I'm back to the area where I always sit and relax, in the terrace of my house. Dito lang kasi ako nag-mo-moment kapag sobrang lungkot ko o may naalala.
Umalis na sila. Mag-isa na ako. Mag-isa na naman ako. Ang bilis lumipas ng dalawang araw. Parang kahapon lamang ay masaya pa kaming nagtatawanan at nagkukuwentuhang magkapatid kasama sina Charie at Quennie at ang aming magulang.
Pero ngayon, muli na namang magiging tahimik ang buhay ko kasama ang alaga kong si Caap at si Nanay Tina. Si Nanay Tina na ang naghatid sa kanila patungong airport. Hindi kasi ako puwede. Hindi ko rin naman sila makikitang umiiyak o malulungkot. Ang alam ko lang ay damang-dama ko ang kalungkutang mayroon ako ngayon.
Ayaw pa ngang humiwalay sa akin ni Aries. Mahigpit na mahigpit niya akong niyakap. Mabuti na lamang at binigyan ko siya ng assurance na magiging okay naman ako kahit wala siya. Hindi naman kasi forever na maghihiwalay kami. Kailangan lang niyang magtrabaho. After all, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na mag-isa. Na kaya ko. At kakayanin ko.
Si Quennie nga pala na pamangkin ko ay iyak nang iyak dahil hindi na raw niya ako makikita. Magkamukha nga raw talaga kami ni Quennie kahit saang anggulo tingnan. Sina nanay at tatay, si Aries, si Nanay Tina at maging si Prince ay agree na kawangis ko siya... sa mata. Namana niya ang expressive kong mata. Kahit hindi ko siya nakikita at dalawang araw ko pa lamang siyang nakasama ay napamahal na siya sa akin. Pinatulog ko pa muna siya sa aking yakap para makaalis na sila. Ayaw kasi bumitaw ng bata.
Tungkol naman kay Nanay Tina ay sabay na sila ng kaniyang anak na babalik dito sa Tagaytay para ipakilala sa akin. Ano kaya ang hitsura niya? Ay mali! Hindi pala ako nakakakita kaya hindi ko rin malalaman. Sabi ni Aries maganda siya at katulad ni Nanay Tina. Sana ganoon din mismo ang ugali niya. Sana ay mapagtatiyagaan noya ang isang tulad kong bulag.
Lumipas ang limang oras ay may narinig na akong pumasok sa bahay. Tinawag pa ang aking pangalan kaya naman ay napatahol si Caap. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad hawak ang isang uri ng baston habang nauunang maglakad si Caap upang gabayan ako na hindi mahulog sa hagdanan pababa sa sala.
"Angelo, anak. Nandito na kami ng anak ko. Gusto mo bang akyatin kita diyan?"
"Hindi na po Nanay. Pababa na po ako kasama si Caap. Kaya ko na ito."
Alam kong hindi naniniwala si Nanay sa sinabi kong kaya ko at sigurado akong kahit hindi siya umakyat ay nakaabang naman siya sa baba upang tingnan ako na hindi mahulog.
Yes! Nagawa kong makababa ng hagdanan. 50 steps lang naman iyon pero sa tulong ni Caap ay nakababa ako.
"Wow! Congrats. Nakababa ka," tuwang-tuwang usal niya.
"Siyempre! Kasama ko si Caap e. Hindi ba Caap?" tumahol naman ang aso ko at hinimas-himas ko ang kaniyang ulo.
"Kinabahan tuloy ako sa iyo, anak. Basta kapag hindi mo kaya ay tawagin mo ako ha? Mahigpit pa naman ang bilin sa akin ni Aries na bantayan ka lalo na sa anak ko. Naku! Muntik ko ng makalimutan. Katabi ko pala ang aking anak na si Maritoni," sa dami ng sinabi ni Nanay ay ang pangalang Maritoni lang ang narinig ko. Nakipagkamay ito sa akin. Siya na ang kumuha ng kamay ko kaya wala na akong nagawa.
"I'm Maria Antonette Galvez po. Maritoni for short. Ikinagagalak ko kayong makilala. Ang guguapo pala ninyo sa personal, Sir," siya. Napangiti naman ako dahil doon. Guwapo raw ako? I mean kami.
"Nice meeting you. Drop the sir. Just call me, Angelo. Hindi naman siguro nagkakalayo ang edad natin hindi ba?" sagot ko. Dinig ko ang paghagikgik niya.
"Aray!" daing niya na ikinagulat ko.
"Pasensya ka na anak. May pagkapilya itong si Maritoni. Umayos ka, Toni ha? Amo mo iyan," mahina lang ang mga huling salitang iyon pero narinig ko. Napatawa naman ako.
"Okay lang iyon, Nay. At least may kasama na tayo. Kayo na po bahala sa kaniyang mag-explain sa nature ng work niya. Lalabas lang po kami ni Caap sa garden. Maiwan ko na muna kayo," nagpaalam na ako at nagsimulang tumahol si Caap hudyat na nauna na siya.
"Ipapahatid ko na lamang mamaya kay Maritoni ang meryenda mo para makakain ka dahil mayamaya ay oras na ng pag-inom mo ng gamot," tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay naulinigan ko ang hagikgik ni Maritoni.
"Umayos ka, Toni. Baka mapagalitan ka ni Aries. Alalahanin mo na malaki ang utang na loob natin sa kanila," sermon ni Nanay Tina.
"Opo. Ang cute kasi nilang magkapatid. Sana magkaroon na ako ng boyfriend this year," si Maritoni.
"Hoy! Maria Antonnette Galvez! Sinasabi ko sa iyo ha?" Tumaas na ang boses ni Nanay Tina. Ako naman ay napangiti lang.
"Opo, Nay. Good girl po ako," si Maritoni.
Hindi ko man siya nakikita pero parang naalala ko si Aries sa kaniya. May pagkapilyo kasi si Aries e. And to think na naga-guapuhan siya sa aming magkakapatid? Parang hindi maubos-ubos ang laughing gas ko. Sana nga magkasundo kami ni Maritoni. Nandiyan naman si Nanay Tina para paalahanan siya.
Tumahol na naman si Caap na ang ibig sabihin ay nasa garden na kami. Umupo na ako doon sa damuhan. Sa pagkakaalala ko ay may fountain ito sa gitna na napapaligiran ng mga bulaklak at orkidya. Sana nga ay ganoon pa rin ang ayos nito.
Ang sarap talaga ng simoy ng sariwang hangin dito. Nakakapresko. Sigurado kasi akong matataas pa rin ang mga puno rito at marami pa rin ang mga nakatanim na halaman sa paligid. Humiga ako sa damuhan habang katabi ko namang humiga sa tiyan ko si Caap.
Kung ganito lang sana araw-araw na tahimik at lagi akong nakakatawa, hindi ko iisiping bulag ako. At mas lalong hindi ko poproblemahing hindi magiging madali ang mag-isa.
Kung kaya ko lang sanang hilahin nang mabilis ang oras, araw, buwan at taon upang sa ganoon ay masilayan at marinig kong muli ang mga boses ng aking pamilya.
Bigla ko tuloy silang na-miss.