Magda/Angela's Point of View Matapos kong ipabasa sa kaniya ang sagot sa tulang ginawa niya ay hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin at agad kong kinakapa ang kaniyang mga labi at hinalikan. Halik na dalawang taon ko ring hindi natikman. Halik na una kong naramdaman sa unang taong nagpasaysa sa aking puso. Halik na inasam kung muli ay maramdaman. Tumagal din ang halikan naming iyon at nang maghiwalay ang aming mga labi ay tinanong ako ni Angelo tungkol sa aking mata. "Anong nangyari sa iyo, Angela? Nasaan ang iyong paningin?" aniya. Umupo muna ako nang maayos habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nakayakap pa rin sa akin. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga at sinagot ang tanong niya. "Dalawang taon din ang lumipas, Angelo. At hindi ko makakalimutan ang araw na naak