Chapter 5: Vacation In The Province

1940 Words
Matuling lumipas ang mga araw at buwan na kasama namin ni Nanay Tina si Maritoni sa aking bahay. Madali niyang natutunan ang mga inihahabilin ko sa kaniya. Iyon nga lang ay madalas ko pa ring naririnig ang boses ni Nanay Tina dahil sa kakulitan ni Maritoni. Akalain mong pinipilit niya talagang bigyan niya ng litrato ni Aries? Hindi ko alam kung masyado na ba niyang gusto ang kapatid ko o sadyang crush niya lang talaga? Pero kahit may pagka pilya siya ay mabait at maasikaso. Magkasing edad nga lang talaga sila ng bunso kong kapatid aside from the fact na pareho pa silang pilya at pilyo. Paminsan-minsan ko mang naririnig na kumakanta siya kahit wala sa tono ay hinahayaan ko na lang. Maging si Caap ay napapaungol na lamang kapag naririnig niyang kumakanta si Maritoni. Iyong ungol niya na parang itatakip niya na ang dalawang kamay niya sa tainga niya at magtago na lamang sa kuwarto ko para hindi niya mapakinggan ang pagkanta ni Maritoni. Pero kapag si Nanay Tina ang kakanta, iba ang tahol ni Caap. Para bang sinasabayan niya si Nanay Tina sa pagkanta. Nakikinig lamang ako pero ako ay natutuwa sa mga nangyayari sa loob ng aking tahanan. Naibsan pansamantala ang kalungkutang aking nadarama dahil sa kanilang tatlo. Apat lang kami dito at kailangang maging mabuti ako sa kanila. Ngunit may mga pagkakataong naiirita ako at napapasigaw na lamang nang wala sa oras. Napapagalitan ko pa at hindi sinasadya si Maritoni kapag umaandar ang pagkapilya o pambabara niya minsan. Siguro dahil ito sa kalagayan ko at nabo-bored lang ako sa buhay. Ngayon nga ay parang sasabog ang puso ko sa galit dahil ultimong sungkod ko sa kuwarto ay hindi ko makita. Nasa baba si Caap at ako lang ang mag-isa ngayon. Lagi ko namang itinatabi ito malapit sa akin pero ngayon hindi ko alam kung saang sulok ko ito ng aking silid kakapain. Kaya naman sa pagsisigaw ko ay nagmamadaling pumasok si Maritoni sa aking kuwarto. "Nanay Tina! Nay!" Sigaw ko. "Kuya Angelo, bakit niyo po hinahanap si Nanay? Pumunta po muna siya mall para mag-grocery. Ubos na po kasi ang mga lulutuin nating pagkain. May kailangan po ba kayo?" Kuya na ang tawag niya sa akin dahil nga mas matanda ako sa kaniya. Pamilyar na rin sa akin ang boses niya kaya madali na para sa akin na matandaan ito. "Gusto ko si Nanay Tina! Anong oras siya babalik?" naiiritang tanong ko. "Mayamaya pa po. Ako na po gagawa ng ipapagawa niyo kay Nanay. Nandito naman po ako," aniya sa malumanay na tinig. "Hanapin mo nga ang sungkod ko rito sa kuwarto. Bilis!" utos ko sa kaniya. "Malamang hindi mo mahahanap kasi bulag ka. Suplado lang? May mens siguro," mahina lang iyon pero narinig ko. "May sinasabi ka?" inis kong tanong. Nakaupo lang ako sa aking kama. Napagod na rin kasi ako sa kakakapa at kakakapit sa paghahanap. "Wala po. Eto na naghahanap na ako. Palibhasa kasi inuuna ang init ng ulo," nagtalak na naman siya. Nagpipigil lang ako. "May sinasabi ka talaga e. Ano iyon ha?" ilang minuto siyang hindi nakasagot. Pero naramdaman ko ang isang bagay na inilagay niya sa tabi ko. Kinapa ko ito at iyon na nga ang sungkod ko. "Kuya. Ang mga bagay na hindi mo mahanap ay hindi mo talaga mahahanap kasi bulag ka," aniya. "Oo na! Alam ko bulag ako. Useless ako," pakli ko. "Hay naku, Kuya. Ang ibig kong sabihin, hindi niyo po mahahanap ang isang bagay kung idadaan ninyo sa init ng ulo. Para kayong babae na may buwanang dalaw kung makasigaw at magalit. Subukan po ninyo munang mag-breathe in and breathe out bago ninyo isipin kung saan ninyo inilagay ang isang bagay para mahanap ninyo," sermon niya sa akin. Pareho talaga sila ni Aries. "Hindi dahilan ang pagiging bulag ninyo para hindi ninyo magawa o mahanap ang isang bagay. Ang kailangan niyo lang ay huminahon. Focus on something you can do to find that thing. Hindi iyong nagagalit kayo. Masisira lang talaga ang araw ninyo kapag galit kayo," at narinig ko na ang mga yabag niyang palabas sa aking silid. "Hey, wait. There's more. Para maiba naman, bakit hindi po kayo sumama sa amin sa Iloilo City, sa probinsiya namin para naman maramdaman ninyo ang simpleng pamumuhay doon. Malay mo baka doon mo pa makita ang taong lalong magpapasaya sa iyo at maibsan iyang kalungkutan sa puso mo. Sama ka ha? Bababa na po muna ako para hintayin si Nanay. Pag-isipan po ninyo, Kuya," buti na lang at kumalma na rin ang utak at puso ko. Nadala lang talaga ako sa inis at boring life for me na ito. Sadyang ganito lang siguro ang epekto kapag may kapansanan ka. Hindi mo na kasi magagawa ang gusto mo kasi nga bulag ka. May point naman si Maritoni. Kapag nagpapadala tayo sa ating emosyon ay hindi na natin alam na nakakasakit na pala tayo ng damdamin ng iba. Makabubuti nga siguro na tanggapin ko ang alok niyang sumama sa kanilang probinsiya upang makalanghap naman ako ng ibang atmosphere. Oo, bundok at lawa at kakahuyan din ang lugar dito sa Tagaytay, pero sabi nila iba pa rin ang amoy ng probinsiya. Baka nga doon ay magkaroon din ako ng peace of mind. Pero ang makatagpo ng taong para sa akin? I doubt it. If there is, why not? But, if there's none, ayaw kong umasa. Masasaktan lang ako. Pero, what if mayroon nga? Magugustuhan naman niya kaya ako? "Welcome to the City of Love - Iloilo City!" nagmamalaking wika ni Maritoni. "Umayos ka nga Maritoni. Nakakahiya kay Angelo," si Nanay Tina. Lihim na lang akong natatawa. "Nay, sanay na po iyan si Kuya sa ugali ko. Akalain mong nakaka isang buwan na pala ako sa kaniya?" si Maritoni. "Arf! Arf!" tahol ni Caap na nakaupo sa lap ko. Nasa back seat ako naupo ng sasakyan kung saan nasa gitna si Caap at left side naman si Maritoni then si Nanay Tina sa front seat sa tabi ng driver na kapatid daw ni Nanay Tina. "O, 'di ba? Pati si Caap, sumang ayon sa akin. Best friend na kaya kami ni Caap. Caap, gusto mo kantahan kita?" nang marinig ko ang sabi niyang kakanta ay napailing na lang ako. Narinig ko naman ang pag iba ng tahol ni Caap na tila ayaw sa gagawin ni Maritoni. Napasiksik pa nga ito sa akin. "O, tingnan mo si Caap, Maritoni. Sa tingin mo magugustuhan niya na kakanta ka?" pagak na lamang akong tumawa. Ibang klase talaga itong si Maritoni. Pati aso ayaw sa boses niya. "Nakakatawa talaga ang anak mo, Tina. Pilya na pala iyang batang iyan. Kanino kaya nagmana?" iyong drayber na si Mang Gaude. "Hoy, Gaudencio! Huwag mong sabihing sa akin nagmana at lalong sa tatay niya. Wala sa amin ng tatay niya nagmana ang kapilyahan niyan kung hindi sa iyo!" kaya pala. "Uy grabe ka naman, Ate. Good boy kaya ako noong kabataan ko. A little bit pilyo, oo pero hindi nang-aalaska o nambabara. Ha-ha," silang dalawa lang ni Nanay Tina ang tumawa. "Okay ka lang ba, anak? Angelo?" tanong ni Nanay Tina. "Ang guapong bata. Bagay sila ni Maritoni, Ate," si Mang Gaude. Lihim na naman akong tumawa. Pati si Mang Gaude hindi nagsasabi ng totoo na guapo ako. "Ahem! Ahem! Nandito ako, Tito. Baka nakakalimutan ninyo. Speaking of bagay, hindi siya ang type ko kung hindi ang bunso niyang kapatid na si Aries!" narinig ko ang pagpapadyak niya na tila kinikilig kapag binabanggit ang pangalan ni Aries. "Puwede ba, Maria Antonnette, tigilan mo na si Aries? Sigurado akong kapag nalaman niya ugali mo, hindi ka niya magugustuhan," si Nanay. "Bakit naman?" si Mang Gaude. "Basta!" si Nanay. "Hay naku, Nay, kung ayaw niya sa akin, ako gusto ko siya. Gustong-gusto kong si Aries ang mapapangasawa ko. Gusto kong siya ang magiging ama ng isang dosenang anak namin," aniya. "Isang dosena?" sabay-sabay pa kaming nag-react na tatlo maging si Caap ay napatahol pa. "Bakit? Kaya ko kaya este namin makabuo ng isang dosenang anak. Limang babae at pitong lalaki. Dapat marami ang lalaking anak naman para dadami pa ang lahing guapo! Ayieee!" kinikilig na sagot ni Maritoni. "Hay nakung bata ka! Sumasakit na talaga ulo ko sa iyo. Bahala ka sa buhay mo. Basta sinasabi ko sa iyo, hindi ikaw ang tipo ni Aries," at doon na nagtapos ang gulo. Joke lang. Tumahimik na rin ang lahat. Nasa loob pa rin kami ng Van. Ilang oras din kasi ang biyahe mula airport hanggang Lambunao, Iloilo. Malayo din ito sa siyudad. Pero habang binabagtas ang kalsada ay sariwang-sariwa talaga ang hanging malalanghap mo. Hindi polluted at concrete ang daan. Hindi baku-bako o lubak-lubak. At hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako nang mga sandaling iyon. "Angelo, anak. Gising na. Nandito na tayo sa aming tahanan," naalimpungatan ako nang may maramdaman akong yumuyugyog sa aking balikat. Kay Nanay Tina ang tinig na iyon. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Pagkababa ko ay iniabot sa akin ni Nanay ang baston ko habang si Caap ay panay na ang kahol sa akin. Nagustuhan niya marahil ang lugar. Nasamyo ko pa ang amoy ng sariwang hangin. "Pasensya ka na kung napagod ka sa biyahe dahil malayo ito. Halika, ipapakilala kita sa mga pamangkin at kapatid ko," at inalalayan na ako ni nanay na makapasok sa kanilang tahanan. Hindi ko ma-i-describe ang lugar pero ramdam ko ang katahimikan. Nang makapasok sa loob ay isa-isa niyang ipinakilala ang naroon sa kanilang tahanan. Tahanan daw ito ni Mang Gaude. Nang matapos ang pagpapakilala ay dinala naman nila ako sa hapag-kainan upang kumain. Magtatakip-silim na raw kasi nang dumating kami. "Pagpasensiyahan mo na ang inihanda namin, Angelo. Simple lang kasi kaming mga tao. Siyanga pala, para sa iyong kaalaman ay nagpaluto ako ng valenciana (paella), alimasag, pinakbet, at adobong manok. Native chicken ito. May maliit kasi kaming poultry malapit lang dito sa aming bahay. Sige, kumain na muna tayo nang makapagpahinga ka. Bukas pupunta tayo sa Tinagong Dagat," si Mang Gaude. Tinagong Dagat? Ano iyon? "Maganda ang lugar na iyon, Kuya Angelo. Isa na itong tourist attraction sa Iloilo. Bukas ikukuwento ko sa iyo. Kain na muna tayo. Puwede kang mag-kamay. Mas masarap kumain ng nakakamay lang. Lalagyan ko ang plato mo ha? Masasarap lahat ng pagkain kaya huwag kang mahiya. Ako nga walang hiya. Dapat ikaw din walang hiya-hiya. Makahiya lang ang may hiya! Ha-ha," si Maritoni. Kahit sa kainan talaga mahilig pa ring magpatawa. Nagsimula na akong kumain at unang subo ko pa lamang ay nasarapan na ako. Ang sabi kasi ay masarap kumain ng nakaka-kamay so sinubukan ko. Ang sarap nga! Na-enjoy ko ang foods habang kumakain ng naka-kamay. Ano kaya reaksyon nila sa akin? Hmmmpp. Hindi bale na! Gutom na rin ako e. Sumapit ang gabi at nasa silid na ako nagpapahinga nang may marinig akong isang tinig na nakakahalina. Kumakanta. I think I finally found you. I can see it in your smile. Nakakabighani ang kaniyang tinig. Napakapreskong pakinggan. Hindi masakit sa tainga. In your eyes. I can see the visions Why our love survive. In your eyes. We're moving safely Back for sure. I think I finally learned To love you more. Her voice. Her sweet and alluring voice. Who is she? I love the way she sang that song. For the first time again when my eyes can't see, I heard her voice, my heart beats suddenly. I can't understand, but it beats too fast. The other part of me says to get to know her while my heart says, its Her!... I think I finally found the One. I hope that she is and she was!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD