Chapter Fourteen

995 Words
Tanghali na akong nagising. I headed straight to the kitchen to drink some water. Medyo dizzy ang pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nang tingnan ko ang intercom ay nakita ko si Reed na may dalang napakaraming grocery eco bags. Binuksan ko ang pintuan saka tumambad sa akin ang ilan pang ecobags na nasa lapag. “Good morning, sleepyhead. Tanghali na po.” Anito saka dinampot ang ilan pang mga ecobags saka ako nilampasan at tuluyan nang pumasok. Inilapag ni Reed ang kaniyang mga bitbit sa lamesa. Ako naman ay nakasunod sa kaniya. “Para saan ‘yan?” Tanong ko. Tiningnan niya ako saka isa-isang binuksan ang mga ecobag saka inilabas ang mga nilalaman noon. “Stocks mo dito sa bahay. Napansin ko na walang laman ang mga cabinet mo. Kaya naisipan kong ipamili ka.” Aniya habang patuloy na inilalabas ang mga groceries na binili niya. Kinuha ko ang isang ecobag saka inisa-isang ilabas ang mga laman noon. Noodles, fresh fruits, canned goods, toiletries, at kung anu-ano pang mga kailangan ko. Tinulungan ko si Reed sa pagpapatas ng mga pinamili niya at nang matapos kami ay halos parang tindahan ang kusina ko sa sobrang daming stocks. “Mag-isa lang naman ako dito. Bakit ang dami mong pinamili?” Tanong ko sa kaniya. Ipinagtimpla ko na rin si Reed ng kape. Nakaupo kami sa sala habang nanonood ng paborito naming documetary. “Para kapag nagugutom ka sa gabi, hindi ka na kailangan pang lumabas. Atleast nasa bahay mo na lang ang mga kakailanganin mo,” anito bago sumimsim ng kape. I smiled. He’s very thoughtful. “Thank you, Reed. Pinagagaan mo ang lahat sa akin,” Buong sinseridad kong tugon. Natigil lang ang pag-uusap namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was an unknown number. Usually ay hindi ako sumasagot ng mga numerong hindi naka-register sa aking contacts but this time somethings urge me to answer the call. And I did. “Good morning, Is this Ms. Jean Karren? This is Jacinto Medical Hospital, and you’re husband caught an accident.” I froze as I heard the news. Hindi ko na naintindihan ang ibang sinabi ng kausap ko. Tumayo ako saka nagmamadaling kinuha ang susi ng sasakyan ko. Mukhang nagulat si Reed. “Jean? Saan ka pupunta?” Tanong niya habang sinusundan ako. “Hendrix had an accident.” Nanginginig kong wika. Mukhang pati si Reed ay nagulat. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. Agad kaming nagtungo palabas saka sumakay sa sasakyan. Sa Maynila pa ang ospital at ilang oras pa ang ibibiyahe namin. Halata ang pagmamadali sa pagmamaneho ni Reed. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong kaba sa dibdib ko. Panaka-nakang hinahawakan ni Reed ang kamay ko marahil ay upang pakalmahin ako kahit paano. I just smiled. Pero ang totoo ay parang sasabog na ang ulo at dibdib ko sa pag-iisip at pag-aalala. At nang makarating kami sa Jacinto Medical Hospital, ay halos liparin ko na ang papunta sa OR. Naabutan ko sa labas si Faye na umiiyak. Agad niya akong nakita saka niyakap. “Jean! I’m scared,” aniya habang nanginginig ang boses. “What happened?” I asked. “I didn’t do anything wrong, Jean. Believe me, hindi ko kasalanan,” umiiyak niyang saad. She was crying so hard. Sumalampak si Faye sa sahig habang paulit-ulit na sinasabing wala siyang kasalanan. Naguguluhan ako. “I didn’t do anything wrong, Jean! Hindi ko kasalanan.” Muling ulit ni Faye. “I know, walang may gusto ng aksidente. But how did it start?” “Ang sabi nawalan ng preno ang sinasakyan niyang kotse,” paliwanag ni Faye. “Did you fight before this accident?” Nag-iwas ng tingin si Faye at nagkibit-balikat. Sakto naman ang paglabas ng doctor. Mabilis na sinalubong niya ang doktor. “Are you the wife?” Tanong agad sa kaniya ng Doktor. Naglakad ako palapit. “I am.” Ipinaliwanag ng Doktor ang kalagayan ni Hendrix. He was okay but he’s still in comma. Malakas ang pagkakatama ng kaniyang ulo mabuti na lamang at hindi nagka-internal bleeding. Habang wala pang nagiging resulta ay sa ICU muna ito. Tinapik ni Reed ang likod ko saka hinimas iyon upang pakalmahin marahil ako. Faye was just eyeing us. “Kumain ka na ba? Ibibili kita ng pagkain kung hindi pa,” tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Iyak lang siya ng iyak. Iniwan ko muna si Faye saka nagtungo sa pinakamalapit na convenience store. Bumili ako ng tinapay at instant noodles para kahit paano ay malamanan ang tiyan ni Faye. Reed was with me all along. Pagbalik sa ospital ay naroon na ang mga magulang ni Hendrix. Agad naman akong niyakap ni Mama saka ako nag-bless kay Papa. “Kamusta ka na hija?” Tanong agad sakin ni Papa. “I’m okay, ‘Pa. Naiinom niyo po ba ang mga gamot ninyo?” Tumango naman ito sa akin saka lumipat ang tingin kay Reed. Inabot ni Reed ang kamay niya. “Reed, Jean’s friend.” Pakilala nito. Tumangong muli si Papa. Panaka-nakang tumitingin siya sa amin ni Reed. Marahil ay nagtataka, hanggang hindi na ito nakatiis nang tumayo si Reed upang.magpaalam na sasagutin lamang ang tumatawag sa kaniya. "Is he your suitor, anak?" Nakangiting wika ni Papa. "P-Po?" Ginulo nito ang buhok niya saka ngumiti ng matamis. "Hindi ko hahadlangan ang kasiyahan mo, Jean. Kung sa tingin mo ay handa ka ng buksan muli ang puso mo, gawin mo nang walang pag-aalinlangan, anak. Hindi ko gugustuhin na ikulong mo ang sarili mo sa nakaraan kung may tao naman na handa at gusto kang pasayahin." payo nito sa kaniya. Hinawakan ng Papa niya ang kaniyang kamay saka marahan iyong minasahe. "Gusto kong maging masaya ka, anak. Huwag kang matakot na magpapasok ng panibagong tao sa buhay mo dahil lang sa nangyari," Tiningnan ko ang hallway kung saan naglalakad si Reed papunta sa amin. Handa na ba akong magpapasok ng panibagong tao sa buhay ko?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD