Magda's Point of View "Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay. Na tinuruan mo ang puso ko, na umibig nang tunay.." Napapangiti na lamang kaming dalawa ni Angelo nang hindi sinasadyang sumakto ang kanta sa aming dalawa. Magkahawak ang aming kamay ngayong dalawa na naka-upo sa likurang bahagi ng sasakyan. Ang drayber ni Angelo ang nagmamaneho sa sasakyan nang mga oras na iyon. Nag-boluntaryo ako na ako na ang magmaneho pero mapilit siyang hindi raw puwede kasi walang magbabantay sa kaniya. Um-oo na lamang ako sa kaniya dahil sa isang banda may punto naman siya. Kinilig lang naman ako ng very slight while our hands intertwined. Si manong drayber naman ay sumasabay pa rin sa kanta habang nagmamaneho ng sasakyan. "Kuya, ang mata po sa daan ha? Baka po mabangga tayo." Pinaal