Chapter 9: The Duets

1049 Words
Magda's POV Sa wakas natapos din ang isang araw na outing ng aking pamilya at kasama na roon ang bago naming bisita na si sir Angelo. Sinong mag-aakalang makikipag-kaibigan ako sa kaniya e ni hindi ko nga masyadong8 kinakausap ang mga nanliligaw sa akin noon. Sa kaniya lang. Tama! Sa kaniya lang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang una ko siyang masilayan at nang ipinakilala siya sa amin ay kakaibang kaba, saya, tuwa at may halong kilig ang dulot niya sa akin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasabi ko sa sarili ko na akala ko ay habambuhay na akong magiging single. Iyon nga lang ay bulag siya. Baka siguro ay awa itong nararamdaman ko para sa kaniya. Pero hindi e. Hindi talaga! Lalo na nang alalayan ko siya. Nang hawakan ko ang mga bisig niya. Habang ginagawa ko iyon ay mas lalo ko siyang pinagmasdan. Matangos ang ilong. Maputi. Matangkad siya sa akin. At kung hindi siya bulag, sigurado akong napakaganda at napaka-expressive ng kaniyang dalawang mata. Ano kaya ang kuwento sa likod ng pagkabulag niya? Malungkot siguro no? O baka naman may nangyari lang sa kaniya. Of all people, kasalungat pa ang pangalan ko sa name niya. I mean, not totally kasalungat. Compatible. Bagay. Iyan ang mga salitang angkop. Kasi naman, Angela (pronounced as Anghela) ang pangalan ko tapos siya Angelo. Kung nakikita niya lamang ang bawat ekspresyon ng aking mga mata at mga kilos ko at galaw, malamang mahahalata niya. Ha-ha. Pagak akong napatawa. Kasalukuyan akong naglalakad-lakad sa likod ng aming bahay nang muling sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina. Iyon ang kauna-unahang paglapat ng aking labi sa isang lalaki. First kiss ko iyon at sa halip na magalit ako o sampalin ko siya ay hindi ko nagawa. Peste kasing tapilok iyon e. Pero bakit hindi ko nagawang pagalitan siya? Natatawa nga ako nang makita ko ang pamumula ng tainga niya e. Baka dahil doon siguro. Kasi naman wala pang segundo o segundo na ba iyong paglapat ng labi niya sa labi ko? Aish! Bakit ba? Tapos nang sabihin ng pilyang si Maritoni na may nangyari sa amin ay namumula na naman si Angelo. Ang cute niya! Ay mali. Nababaliw na ba ako? Feeling ko namumula din ang mga cheeks ko ngayon. Bakit nga kaya hinayaan ko lamang ang eksenang iyon kanina na para bang walang nangyari? At bakit sa tuwing nasisilayan ko siya ay lihim na ngumingit ang mga labi ko. Bumibilis ang t***k nitong abang puso ko? Bakit? Ano ba iyan? Napapadyak na lang ako nang wala sa oras. Malapit na ako sa isang maliit na hardin na may tanim ng iba't ibang uri ng halaman at bulaklak nang may marinig akong kumakanta. Pamilyar ang kantang iyon. Kinakanta ko ito. Pero bakit at sino siya? Humakbang pa ako palapit. Dahan-dahan. Ayoko kong mahalata niya at baka lingunin niya ako. Then, I found myself listening to the song he sings. I think I have found you I can see it from your smile I think that I can show you That what I have is beyond your eyes. That voice. Pamilyar na pamilyar sa akin. Lumapit pa ako at namalayan ko na lamang ang aking sarili na nakaupo sa tabi niya. Don't you know that love is like a thread That keeps unravelling but then. It ties us back together in the end. Napapapikit ang mga mata ko. Sinadya kong hindi siya lingunin. Nagpatuloy ako sa pakikinig. Napaka-presko sa pakiramdam. Ang sarap pakinggan ng tinig niya. Isang kakaibang musikang hindi ko dapat palagpasin. In your smile I can see the happiness that's in your eyes. In your smile, We're moving safely back to shore, And I think I have learned to give you more. In your smile, I can see the happiness that's in your eyes. In your smile, We're moving safely back to shore, And I think I have learned to give you more. Its an amazing and very lovable voice para sa akin. Nanatili pa rin akong nakapikit. Alam kong kakantahin na niya ang susunod na liriko. Kaya naman ay parang may sariling utak ang mga bibig ko at ang dila ko ay biglang bumigkas. You love me beyond changes That someone never knew Will time made some changes? Or will our love continues to grow. Hindi siya umimik. Sa halip ay nakipag-duet na rin siya sa akin. Even though seasons constantly change, Our love will always stay the same, Through it all, our bonds will still remain. In your smile (ako) I can see my my happiness reflected (ako ulit) In your smile (siya) I have forgotten all my questions (siya). In your smile (kami) I can see the happiness that's in your eyes (kami). We're moving safely back to shore (siya). (siya). And I think I have learned to give you more (ako). Namalayan ko na lamang ang aking sarili na ngiting-ngiti matapos naming kantahin ang kantang iyon. Paborito ko ang kantang ito na pinasikat ni Regine Velasquez. At sinong mag-aakala na makaka-duet ko ang katabi ko? Iminulat ko ang aking mata at nagulat ako kasi ang taong nasa tabi ko ay walang iba kung hindi si... "Kanina ka pa ba riyan? O kanina mo pa ako naririnig na kumakanta?" aniya. Hindi ako agad nakapagsalita. Kanina ay laman ng puso at isip ko siya. Ngayon pinagtagpo na naman kaming dalawa. "A. Pasensya na. Hindi ko alam na ikaw pala ang kumakanta. Ang ganda din pala ng boses mo," iyon ang lumabas sa bibig ko. Tameme nga dapat ako e. Kasi mas maganda at mas malinis ang tinig niya kaysa sa akin. At ang blending namin saktong-sakto. Swak na swak. Siguro kung bibigyan ng pagkakataong may maka-duet ako, gusto kong siya ang makakapareha ko. "Pareho pala ang hilig natin or choice of words na kanta." magkasabay pa kaming nagsalita. Napahagikgik na lamang ako. "Sir, gabi na po. Kailangan ko na po kayong samahan pabalik sa loob ng bahay. Baka hinahanap na rin po kayo nila Tatay at Auntie." Tumango na lamang siya. Then, inalalayan ko siyang muli na tumayo at maglakad pabalik. This is one of the memorable moment of my life. For the first time in my single whole life, siya pa lang ang nakapagpatibok ng mabilis sa aking natutulog na puso. Gising na gising na yata e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD