Angelo's Point of View "Toni? Nanay Tina? Ano pong ingay iyon? May nangyari ba?" ilang hakbang na lamang ako sa kaniya. "Toni? Bakit hindi kayo sumasagot? May nangyari ba?" nagbibilang na ang aking isipan. Isa... Isang hakbang papalapit sa kaniya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko siya. Dalawa... Dalawang hakbang at mahahawakan ko na ang mga kamay niya. Tatlo... Sa ikatlong hakbang ko ay mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. "To--Toni? Si--sino ka?" ang tinig niya. Ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero ito ang unang pagkakataong makita ko siya. Ang kulay itim niyang buhok, ang mapupula niyang labi at ang kaniyang... mata. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Nagpupumiglas siya at nagtatanong kung sino ako. "Angela..." tanging ang pangalan l