We decided to go home that night. Kahit malayo ay nag-drive si Reed pauwi. Buong byahe ay hindi ako nagsasalita. Tanging ang musika sa radio ng sasakyan lamang ang nagsisilbing tunog sa sasakyan. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Hanggang sa magising ako ay nakahiga na ako sa kama at bukod ro'n ay umaga na. Reed was asleep in the sofa. Alam kong nasa kwarto niya ako dahil ito ang kwartong kinagisnan ko noong una kaming magkita. Malamig ang aircon at wala siyang kumot man lang kaya naman kinuha ko ang kumot ko saka iyon ikinumot sa kanya. Ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka hinila patungo sa kanya. Napahilig ako sa kanyang dibdib.
"Trish. . ." he murmured.
Trish? Who's that?
"Five minutes, Trish. Just five minutes," he said while his eyes was still closed. Maybe he is dreaming.
Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakahiga sa kanyang dibdib habang yakap niya ako. I felt safe whenever I'm with him. Simula noong College wala ng ibang lalaking naging malapit sa akin bukod kay Hendrix. He was my only boyfriend turned into my husband. Kaya naman si Reed pa lamang ang pangalawang lalaking naging malapit sa akin ng ganito. Technicaly I was still married. Hindi pa naman granted ang aming annulment ni Hendrix. Huminga ako ng malalim. I want to be happy. Gusto kong gumising sa isang araw na wala na akong sakit na nararamdaman. Gusto kong maging si Jean na buo. Iyong walang galit at sakit na nararamdaman. Sa ngayon ay paano ko magagawa? Hindi madaling magpatawad lalong hindi madaling makalimot. Lalo na kung ang taong kakalimutan mo ay ang siyang minsan mong pinag-alayan ng buong buhay mo. Ang taong kasama mong bumuo ng pangarap at pamilya. Sa loob ng mahabang taon iisang tao lamang ang minahal ko. At hindi ko sukat akalain na kaya niya akong iwan at ipagpalit lamang ng ganoon kadali.
Pero pagod na ako. Pagod na akong umasa at mabuhay sa mga panghihinayang.
"H-hey,"
Reed was staring at me.
"Good Morning." Bati ko sa kanya. Umagwat ako ng kaunti. Ngunit hinila niya ako saka niyakap muli.
"Stay still,"
Kumabog ang puso ko.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Hinahaplos niya ang buhok ko. "Do you wanna experience something fun today?"
Humarap ako sa kanya. Reed was all smiles. Kumawala siya sa pagkakayap sa akin saka umayos ng upo ako naman ay ganoon rin. Saka kami sabay na tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagtungo kami sa baba at lumabas ng bahay. Nakita ko ang ilan nilang trabahador na nagbabasaan.
"Anong ginagawa nila?" I asked in curiosity.
"Fiesta ngayon rito." aniya, "Viva San Juan!" sigaw niya.
"Viva San Juan!" sigaw ng ilang mga tao habang binabasa ang isa't isa.
Hinawakan ni Reed ang kamay ko saka hinila patungo sa likod bahay. Naroon ang ilan nilang tauhan habang naglulito sa malaking tulyasi. May ilang nagle-lechon naman sa uling.
"Magandang Umaga, hijo." binati siya ni Mang Gary saka binuhusan ng malamig na tubig. Nahagip pa ako kaya naman napahiyaw ako sa gulat. Reed was laughing.
Tumakbo siya sa malaking drum malapit sa hose saka sumalok ng tubig saka binuhusan ang ilang naroon. Gumanti naman ang ilan sa kanya.
"Come here, Jean!" yakag niya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
Nakatingin sa akin ang ilan na para bang pinakikiramdaman ako kung babasain nila ako hindi. Ngunit napasigaw ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa akin mula sa likuran.
"Magandang umaga, binibini!" It was Pietro. Ngising-ngisi pa siya habang may dalang water gun.
Sumalok ako sa drum ng tubig saka siya binuhusa, sumapol iyon sa mukha. Nagtawanan ang mga tao.
"Gan'yan nga, Madam. Huwag kang magpapatalo! Kapag binasa ka, basain mo rin!" pagkatapos ay nagtawanan sila.
"Tara maglibot," sabi ni Reed. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa ilang parte ng hacienda.
Halos lahat ay basang-basa na. Lumabas kami sa gate at mas marami pang tao ang nagkalat sa labas. Lahat sila ay nagbabasaan. May ilang maliliit na stage kung saan may mga kumakantang babae habang sa baba ay ilang mga kabataan na sumasabay sa liriko ng kanta saka may dalang kanya-kanyang water gun at nagbabasaan habang may dalang alak.
"Reed!" bati ng isang babaeng nakasuot ng itim na crop top at hapit na shorts. May dala itong plastic cup na sa tantiya ko ay alak ang laman.
"Freya, kailan ka pa umuwi?" tanong ni Reed.
"Kahapon lang. Kasama ko si Trish!" sigaw nito. Medyo may kalakasan kasi ang tugtog at naghahalo na ang sigawan ng mga taong nakiki-jamming sa kanta. "Shot ka muna!" inabot ng babaeng tinawag niyang Freya ang hawak nitong plastic cup.
Inabot iyon ni Reed saka inisang lagok ang laman noon.
"Reed."
Sabay kaming lumingon ni Reed sa nagsalita. Isang babaeng halos hanggang tainga ko ang tangkad na nakasuot ng halter top saka maiksing short ang bumungad sa amin. Mahinang itinulak naman ni Freya iyong babae patungo kay Reed, nadanggi niya ang kamay namin kaya naman napabitaw kami sa isa't isa. Parang nakakita ng multo ang itsura ni Reed. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Pasimpleng dinanggi ako ni Freya. Kaya naman napa-atras ako ng bahagya.
"K-kamusta ka na?" nahihiyang sabi ng babae.
"Trish."
Trish? Siya iyong Trish na binabanggit kanina ni Reed? Tiningnan ko si Freya na ngayon ay ngising-ngisi habang tinitingnan ang dalawa. Muli niyang itinulak si Trish palapit kay Reed.
"Pinilit ko pa na umuwi 'yan dito! Parang hindi ka nami-miss niyan. Masyadong magpakadalubhasa sa Maynila, e. Hindi na ata naalala na may Reed siyang naiwan rito sa Tierea," ipinagdiinan pa talaga ni Freya ang salitang Reed.
Pakiramdam ko ay extra lamang ako sa isang teleserye. Mas lalong lumakas ang tugtugan at hiyaw ng mga tao. Napasigaw ako ng may dumanggi sa akin medyo malakas iyon kaya naman napaupo ako sa kalsada. Agad naman akong dinaluhan ni Reed.
"Okay ka lang?" agad niyang tanong. Tinulungan niya akong tumayo saka pinagpagan ang tuhod ko.
Binuhusan uli kami ng tubig. Nagkatinginan kaming dalawa. Mukha kaming basang sisiw pero nagtawanan lang kami.
"S-sino siya?" muling baling sa amin ni Trish. She was pertaining to me. Tiningnan ako ni Reed.
"Oh, she's a friend from Manila. By the way this is Jean," pakilala niya sa akin. Kumaway naman ako sa kanilang dalawa. Si Freya ay nakangiwi habang nakatingin sa akin. "And this is Trish--"
"Her ex-girlfriend." agad na dagdag ni Freya sa litanya ni Reed.
Napatingin ang dalawa sa sinabi ni Freya.
I laughed.
"I'm just a friend. No need to worry about."
"No, no, maybe Freya is just drunk." nahihiyang sabi ni Trish. Agad niyang hinila si Freya palayo. "Mamaya na lang ulit, makikikain kami sa inyo ulit, Reed!" kumaway siya sa amin saka humalo sa dagat ng tao.
Naglakad na ako patungo sa mansion pero agad akong hinila ni Reed.
"Why? Bakit hindi mo puntahan ang ex mo. Umuwi pa raw para sa 'yo. I'm okay." Omg, I sound so bitter!
"Gusto ko ikaw ang kasama ko. First time mo 'to. Let's make it memorable. Para naman mayroon akong kasama sa mga ang unang beses mo sa buhay mo," he smiled.
Hinila niya ang kamay ko saka kami tumakbo patungo sa mga taong naghihiyawan. May malaking fire truck doon kung saan binabasa ang mga tao.
"Tubig pa! Tubig pa!" sigaw ng karamihan.
Sa gilid ng stage ay mayroong malaking bubble foam na pinakawalan. Mas lalong nagkagulo ang mga tao. Basang-basa na kami. May ilang mga hindi namin kakilala ang nag-aabot sa amin ng alak, ang sabi ni Reed ay normal lamang iyon tuwing ganitong okasyon kaya naman kinukuha ko iyon at iniinom. Hindi ko na alintana na wala kaming almusal. It was so fun. Nakikisabay kami sa kanta habang binabasa kami ng malaking hose ng fire truck. Isabay pa ang ilang mga tao na nambabasa gamit ang kanilang water gun.
"Are you happy?" bulong ni Reed sa aking tainga.
I shooked my head. Inabutan kami ng isang lalaki ng isang bote ng Fundador. Saka sumigaw ng 'Hapy Fiesta!' I smiled at him.
"This is so fun!"
"Jean?" muli niyang bulong sa tainga ko.
"Hm?"
"I think . . . I." Hindi ko narinig ang sumunod niyang sinabi dahil sa lakas ng sigawan.
"What did you say?" pasigaw na ang boses ko dahil masyasong malakas ang ingay ng mga tao.
Sumenyas siya ng saglit lang saka ako iniwan. Nakipagsiksikan siya sa mga tao. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa maka-akyat siya ng stage. Nakipag-usap siya sa babaeng may hawak ng mikropono hindi nagtagal ay inabot sa kanya ng babae ang mic.
"Viva San Juan!" malakas na sigaw niya. Naghiyawan ang mga tao.
"I just want to take this oportunity everyone. I met this girl out of nowhere she was feisty and stubborn but she's one of a hell a hot woman. We didn't get along at first but as the days go by I found myself craving for her attention. She was broken and I want to fix her. I just wanted to erase those painful memories of hers and change it into happy ones. That's why I'm always on her side. Gusto kong ipakita na hindi lahat ng tao ay sasaktan siya. Gusto kong iparamdam sa kanya na puwede kang magtiwala muli, magsimula ulit. At gusto kong ako ang maging kasama niya habang ginagawa niya ang mga bagay na iyon," tumahimik ang crowd. They were just busy listening to Reed. "Jean," he pointed at me. Nagtinginan sa akin ang mga tao. "Puwede ba kitang ligawan?"
Muling naghiyawan ang mga tao. May ilan pang hinahampas ang dala nilang pastic bottles. Muling bumuhos ang bubble foam.
"Papayag na 'yan!" iyon ang sigaw ng karamihan.
I smiled.
"Yes!" sigaw ko at mas lalong nagkagulo ang mga tao. Muling tumunog ang malakas na speaker at nagbuhos muli ng tubig ang hose mula sa fire truck.