Chapter Three

1589 Words
Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas, isang linggo na rin na hindi umuuwi si Hendrix sa bahay. Sa loob ng isang linggo na iyon hindi ako lumabas ng bahay. Hindi ako makakain ng maayos. Kundi tulala ay umiiyak lamang ako. I was completely devastated. Bumukas ang pintuan. It was Aya, my bestfriend. May dala siyang plastic na sa hinuha ko ay naglalaman ng pagkain. Inayos niya ang ilang gamit na nagkalat. Sunod ay ang mga bote ng alak na nasa lapag. Bago niya hinawi ang malaking kurtina. Tumama sa mga mata ko ang sikat ng araw. Saglit akong nasilaw. "I saw him." Sabi ni Aya. Hindi ako nagsalita. "Are you really going to throw your life because of that asshole? Gosh, Jean, you're better than this!" Nagsimula na naman akong umiyak. "Saan ba ako nagkulang, Aya?" I can't help but asked. Iyon ata ang araw araw kong katanungan. "Hindi ka kulang, siya ang hindi nakuntento." Aniya. Tumabi sa akin si Aya. Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko. "Jean, you can do this. Nandito naman kami. Hindi ka namin iiwan." Niyakap ako ni Aya. I'm happy that I have my bestfriend. "Labas tayo. Isang linggo ka nang hindi naarawan. Ang putla mo na. Paano ka makakalimot kung palagi kang nagmumukmok?" "Paano kung ayaw kong makalimot?" Pumalatak si Aya. "Kailangan mong umusad kahit mahirap, dahil hindi naman natapos ang buhay mo dahil lang iniwan ka niya Jean." "Paano ako magsisimula kung ganito? Hindi ko alam... Hindi ko na alam." She pat my head. "I know you can. Walang hindi kaya ang isang Jean Karren Esquivel." Inalalayan niya akong tumayo saka inabutan ng towel. "You stink and reek of alcohol! Maligo ka naman!" biro niya saka ako mahinang itinulak sa CR. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay para bang hindi na ako iyon. Ang laki ng ipinayat ko. Kitang-kita rin ang eyebags sa ilalim ng mata ko. Ni hindi na rin ako nakakapagsuklay. Ang laki ng ipinagbago ko sa loob ng isang linggo. Tumungo ako sa shower room, binuksan ko ang shower at hinayaang maglandas ang malamig na tubig sa katawan ko. It felt refreshing. Matagal akong nagbabad sa tubig. Nang matapos maligo ay dumiretso ako sa closet saka pumili ng damit. Matapos magbihis ay tinulungan ako ni Aya na mag-blower ng buhok. "Punta tayo sa salon?" sabi niya. Tumango ako. Matapos mag-apply ng light make up ay umalis na kami. Ginamit namin ang kotse ni Aya. Nagpunta kami sa paborito kong salon. Agad akong binati ng mga staff roon. I decided to cut my long hair. Ayaw pa nang gupitin iyon dahil sayang raw. But I insisted. Hendrix loved my long hair kaya pinanatili ko noon na huwag iying gupitin. Pero ngayon na wala na siya. I decided to cut it. Habang ginugupit ay wala akong hinayang na naramdaman. Hanggang balikat ko na lamang iyon ngayon. Nagpa-hair spa ako saka nagpa-manicure at pedicure. Si Aya ay abala rin sa pagpapaganda ng sarili. Nauna akong matapos kaya naman umupo muna ako sa waiting area. Until I saw someone familiar. It was Hendrix. Nakatalikod siya pero alam na alam kong siya iyon. May naka-angkla sa balikat niyang babae. I gulped. Parang nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mata. Mas lalo akong nataranta nang humarap sila sa direksyon ko. Hendrix was all smiles but when he saw me, otomatikong nawala ang kanyang ngiti. Mas lalo akong napanganga kung sino ang babaeng kasama niya. It was Faye Andrada. His first love, his ex girlfriend. "I'm done!" boses iyon ni Aya pero nanatili ang atensyon ko sa nakikita ko. Tiningnan ni Aya ang tinitingnan ko. "What the f**k!" she uttered. Akmang lalapitan niya ang dalawa pero hinila ko agad ang braso niya. I don't wanna cause a scene here. "Let's go," aya ko sa kanya pero hindi nakinig si Aya bagkus ay naglakad siya palapit kay Hendrix. Agad naman akong sumunod sa kanya. Tinaasan ni Aya ng kilay ang asawa ko. Tiningnan naman niya mula ulo hanggang paa si Faye. Agad tinanggal ni Faye ang pagkakahawak kay Hendrix. "Look who we have here. Hendrix, oh is that you Faye? What are you doing with my bestfriend's husband?" Nagkatinginan ang dalawa. Walang sumasagot. "Aya." Hinawakan ko ang braso niya. "Tell me, anong ginagawa mo kasama ang asawa ng kaibigan ko?" She even emphasized the word asawa. "J-Just hanging out with him," halata ang kaba sa boses nito. Tumawa si Aya na para bang joke ang sinabi ni Faye. "Hanging out. I see. Akala ko nasa New York ka? Nagmadali ka bang umuwi dahil nalaman mong the are on the rocks? Hindi ka pa rin ba nagbabago? I guess old habits die hard, ang magnanakaw mananatiling magnanakaw, ano?" "Ayana!" Mataas ang boses ni Hendrix. May ilang nagtitinginan sa amin. Kaya naman hinila ko na si Faye. "Bakit Hendrix? You were hanging out with another girl while your wife was devastated and alone in your house?" "Huwag dito, Aya." He said in a gritted teeth. "At saan? Hendrix, hindi ka nga nahiyang ilantad ang babae mo. Bakit ako mahihiyang kumprontahin ka? You cheated in my bestfriend! Of all people sa babaeng 'yan pa?" tinuro niya si Faye. "Aya, let's go!" hinila ko ang braso niya. Kahit pa nagpupumiglas siya ay hinila ko pa rin siya. Nang makarating kami sa parking lot ay nanlambot ang tuhod ko. So, that' s the reason why he was so eager to our annulment. Dahil nagkabalikan na sila ng pinakamamahal niyang ex? Buong biyahe ay hindi ako nagsasalita. Umiiyak lamang ako habang si Aya naman ay walang ibang ginawa kundi ang mag-rant. Umuwi kami sa bahay. Agad akong tumungo sa mini bar at kinuha ang isang bote ng Jack Daniels. Binuksan ko iyon saka nilaklak. Tiningnan ako ni Aya. Umiiyak ako na parang bata. Aya hugged me. I look so pathetic. Ang hirap sa pakiramdam na para bang araw araw unti-unti kang nauubos. Wala kang ibang makapitan kundi ang sarili mo lang. Ang daming katanungan sa isip mo na hindi mo masagot. Gustong-gusto kong manumbat kanina pero hindi ko magawa. Nang makita ko kung paano ngumiti si Hendrix, para akong nadudurog. Dahil ang ngiti na iyon ang minsan na ako ang dahilan ngayon ay iba na. This life is so f****d up. I woke up having a bad hang over. Napakasakit ng ulo ko. Wala na si Aya pero iniwanan niya ako ng pagkain. Una kong inabot ang malamig na tubig saka inisang tungga iyon. Kinuha ko ang cellphone ko. Napakaraming missed call galing sa manager ko. I didn't bother texting her. Ang dami kong shoot ang hindi napuntahan. Tumayo ako saka nagtungo sa cabinet ko. Kinuha ko ang maliit na duffel bag ko saka naglagay ng ilang mga damit. Nag-text ako kay Aya na huwag niya muna akong hanapin. I even texted my manager that I will be having a vacation leave. Matapos ay pinatay ko na ang phone ko saka tinanggal ang sim card ko. Naligo lamang ako at nag-ayos saka umalis. Napagdesisyunan kong magtungo sa Tierra del Sol. Iyon ang nakita ko sa google na magandang probinsya. Apat na oras ang biyahe mula Manila hanggang doon. Gumamit na lamang ako ng waze para sa direksyon. Alas dos ng hapon ay nakarating ako sa Tierra. Sumalubong sa akin ang malawak na palayan. Sunod ay malaking mga lupain. Malalayo ang agwat ng bahay sa isa't isa. Wala gaanong sasakyan ang dumaraan. Tumigil ako sa tindahan upang bumili ng maiinom. "Pagbilhan po?" Tawag ko sa atensyon ng tindera. "Ano 'yon?" "What do you have there? Anything that's cold." Napanganga ang tindera. "Ice water po?" "Ha?" "Joke, may coke mismo po kami saka mga zesto." "Zesto apple, please." Binuksan niya ang ref saka kumuha ng zesto. "Ten pesos po." Dumukot ako ng pera sa wallet ko saka inabot iyon. "Ma'am, wala po akong isusukli sa isang libo." "Keep the change." I said while sipping my zesto. Bumalik ako sa kotse ko pero hindi muna ako sumakay. Sumandal lang ako habang tinitingnan ang kapaligiran. It was all green because of the grass and the trees sorrounding the area. "Tabi!" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid. The next thing I knew sumubsob na ako sa kalsada. Narinig ko ang pagtalsik ng side mirror ko sa hindi kalayuan. "What the f**k?!" I uttered. Tiningnan ako ang may kagagawan. Isang lalaking half naked na nakasakay sa kulay puting kabayo. His sweat was running down in his six packed abs. Moreno ang lalaki at may mahabang buhok na naka-pusod. Madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. Ni hindi siya nag-atubiling bumaba upang tulungan ako. Not even saying sorry for what he did! "Miss, nakaharang ang sasakyan mo sa kalsada." Nanlaki ang mata ko. Tiningnan ko ang kotse kong sira ang side mirror. Mabilis akong tumayo saka hinarap ang mayabang na lalaki. "Excuse me? Ikaw ang basta-basta na lamang bumangga at sinira mo pa ang kotse ko!" sigaw ko sa kanya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Sa halip ay pinalo niya ang kabayo. Mukhang aalis siya. Pero hinila ko ang tali kaya naman na-out of balance siya at nahulog sa kabayo. He groaned. "Bayaran mo ang kotse ko!" Mabilis siyang tumayo saka naglakad patungo sa akin. Umatras ako hanggang sumadsad ang likod ko sa aking kotse. Malakas na hinampas niya ang kotse ko. "Dayo ka lang. Ang lakas naman ng loob mong banggain ako?" I gasped. Damn. Nagtama ang aming mga mata. Para akong kinakain ng kanyang mga tingin. The next thing I knew everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD