Chapter 10: False Hope

1163 Words
Magda's POV Hindi ako makatulog sa nangyaring iyon kanina. Sinong mag-aakala na ang tagpong iyon ay isa pala sa magiging pinakamagandang alaala ko sa aking buhay. Sinabayan ko siyang kumanta. Malamig din sa tainga ang boses niya. Nakakabighani. Kay sarap pakinggan. Nang-eengganyo. Nanghaharana. Iyon lamang ang ilan sa mga deskripsiyong nais kong maihalintulad sa tinig niyang aking napakinggan. Nasa aking higaaan na ako ngayon pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nariyang tatagilid ako. Titihaya. Magtatago sa ilalim ng kumot. Tatakpan ang mukha ng unan. Uupo. Tapos hihiga ulit. Ewan ko ba! Ang boses ni Angelo pa lamang ang kauna-unahang tinig ng isang lalaki na kumanta na nagpapagulo ngayon sa aking isipan. Kaya naman ay naisipan kong tumayo at binuksan ang lamp shade sa aking table. Kinuha ko sa loob ng aking drawer ang isang maliit na notebook. Isusulat ko na lamang sa notebook na ito ang nararamdaman ko ngayon. Ang tinig mo ay kaakit-akit. Nanghahalina. Nagpapakilig. Ang boses mo ay kaibig-ibig. Para akong isang bituing marikit. Hindi ako makatulog na tila nababaliw. Hindi maalis sa isipan ko ang tinig mong nakakaaliw. Kulang na lamang ay mahimatay ako sa saliw, Ng musika at kantang sinabayan ko na napakamagiliw. O, ano ang aking gagawin upang ako ay makatulog? O, ano ang nais sabihin ng puso kong ngayon ay kumakalabog? O, bakit ba ganito ito na tila nagdarabog? O, bakit nga ba ganito at sabik na boses mo ay marinig? Sana'y tumigil na itong aking kabaliwan. Nang si Inang buwan ay makatulog na rin naman. Sana'y sa pagsikat ng araw ay ika'y muling magisnan, Upang pananabik sa iyo ay iyong kalulugdan. Ano raw? Bakit ganito ang nagawa kong tula? Kalulugdan? Ay naku, Magda! Matulog ka na nga. Antok lang iyan. Bukas kailangan mo pang samahan si Angelo na mamasyal sa tabing-ilog nang hindi naman tuluyang mabagot siya dito sa bahay ninyo. Tama! Muntik ko na nga makalimutan na kailangan ko pala siyang samahang mamasyal bukas dahil maglalakwatsa raw muna si Maritoni. Palibhasa e pilya talaga. Siya kaya ang nars! Hindi bale, makakasama ko na naman ulit si Angelo bukas! Baliw na nga yata ako. Napapangiti na lamang ako nang wala sa oras. Pinatay ko na ang lamp shade at itinago ko na sa aking drawer ang notebook. Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking higaan at pumikit. ******* Angelo's POV I can't sleep. Yes! I can't sleep at all. I don't know what's happening, but maybe it was because of the song we sang awhile ago. Naka-LSS yata ang kantang iyon. Actually, I know the song Magda used to sing when I heard her voice for the first time. And who would have thought na makaka-duet ko siya. Sinadya kong subukang maglakad-lakad then doon ko natagpuan ang sarili ko sa may isang maliit na hardin. Hindi ko makita kong garden nga iyon dahil bulag ako pero ang pang-amoy ko at matalas na pakiramdam ang nagsasabing isa iyong maliit na hardin. Kaya doon ako pansamantala muna namalagi. At dahil wala namang nakabuntot sa akin dahil iniwan ko si Caap sa kuwarto na natutulog pa ay kumanta ako. Siyempre, with feelings iyon. It was the first time in my adult life to sing a song. Madalas ko na rin kasi napapakinggan ang kantang In Your Eyes kaya kabisado ko iyon. At dahil sa pagkanta ko ay hindi ko na namalayan na may isang tinig na palang nakarinig ng aking boses. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkanta at nagulat ako dahil sinabayan niya ako. I was supposed to stop singing, but I ended up doing a duet with her. Yes, with her! Kahit hindi ko siya nakikita, I know it was her - her voice. Ang sarap pala pakinggan ang pag-blend ng boses naming dalawa. We even ended up finishing that song singing together. Nakakatawa talaga. Mas lalo lang akong nahuhulog sa kantang iyon. Lalo ring bumibilis ang pintig ng aking puso sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Siguro mga isang oras na akong hindi dalawin ng antok. Nakailang posisyon na rin ako sa higaan pero hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil doon sa tagpong iyon. Sa totoo lang, it was Magda. Si Magda ang unang nakarinig na marunong akong kumanta. Never pa akong narinig ng mga kapatid ko na kumakanta. Even writing poems, ako lang ang nakakaalam. Although, I have a hint na alam din ni Kuya Prince, but when it comes to singing, walang nakakaalam kahit pa si Charie. Kumusta na kaya sila? Bigla ko na lamang naitanong sa aking isipan iyon. Nasa ganoon akong pagmu-muni-muni nang may kumatok sa labas ng aking tinututulugan. "Angelo, anak. Gising ka pa ba? May tawag mula kay Aries. May sasabihin daw siya sa iyo," si Nanay Tina. "Opo, Nay. Pasok po kayo. Bigay niyo na lang po ang cellphone sa akin tapos kakausapin ko si Aries," at narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag palapit sa aking higaan. Hinawakan ni Nanay Tina ang aking kamay at iniabot ang cellphone. Then, kinausap ko si Aries. "Kuyaaaa!" "Relaks, Aries. Kung makasigaw ka parang hindi ako nakakarinig a. Bulag ako hindi bingi. Napatawag ka?" "Na-miss lang kita, Kuya. I mean naming. Na-miss ka namin at may balita ako para sa iyo," "Shoot!" "May donor ka na sa iyong mata. Kaedaran mo rin ang pasyente kaso mamamatay na then the parents decided to tell to the doctor na sabi daw ng mamamatay na pasyente sa magulang niya na ibigay daw sa kung sinong nangangailangan at karapat-dapat ang mga mata niya," "Totoo ba iyan?" "Oo, Kuya, next week, kailangan ka naming sunduin dahil sa London ka mag-uundergo ng eye surgery," "Isa ngang sorpresa iyan, Aries. Sige, tawagan mo na lamang ako next week para makapaghanda ako. Sabihan mo na lang din si Nanay Tina ng mga dapat kong gawin a," "Sige, Kuya. Ako mismo ang uuwi diyan at susundo sa iyo," "Sigurado ka? Kung ikaw ang susundo, naku baka magkita kayo ni Maritoni. Kilala mo siya, hindi ba? Alam mo bang patay na patay sa iyo iyong nars na nag-aalaga sa akin?" "Hmpp! Hindi ko siya type. Ang ingay niya at ang daldal sa f*******:. Hindi ko nga pinapansin mga messages niya e," "Grabe ka naman. Mabait naman iyon. Bagay nga kayo e. Isang pilya at ikaw naman ay isang pilyo. Match kaya kayo," "Naku, Kuya! Ang mabuti pa, matulog ka na. Kailangan mo nang magpahinga. Goodnight, Kuya, bigay mo na lang phone kay Nanay Tina at kakausapin ko pa siya. Love you, Kuya Angelo," "Oo na. Ayaw mo lang pag-usapan si Maritoni e. Bye, bunso. Ingat ka diyan. Regards kina Kuya Prince, Charie at sa pamangkin ko a. Love you too," At iniabot ko na kay Nanay Tina ang phone. Isa nga itong unexpected blessing galing kay God dahil sa wakas makakakita na rin ako. Matapos lumabas ni Nanay Tina ay humiga na rin ako at pumikit. Nanalangin pa ako ng pasasalamat sa Diyos sa magandang surpresang hatid niya sa akin. Muli ko na namang makikita ang liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD