Tiningnan niya ako saka siya sunod-sunod na tumango. "Kung talagang gusto mong patawarin kita huwag kang makalimot. Huwag mong kalimutan ang ginawa mo sa'kin. Ang ginawa mong paninira sa pamilya ko. Ang pag-agaw mo sa asawa ng may asawa. Gabi-gabi mong isipin ang ginawa mong ito at araw-araw kang kainin ng konsensya mo. Ituring mo akong parang tinik na nakabara sa lalamunan mo na kahit anong inom mo ay hindi mo maalis. Dahil gano'n ang ipaparamdam ko sa'yo." "J-Jean," akmang hahawakan niya ang kamay ko pero agad ko iyong iniiwas. Nagsimula siyang umiyak. "Masakit? Mas masakit ang ginawa mo." Inayos ko ang gamit ko saka naglakad. "Gusto mo bang lumuhod ako para mapatawad mo?" Tumawa ako na para bang isang biro ang sinabi niya. Muli ko siyang hinarap. "Nagsisimula ka na bang kainin ng konsensya mo?" Kita ko ang panginginig ng kamay niya at walang humpay niyang pag-iyak. Serve's her right! "Masama ang magnakaw lalo na kung hindi naman sa'yo. Palagi mong tatandaan, Faye." Iniwan ko siya sa CR saka bumalik sa pwesto namin kanina. Kinuha ko ang envelope na nakapatong roon. "Tawagan mo ako kung may gustong bumisita sa bahay. Puwede kong ipalinis iyon." Tumayo si Reed saka kinuha ang sling bag ko. Hindi na ako muling lumingon pa kay Reed. I need to restart my new life without him.. I can and I will. No, I must.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD