Chapter 4: While He Writes, She Sings

1032 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Bago gawin ang nais ko ay kinuha ko muna ang journal ko kung saan nagsusulat ako ng tula. Hawak ang aking tungkod ay nangapa akong buksan ang sliding door kung saan ay may terrace ang aking kwarto. Tulog pa si Caap at ako naman ay mag-isang gumawa ng nais ko - ang lumanghap ng sariwang hangin mula sa terraza ng aking silid. Nang malanghap ang simoy ng hangin ay nag-unat ako at nag-inhale-exhale. Ang sarap sa pakiramdam. Umupo ako sa upuang naroon. Siyempre todo ingat ako baka mahulog ako. Although, alam kong hanggang dibdib ang railing, kailangan ko pa ring mag-ingat. Itinabi ko malapit sa aking paa ang sungkod ko at binuksan ang journal. Kahit naman bulag ako ay nakakabasa naman ako at nakakapagsulat kasi natutunan ko ang Braille method way na mula pa sa Inglaterra. Matalino ako at alam ko ang dapat kong gawin. Inilagay ko ang isa kong kamay sa blangkong pahina nang mapagtanto kong wala pa iyong nakasulat. Then, kinuha ko ang ballpen na nakakabit doon sa journal at nagsimulang magsulat habang gi-ni-guide ng aking kanan kamay ang kaliwa kong kamay upang makapagsulat. If hearts can feel the loneliness within me, I can tell you deeply how much you are truly meant to be. If my eyes can't see the beauty within you, My heart can sense that your pretty as the blooming flowers in the morning dew. I am blind, but it doesn't matter to me. I can't see you, but my heart says its you. I am blind, but my feeling is true. I can't see you, but can you love me the way I do? Pansamantala akong tumigil dahil may narinig akong tila boses na kumakanta. Noong una ay akala ko tinig lang ito ng mga morning crickets, kaya nagpatuloy ako sa aking sinusulat. Can I call you mine, so you can call me yours? Can I call you darling, so you can call me love? Can I call you baby, so you can call me dear? Can I call you hershey, so you can call me sweet? Can I call you my universe, so you can call me your forever? Nagitla ako nang marinig ko na naman ang tinig na iyon. Hindi na siya crickets kasi makabasag pinggan na ang boses niya. Itinigil ko ang aking pagsusulat at tinalasan ang aking pandinig sa kumakanta at sa kaniyang kinakanta. So, now I come to you With open arms. Nothing to hide, Believe what I say, So, here I am With open arms Hoping you'll see What your love means to me Open arms. Grabe talaga! Natatawa ako sa tono ng boses niya. Kumakanta siya pero ang kinakanta niya mukhang ayaw sa kaniya. Hindi na niya pinapansin na nakakasira sa eardrums ang tinig niya. Naku po! Huwag naman sana araw-araw may maririnig akong ganito. Pero parang pamilyar ang boses niya. Kaya nakinig akong muli baka kumanta pa siya. Nanatili pa rin akong nakaupo ngayon nang may magsalita na tila pinapagalitan. "Hoy! Maritoni! Ang aga-aga nang-iistorbo ka. Paano kung nagising mo si Angelo dahil sa ingay ng boses mo ha?" si Nanay Tina iyon. "Nay, ikaw lang naman ang nakarinig e. At saka tulog pa si Angelo no. Kaya hindi niya maririnig ang lovely journey voice ko. Hindi ba maganda boses ko, Nay?" napahagikgik ako nang wala sa oras. "Anong maganda ang boses e nabasag ko pa ang isang plato sa hugasan dahil sa ingay mo. Naku! Buti na lang isa lang iyong nabasag kung hindi lagot ka talaga sa akin. Maganda ang boses ko pero hindi ko ito naman. Sa tatay mo ikaw nagmana kasi mahilig din iyon kumanta pero makabasag eardrums din kagaya mo," pinipigilan ko lang tumawa nang malakas pero nakakatawa pala ang mag-ina kapag nagsama lalo na si Maritoni. "Nay, naman e. Nanay ko kayo. Kaya dapat kayo ang pumupuri sa akin. At saka, kung hindi nabasag ang plato e di hindi maganda boses ko di ba? Gusto mo dagdagan natin ang mababasag na pinggan, Nay?" lagot na. Parang si Aries kung mag-reason a. Nakakatawa talaga siya. "Maria Antonnette Galvez! Tumigil ka! Ang mabuti pa tulungan mo muna akong ipaghanda si Angelo. Mayamaya gising na iyon sabay sila ni Caap. Pumasok ka na nga! Magkaka-alta presyon ako sa iyo e," grabe talaga itong si Maritoni. Ang galing din magpatawa at mang-alaska. Kanina pa talaga ako nagpipigil. "Opo, Nay. Basta hingi ako ng picture ni Aries ha? Ang cute niya kasi. Kamukha niya si Angelo. Pero magkasing-edad lang yata kami ni Aries, Nay. Ang guwapo niya nang masilayan at makausap ko siya sa airport. Malalagasan yata ako ng buhok na pagkahaba-haba kapag makita ko araw-araw si Aries. Kailan siya babalik dito, Nay?" ha-ha. Si Aries ang gusto niya. Naku, bagay nga talagang magsama ang pilya at pilyo. Ewan ko lang kung magustuhan siya ni Aries. Kapag tumawag si Aries sa akin, ikukuwento ko sa kaniya si Maritoni. Grabe ang tawa ko. "Maria Antonnette? Pasok sa loob at maghugas ng plato! Pasok! Talandi mo na ngayon ha? Hindi ka naman ganiyan a?" si Nanay Tina ulit. "Behave naman ako, Nay. Pero kapag naalala ko si Aries ay napapakanta ako ng Open Arms na pinasikat ng bandang Journey na si Arnel Pineda ang vocalist dati. Na-iimagine-- Aray! Aray naman, Nay! Ba't kayo nangungurot at sa hita pa," tumayo na muna ako para pumasok sa aking kuwarto nang makatawa ako nang malakas. Hindi ko na kayang pigilan e. Pero bago ko pa man isara ang sliding door sa aking terrace ay humirit pa si Maritoni. "Dyusko! Mamumula talaga ang hita mo sa kurot ko sa iyo kapag hindi ka tumigil sa pag-iimagine mo kay Aries. Gusto mo pati pechay mo kurutin ko na? Ha?" halatang galit na si Nanay Tina. "Huwag! Papasok na ako, Nay. Pero... baka puwedeng isang picture lang ni Aries, please?" hirit niya. "HINDI PUWEDE!" tumaas na ang boses ni Nanay Tina. "Sige na nga! Damot mo. Papasok na po ako. Hi-hi!" at diyan nagtatapos ang kapilyahan ni Maritoni. Kaya isinara ko na ang sliding door sa terrace ng aking kuwarto at nang makalapit sa kama ko ay bumunghalit na ako sa kakatawa na ikinagising at nagtatahol ng si Caap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD