"Nakita mo ba 'yong girlfriend ni Hendrix? Omg, she's not pretty! Wala sa kalingkingan ng ibang babae nagkakagusto sa kaniya. I wonder why he chose that girl," rinig ko ang bulong-bulongan ng ilang estudyante sa hallway.
Bumuntong-hininga ako saka pikit-matang nilampasan ang mga ito. Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila tungkol sa akin. Wala rin naman silang magagawa kahit mag-rant sila ng mag-rant dahil hindi no'n mababago na ako ang mahal ni Hendrix.
Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa dinadaanan ko. Tatlong babae iyon mula sa kabilang section. Bumuntong-hininga ako. Kilala ko sila. Sila lang naman ang fangirls ni Hendrix. Magsasalita pa sana ako ng may humawak sa dalawang braso ko saka ako kinaladkad sa malapit na CR.
Nasa harapan ko ngayon iyong tatlong babae. Nasa gitna nila iyong babaeng kulot. Siguro ito 'yong leader nila. Hindi ako nagpupumiglas. Nagulat na lang ako ng may malamig na tubig na bumuhos sa akin. Napasigaw ako sa lamig. Doon lamang ako binitiwan ng dalawang may hawak sa akin.
"Ikaw ang girlfriend? What's special about you? You're just a plain pansit canton! Mayaman ka lang and sikat!" sigaw nito na may halong hinanakit.
I chuckled.
"Fun fact, Hendrix loves pansit canton. Kaya siguro ako ang nagustuhan niya. Ayaw niya sa spagetti!" kinindatan ko pa siya.
Malakas na sampal ang iginawad niya sa akin. Kasabay noon ang pagbukas ng pintuan ng CR at pumasok si Hendrix. Hinihingal pa siyang lumapit sa akin. Nakita ko ang pag-alon ng adams apple niya. Malakas na sigaw ang sunod kong narinig.
"WHO DID THIS!?"
Halata ang pagpa-panic ng lahat. Lalo na ni spagetti. Hinawakan ni Hendrix ang braso nito, napaigik naman ito marahil sa mahigpit na pagkakahawak. He was squeezing it while his eyes is fiery.
"Next time you touch her. . . hindi ko alam ang magagawa ko sa inyo. Walang sinuman ang mananakit sa girlfriend ko. I don't freakin care if isumbong niyo ako sa Principal but what you did was foul!"
"S-Sorry Hendrix," nangangatal na sabi ni spagetti.
Binitiwan siya ni Hendrix saka isa-isang tiningnan ang mga tao sa paligid na ngayon ay nakayuko na lamang.
"All of you say sorry to her,"
Halatang nagulat silang lahat.
"Say sorry!" Malakas na sigaw nito.
"S-Sorry J-Jean!"
Napahawak ako sa dibdib ko. Naalala ko ang isa sa mga dahilan kung bakit ko minahal si Hendrix. He used to be protective, lovable, kind, and honest. He was one of a kind.
Was. Past tense.
Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin noong unang anniversary namin. Heart shaped iyon. Hindi ko iyon tinatanggal at palagi kong sinusuot dahil pakiramdam ko kapag suot ko ay kasama ko na rin siya. I was focused on achieving my dreams, on grieving that I didn't knew that I have him. Masyado akong nasaktan sa pagkawala ng anak namin na hindi ko na naisip na may karamay ako at iyon ang asawa ko. Masyado kong sinarili ang sakit na nakalimutan kong may asawa akong makikinig at sasama sa akin.
But, he was now gone.
Sana ay kaya kong gumising isang araw na hindi na ako umiiyak kasi nasasaktan ako. The flashbacks of us being happy, in those ten years. Sobrang naging masaya ako na hindi ko akalain na may wakas pala ang lahat ng iyon.
The relapses, iyon ang pinakamasakit. Iyong isang araw akala mo ayos ka na pero sa gabing malamig mapapaisip ka kung bakit? Bakit, hindi ikaw? Bakit hindi ikaw ang pinili? Anong kulang? Anong mali? Saan nagsimula ang gusot na naging dahilan kung bakit hindi naayos?
I can't stop crying.
Here I am, ang akala kong ayos na ay hindi pa pala. Hanggang kailan ako makukulong sa nakaraan na pilit kong tinatakasan.
"Ayaw ko na," I said while looking at the sea. "Pakitangay na ng sakit na nararamdaman ko, pakitapon na sa pinakamalayong isla nitong nararamdaman ko,"
Pinahid ko ang luhang naglandas sa aking pisngi saka ako nakaramdam ng mainit na palad mula sa aking balikat.
"You're crying again," It was Reed's voice.
Hinawakan ko ang kamay niya. Niyakap naman niya ako ng patalikod.
"I can't erase away the pain, right? It's still him. . ."
Mas lalo akong umiyak.
"Walang masamang umiyak. Walang masamang umaming nasasaktan ka pa. I get it. Masyadong matagal ang pinagsamahan ninyo. Kaya nga kayo kinasal 'di ba? Hindi ako nagmamadali, Jean. Pero handa akong samahan ka. Maging taga punas ng luha mo, sasamahan kitang umiyak ng umiyak hanggang sa maubos lahat ng luha mo. Hanggang wala ka ng maiiyak, at makita mo na isang araw na tumatawa ka na lang."
Iniharap ni Reed ang mukha ko sa kaniya. Nang magtama ang aming paningin ay saka niya hinalikan ang mga mata ko.
"I'm always here," saka niya ako niyakap.
"T-Thank you," mahinang sambit ko.
"In order to move on you should feel the pain until it hurts no more. Kaya sobrang sakit kasi sobra kang nagmahal."
Pinahid ko ang luha ko. Inakbayan ako ni Reed saka namin pinagmasdan ang alon ng dagat.
"He used to be a Prince Charming, kaya hindi ko akalain na magagawa niya sa 'kin 'yon. I felt betrayed kaya sobrang sakit."
"Betrayal is the worst thing the world lalo na sa taong pinagkatiwalaan mo ng buo."
May inilabas si Reed mula sa bulsa niya. Dalawang kulay pulang string iyon na bracelet. Walang design iyon tanging lock lamang sa dulo. Isinuot niya iyon sa kamay ko. Habang ang isa ay isinuot naman niya.
"What's this?" I asked him. Itinaas ko ang kamay kong may bracelet na.
"Red string of fate." Sagot naman niya. "Ako na magdedesiyon para sa atin. Iyan ang magsisilbing red string of fate natin. Naniniwala akong may dahilan kung bakit tayo nagkakilala. Kung bakit dito ka dinala ng tadhana at kung bakit tayo nagkita noong unang araw na pagpunta mo rito.I believe that you and I were meant for each other just like the red string of fate, we are destined to meet regardless of time, and circumstances. The thread may stretch or tangle but It will never break."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop iyon.
"I will not promise you anything, Jean. I just want you to know that whatever feelings I have it is real. Titigil lang akong gustuhin ka kapag sinabi mong tumigil ako. Titigil lang akong alagaan ka, kapag sinabi mong umalis ako."
I smiled as I cupped his face.
"Thank you, Reed."