Magda's Point of View Pagkatapos ng mensaheng aking natanggap mula sa Cliffhanger Recording and Studio Company at pag-eensayo ng aming kinakantan para ma-I-upload na naman sa aming Youtube channel ay nagpahinga na kami ni Angelo. Kahit hindi niya sabihin ay bakas na bakas sa kaniyang mukha ang pagod. Kaya inalalayan ko siyang pumanhik sa kaniyang kuwarto upang makapagpahinga na. Nang nasa kuwarto na niya kami at magpapaalam na na lumabas ay nagsalita siya. "Huwag ka sanang mapagod sa akin ha?" iyon ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Pansamantala akong natigilan at sa halip na iparamdam sa kaniya ang lungkot na kaniyang nadarama ay lumapit ako sa kaniyang kama. Muli siyang nagsalita ng mga katagang tuluyan nang nagpabagsak ng aking mga luha. "Alam mo, Magda. Napaka-swurete k