Chapter Four

1456 Words
I woke up in a room. Malaki ang kwarto. May maliit na kulay na sofa sa harapan ko. May malaking walk in closet naman sa gilid. May ilang mga paintings na nasa lapag. Tumayo ako saka nilapitan ang isa sa mga paintings. Abstract iyon, hahawakan ko sana ngunit biglang bumukas ang pintuan. Pumasok iyong lalaki kanina. This time ay nakadamit na siya. Nakasuot siya ng sando at pantalon na kulay itim. Nakalugay ang buhok niyang basa pa. "You're awake." He said. Tumikhim naman ako. "Where am I?" "In my house." Kalmado niyang sagot. Umuulan na sa labas ngayon. Medyo may kalakasan iyon. "Puwede kitang ipahatid kung saan ka pupunta. I'll just call my secretary for the damage of your car," pagkasabi'y umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. "I have a booking in Empire Hotel. I was supposed to there at twelve," I said. Tiningnan niya ako. "Okay." Umupo ako sa dulo ng kama saka siya pinanood sa kanyang ginagawa. He was about to paint again. Hindi ako nagsalita. Pinanood ko lamang siya habang nagpipinta. I think he's painting a portrait of a girl. Mahigit kalahating oras na ata akong nakatingin sa kanyang ginagawa. And this time tapos na iyon, hindi nga ako nagkamali. Portrait iyon ng isang babae. Pumalakpak ako. This time ay tiningnan niya ako. "Is that your girlfriend?" I asked. Nanatiling blangko ang kanyang mukha. I bit my lower lip. Wrong move ata. Baka sabihin niya ay marites ako. Tumingin ako sa bintana. Humupa na ang ulan. "Can I go?" Tumango naman siya saka lumabas ng silid. Sumunod naman ako. Bumaba kami sa malaking hagdan. May malaking chandelier sa gitna. May malaking L-shaped sofa sa baba. May ilang portrait doon. Sa gitna ay mayroong family picture. Malaki iyon. Elegante ang suot ng babaeng sa tantiya ko ay nasa forties noong panahon na kinuhanan ang retrato. Kasama ang lalaking nakasuot ng tuxedo na mukhang asawa niya. May dalawang lalaki na nakaupo. Isang nakangiti at isang blangko ang ekspresyon. Kamukha ng lalaking kasama ko iyong hindi nakangiti. Sigurado akong siya iyon. May lumabas na lalaki sa may pintuan. Yumuko ito sa harapan namin. "Popoy, ihatid mo siya sa Empire," utos ng lalaki. Tumango naman iyong tinawag niyang Popoy. Sinulyapan ko ang lalaki. Nakatingin lamang siya sa akin. "Can I ask your name?" walang atubiling tanong ko. "No." He said plainly. Hindi ko mapigilan ang hindi siya irapan. Ang hambog ha? Sa Maynila bentang-benta ang hitsura ko kahit may asawa na ako marami pa rin ang nagkakandarapa sa akin. Hmp! Nagmartsa ako palabas. Sinundan ko iyong Popoy. Paglabas ay nakita ko ang kotse kong sira ang side mirror. I shook my head. This was Hendrix's gift on our first anniversary. Kaya mahal na mahal ko ang sasakyan na ito. "Madam, you can ride on our car. Ipapagawa po ni Sir ang inyong sasakyan. Then I will deliver it on Empire once it's done," sabi ni Popoy. Tumango naman ako sa kanya bago sumakay. Nakita kong inilipat ni Popoy ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan. Sinulyapan kong muli ang bahay. Hindi man lamang lumabas ang lalaki. Sumakay na si Popoy sa driver's seat ang nagsimulang mag-drive. I was quiet all the time. Patay pa rin ang cellphone ko. Mukhang malapit lamang ang hotel sa bahay noong lalaki dahil hindi nagtagal ang biyahe. Pinagbuksan ako ni Popoy ng pintuan. Siya rin ang nagdala ng gamit ko. Dumiretso ako sa reception area. Nag-fill up lamang ako sandali saka nila ibinigay sa akin ang keycard. Popoy was with me all the time hanggang makarating sa kwarto ko. "Thank you." I said politely. He smiled. Kinuha ko ang wallet ko saka naglabas ng isang libo at inabot sa kanya but he refused. Instead he wave goodbye. "I hope you have a good stay here, Madam." "Thank you again, Popoy!" I waved back. He closed the doors after. Humiga ako sa kama. I stared at the ceiling. I was all alone again. Hindi ko mapigilan ang lungkot na muling kumukubli sa aking pagkatao. I decided to open my phone. Unang text ang na-receive ko ay mula kay Aya. Of course she was asking where the hell am I. I decided not to reply. Bukod kay Aya ay ang Manager ko naman ang nag-text. Binigyan niya ako ng dalawang buwan na leave. Nakahinga naman ako ng maluwag. Muli kong pinatay ang phone ko. I decided to take a shower. Nagbabad ako sa bath tub. I tried to relax my mind. Pero sa tuwing pipikit ako ay naalala ko ang nakangiting mukha ni Hendrix kasama si Faye. Mapait akong napangiti. He was with her ex, sa huli iyon pa rin ang pinili niya. Hindi talaga basehan ang kasal sa pagmamahal ng isang tao. Maaring ngayon mahal ka niya pero paano bukas? Sa susunod na bukas, buwan o taon? Love is unpredictable. Ngayon masaya kayo, bukas makalawa bubulagain ka na lang ng katotohanan na may iba na pala siyang gusto. Love is so scary. Maaring may kasalanan ako kung bakit kami humantong sa hiwalayan pero bakit parang napakabilis naman niya akong ipagpalit? At sa lahat ng tao bakit si Faye pa? That girl cheated on him, he was so broken that time. I remember the day when we met. Sa isang common friend namin, kung saan nagyakag na mag-bar. He was so wasted that time. Crying and blabbering about his ex cheating on him with his bestfriend. I pick up those broken pieces of him. In short binuo ko siya, tinulungan ko siyang makaahon sa sakit ng nakaraan niya. He always assure that he won't cheat because he knew the feeling of being cheated on. But guess what? He still broke his promise. How ironic. Matapos mag-shower ay lumabas na ako saka nag-ayos. I blow dry my hair. Kinuloy ko ang dulo noon pagkatapos. I didn't bother applying a make up. Madilim na sa labas. I decided to eat kaya naman nagpunta ako sa restaurant ng hotel. Doon ako umupo sa labas kung saan malapit sa dagat. The sea was calming my mind. I ordered some champagne while enjoying my steak. May ilang mga nakakilala sa akin at nagpa-picture. Matapos kumain ay naglakad-lakad ako sa paligid habang dala ang isang bote ng Jack Daniels. It was already seven. Napadpad ako sa maliit na bar. Hindi karamihan ang tao. Mukhang mga guest rin iyon ng hotel. Umupo ako sa isang tabi habang tinutungga ang alak na dala ko. May ilang mga lalaking lumalapit sa akin but I ignored them. Nakakalahati ko na ang alak, and I'm feeling tipsy. I decided to dance. Nakikisigaw ako sa mga taong sumisigaw habang sinasabayan ang lyrics. I felt so alive. "Hi Miss, are you with someone?" Isang lalaki ang lumapit sa akin at bumulong sa tainga ko. "No! I'm alone!" I answered him back. Dah sa neon lights ay hindi ko gaanong makita ang mukha ng lalaki. He held my hand. Inalis niya ako sa dagat ng tao. Nagpadala na lamang ako sa kanya. Nagtungo kami sa gilid kung saan kakaunti ang tao. This time I saw his face. He looked like a bit younger than me. I laughed. "What's funny?" He asked. I shook my head. "Here, have a drink," alok niya. Tiningnan ko ang alak. I knew this. Tinabig ko iyon kaya natapon ang laman noon. "Oops. I'm sorry." Muli akong tumawa. Mukhang naguguluhan na siya dahil sa pagtawa. Siguro ay iniisip niyang nababaliw ako. Umiling ang lalaki saka ako iniwan. Nahihilo na ako at nakakaramdam ng pagkasuka. Pero gusto ko pang mag-enjoy kaya naman muli akong humalo sa mga tao saka sumayaw. The crowd was all wild. May ilang naghahalikan na. Nang makaramdam ng pagod ay bumalik na ako sa upuan ko. Nilaklak kong muli sa bote ang Jack Daniel's ko. Dinala ko iyon palabas ng bar. Muli akong naglakad sa gilid ng dagat. Nahihilo na talaga ako. Umupo ako sa buhangin saka tiningnan ang dagat. "f**k you, Hendrix!" I shouted. My tears was falling down in my cheeks. Pinahid ko iyon agad. "I hope you rot into hell!" muli kong sigaw. Tinungga kong muli ang alak saka humiga sa damuhan. Hinayaan kong bumagsak ang luha sa aking mga mata. It hurts so bad... I feel like I'm slowly dying. Wala sa sariling tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa dagat. Malamig ang tubig but I'm feeling numb. Malakas ang alon na humahampas sa aking katawan. Palayo ako ng palayo hanggang tuluyan kong inilubog ang sarili ko. I closed my eyes. I want to end this misery. But someone held my hand. Niyakap niya ako saka tinulungan na umahon sa tubig. "Are you f*****g out of your mind?!" I heard a familiar voice. "It's you again..." I said calmly before I closed my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD